Waiter! One More shot of tequila please, hindi sya sinipot ng mga kaibigan nya kaya heto mag isa syang umiinom.
Nagkandasamid samid sya sa unang shot pa lang, pero nasanay na sya katagalan sa lasa.
Hilong hilo na sya at halos hindi na makatayo, Waiter sabi ko bigyan mo pa ako ng alak, kaya ko pa.
Ma'am pinagbawalan na ako ng manager na bigyan ka, baka daw di ka na makauwi, wala ka pa namang kasama para ipagdrive ka.
Waiter bigyan mo pa sya, mukhang may pinagdadaanan din kagaya ko.
Gusto man nyang titigan ang lalaking tumabi sa kanya pero hirap na syang magmulat ng mata.
Alam mo mukhang pareho tayong may pinagdadaanan, cheers! Let's celebrate para sa mga kabiguan natin sa buhay.
Yeahhhh! Cheers, para sa akin, ipapakasal ako sa lalaking di ko Mahal, para sa merger ng kompaniya.
I'm just 18 for God sake damn it! una namatay si daddy, at ang pangalawa nag asawa ulit si mom ng hindi ako iniinform. at ang pangatlo, ipapakasal nya ako sa lalaking hindi ko mahal
para sa kasunduan ng pamilya.
Well ako naman, pinagpalit para sa pangarap, at ang mas masakit pa.
Sumama sya sa isang banyagang director, nagpakasal sya doon sa ibang bansa.
May pera naman ako ah! Bakit doon pa sa matandang yun.
Alam mo ang babaw ng problema mo, sabad nya.
Mas maganda nga yun para alam mo na sa simula pa lang Alam mo na kung anong klase syang babae.
Bakit gusto mo ba makasal ka muna bago mo malaman na ganun sya?
Ang Mahal ng annulment uy! Wala pang divorce sa pinas.
Masakit eh! Binigay ko naman lahat sa kanya pero di pa rin sapat
Ayun pala, ego mo lang bilang lalaki ang nasasaktan. Cheers sa ating mga kabiguan.
Cheers!