bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

book_age18+
15.7K
FOLLOW
80.5K
READ
family
fated
goodgirl
powerful
twisted
bxg
lighthearted
sassy
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Cayden is a wealthy bachelor, handsome and charitable. Wala ng hahanapin pa ang mga babae na pumipila para maging girlfriend niya. But those characteristics can't change the past. He's once a demon and heaven couldn't forgive him for that 'mortal sin' he committed.

Paano siya mapapatawad ng langit kung mismong sarili niya ay hindi niya kayang patawarin at nagtatago siya sa imahe ng isang playboy na santo? Ang imahe ng isang masamang tao na pilit niyang tinatakpan ng mga kabutihan pero lilitaw at lilitaw pa rin kahit na anong mangyari lalo na nang isang araw ay magulantang ang mundo niya nang parang multo na bumalik ang kahapon, at hindi niya magagawang takbuhan pa ngayon dahil sa bigat ng responsibilad na dapat na niyang kaharapin.

He met Louise; he was spellbound not just because he found her pretty and young, but because he knew her once upon a time.

He wanted to say sorry but he's not sorry at all and how could he even confess if he finds her so irresistible and a young woman so hard to ignore?

chap-preview
Free preview
Prologue
    Himas ang tiyan ay hindi niya mapigilan na huwag mapaluha habang nakatanaw siya sa bakuran ng orphanage. Nakikita niya ang kanyang Ate Thelma na tinuturuan ang mga bata sa ilalim ng isang matandang puno ng mangga. Iyon ang kumupkop sa kanya matapos siyang masumpungan sa daan na halos hindi makalakad, matapos siyang magahasa at basta na lang iwanan sa kalsada ng mga hayop na lalaki. Nawala ang kalasingan niya dahil doon at walang araw na hindi niya sinisi ang sarili niyang ama kung bakit iyon nangyari sa kanya. Ang mga kabarkada ng Papa niya ang nagpainom sa kanya ng alak sa edad niya na kinse kaya lumayas siya nang mismong sandali na iyon. Nag-aaral siya pero nasira na iyon lahat dahil sa isang bangungot na sumira sa buo niyang pagkatao. At heto ngayon si Louise sa isang ampunan na nag-aaruga sa mga batang lansangan na sinadyang pabayaan ng kanilang mga magulang. Siyam na buwan na siya roon dahil siyam na buwan na rin ang tiyan niya. Oo buntis siya, nabuntis ng hindi kilalang lalaki at ang batang dinadala niya ay bunga ng isang kahayupan, pero hindi niya itinuturing na hayop ang sariling anak. Mahal ito ni Louise at mamahalin pa rin kahit na demonyo ang ama ng bata. Kung nasaan mang lupalop ng mundo ang lalaking iyon, sana ay mabilaukan iyon at matuluyan na mamatay. Peste iyon sa buhay niya pero kahit paano ay hindi na rin niya pwedeng sabihin na nagsisisi pa siya dahil baka isipin ng anak niya na sinisisi niya rin ito. Pero, kahit kailan ay hindi maalis ang pagkamuhi na nararamdaman ni Louise para sa mga lalaking iyon at lalo na sa lalaking walang sawa na ginamit siya nang paulit-ulit sa loob ng iisang gabi. Iyon ang naaalala niya sa tuwing babalikan ang mapait na kahapon pero bukod doon ay wala na. Walang mukha ang lalaki at lalong walang pangalan.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
510.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook