Ano ba sir! Brian mo nga ako, nangagalaiti na sya sa galit, tama bang halikan sya sa harapan pa ng mga magulang nito, nakakahiya. Pilit syang nagpupumiglas para makawala rito, pero sa halip na bitiwan sya basta nalang sya nito pinasan na parang sako ng bigas. Pakiramdam nya pulang pula na ang kanyang mukha sa oras na yun, pinagtitinginan na sila ng mga tao, may kumukuha pa ng picture, Pilit nyang tinatakpan ang kanyang mukha, sikat na anchor ang Bumuhat sa kanya, malamang bukas laman na sila ng pahayagan. Bweset ka Sir, hinampas nya ito sa likod, dahilan para pisilin nito ang kanyang pang upo, bastos! tungayaw nya. Kapag hindi ka pa tumigil sa kakapasag dYan, mahahalikan na naman kita rito, Dali dali nyang tinikom ang kanyang bibig, tatahimik na lang sya, baka totohanin pa ng lalak

