Mabuti nalang at may mga iniwan ang namayapang lolo at lola nya sa side ng papa nya, hindi sya naghirap ng pinalayas sya ng kanyang ina.
Sumunod sya sa kanyang yaya sa quezon at doon na tumira hanggang nakapanganak sya.
After giving birth to iñigo bumalik sya sa pag aaral at tinapos ang kurso bilang isang doctor. and after one year nangibang bansa sya sinama nya ang anak nya.
kumuha sya ng yaya para personal na mag aalaga sa anak nya, she's a Great doctor kaya mabilis nalang para sa kanya ang makapasok kahit saang hospital.
Hanggang makilala sya sa london bilang isa sa pinakamahusay na manggagamot. Kung hindi lang dahil sa nabalitaan nya sa yaya nya hindi na sana sya babalik ng bansa.
That mother fucker Will go to jail, isasama nya ang magaling na anak, pinaghirapan yun ng daddy nya, wala silang karapatan na maghari harian.
Iñigo! baby wake up, ginigising nya ang anak, kakalapag lang nila sa naia., finally baby we're home.
Welcome back señorita yngrid! Sinalubong say ng mga kasambahay na matagal nang nanilbihan sa kanila
Ate mila pakiakyat ng mga gamit sa kwarto ko.
Eh señorita noong umalis po kasi kayo dito si señorita ash na ang gumagamit ng kwarto mo.
Kumukulo ang dugo nya sa naririnig, ate mila hakutin mo at ipatapon sa labas ayaw ko ng mga basura sa kwarto ko.
Señorita baka po magalit si señorita ashley,
ate mila sino ang kakampihan mo sa aming dalawa? Ako o siya?
Don't worry kapag magalit say, ipakaladkad ko sya palabas kay Kuya edgar.
Napamaang ang mga katulong sa sinabi nya, señorita yngrid hindi nyo pa po alam?
Ang alin ang hindi ko alam ate mila? Bakit ganyan kayo makatitig sa akin?
Señorita kasi po matagal nang patay si mang edgar, napamulagat sya sa kanyang narinig, halos walang lumalabas na kataga galing sa kanyang bibig.
Ate mila that's not funny, huwag kang magbiro ng ganyan. Buhay pa si Kuya edgar napahikbi na sya,
hindi nya matanggap sa sarili na wala na ito, ito ang tumatayong tatay sa kanya nung mawalan sya ng ama.
Napahagulhol lang sya nang umiling lang ang mga kasambahay sa mga tanong nya,
kinumpirma ng mga ito na noong nakaraang taon lang ito namatay, tinambangan ito sa labas ng kaniyang tinitirahan.
Nanlulumo sya sa kanyang nalaman, bakit ngayon lang nya nalaman ito, sana man lang nakarating sya nung kailangan sya ng pamilya ni Kuya edgar.