Nakatiim ang mga bagang nito habang masamang nakatitig sa kanya, taas noo naman nya itong nilabanan ng masamang titig, bakit ba, totoo naman ang sinabi nya, wala itong karapatan sa kanya. Hinaklit sya nito sa mga braso at walang pag alinlangang pinaghugpong nito ulit ang kanilang mga labi. Utang na loob masakit pa ang mga labi nya mula kanina dahil sa kagagawan nito, sa inis nya kinagat nya ito sa labi. Ouch! nabitawan sya nito dahil sa ginawa nya, akala siguro nito na gustong gusto nya ang halik nito, Bakit mo ako kinagat? Sinamaan nya ito ng tingin, bakit palagi kang nanghahalik? Balik tanong nya. Ang kapal bulong nya sa hangin. Because you are mine! napatulala sya sa sinabi nito. grabe sumosobra na ang ulupong na ito. Hindi porket boss nya ito ay pwede na syang angkinin na parang

