chapter 4

367 Words
Mommy ayaw ko po, hindi po ako papayag na ikaw ang magdesisyon sa bagay na yan. My God mom! mag eighteen pa lang ako, Kahit boyfriend nga wala ako, Kasi po gustong gusto ko po na makapagtapos ng pag aaral nang walang sagabal, Tapos ngayon kayo po ang magtutulak sa akin para mag asawa agad? What kind of mother you are? Alam ko Naman na hindi mo ako Mahal, na hindi nyo po ako minahal. Pero sobra sobra na po to, ipagtulakan mo ako sa lalaking di ko Mahal? Para ano mom? Maging malaya ka na sa responsibilidad sa akin? Dont worry mom I can take care of myself, Maliit pa ako tanggap ko na ang papel ko sa buhay mo. Si daddy at yaya lang yung nagmamahal sa akin. Pero ngayon pareho na silang wala sa buhay ko. Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan Yngrid! I'm still your mother. Kahit ano pa ang sabihin mo desisyon ko pa rin ang masusunod. Diyan ka magaling mom, ang magmanipula ng buhay ng may buhay. Noong buhay pa si dad, lagi kaming nakasunod sa lahat ng gusto mo. Hindi mo ba naisip mom na baka ayaw namin sa mga gusto mo? Nakakapagod na na maging anak nyo. Wala ka nang magagawa dahil ako ang ina mo, at kapag sinabi ko na magpakakasal ka, magpakakasal ka. No mom, hindi ako magpakakasal sa kahit na sino, lalong lalo na ng dahil lang sa negosyo. Tao ako mom, hindi bagay na pwede mong ibenta, anak mo ako. Anong ibenta? Maswerte ka kay Anthony gaga. Mayaman, at makapangyarihan ang kanilang pamilya, at kilalang kilala dito sa San simon. Ano pa ang hahanapin mo? Matulog ka na tapos na ang usapang to, bukas nandito sila Anthony para pag usapan ang tungkol sa kasal nyo. Goodnight yngrid. Hinding Hindi mo ako mapipilit sa gusto mo mom, sawang sawa na ako. Dali dali syang nagbihis, aayain nyang uminom ang mga kaibigan para damayan sya. Bakit ganun si Mommy dad? Sana hindi mo muna ako iniwan dad, wala na akong kakampi sa bahay na to. Buti pa lumayas na ako sa pamamahay na ito, para hindi na ako mapipilit ni mom na makasal. Sana ganon lang kadali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD