Five year's later
May mga bagay na hindi mo kayang pigilan, at hindi mo inaasahang mangyari sa buhay mo.
May magaganda at pangit, pero ang importante doon ay kung paano mo ito tanggapin at harapin ng buong tapang.
Sa bawat pagkakamali mo ay madami kang matutunan, at doon mo rin matatagpuan ang lakas mo kung paano mo ulit buoin ang sarili mo ng mag isa.
After five years from hiding, im going home with my son, mapait syang napangiti, naalala nya ang pag uusap nila ng yaya esing nya.
Yngrid hanggang kailan mo kayang tikisin ang iyong ina?
Umuwi ka na, nasa peligro ang buhay nya pati na ang inyong kompaniya. Anak baon na baon na kayo sa utang,
Winawaldas ng mag ama ang pera nyo, malaki na ang nawalang pera sa kompaniya,hirap na itong makabangon.
Bakit nana selda? Noong kailangan ko ng mama sa tabi ko nasaan sya?
Anak kailangan ka nya, lubog na lubog na kayo sa utang, ang kompaniya na pinaghirapan ng iyong ama. Unti unti nang nawawala.
Bakit nana selda? Nasaan na ang magaling Kung stepdad at Ang anak nyang magaling?
Yngrid sinsamantala nila na may sakit ang yung ina, halos sila na ang nagpapatakbo ng kompaniya.
Pero ilang buwan lang ang laki na ng pera na nawawala sa kompaniya.
Napabuntong hininga sya, hindi nya alam ang aabutan nya sa kanilang pagbabalik ng anak nya.
Napaismid sya kapag naalala nya ang huling usapan nila ng kanyang ina,
Bakit noong kailangan na kailangan ko ang Isang ina nasaan ka mom? Kausap nya sa hangin.
hindi nya alam ang gagawin nya ng time na yun.
Mommy I'm five weeks pregnant, please mom! Forgive me.
Halos maglumuhod sya sa harapan nito mapatawad lang sya. I'm sorry, I'm sorry, hindi ko sinasadya mom.
Yngrid malapit na ang kasal mo tapos ngayon sasabihin mo na buntis ka?
Who is the father of that child? nangagalaiti ito sa galit habang hila hila nito ang buhok nya.
Mom please! Don't hurt me I'm pregnant, I'm just drunk that time and I can't remember who the guy is.
Malandi kang babae ka! Sinampal sya nito ng malakas. Abort that baby! Because I can't accept another bastard in this family.
No mom please! I'm begging you wala syang kasalanan, hindi ko kaya mom please I'm sorry.
Kung ganun nakapag desisyon ka na pala, get out of this house.
Wala akong anak na disgrasyada, umalis ka sa pamamahay ko, lumayas ka at huwag ka nang bumalik.