sixteen Tahimik na bumaba si Louise sa sasakyan, akay si Blesserie habang napapalinga siya sa paligid. Hinanap ng mga mata niya ang matandang Zaragosa na bumaba sa sarili nitong sasakyan at tumingin kaagad sa anak niya. “What’s her name, Louise?” anito na kumukurap habang nakatitig sa mukha ni Bless. Kanina pa ito titig nang titig sa apartment pa lang. “Blesserie Gift po, Sir Isaac.” Sagot naman niya. Parang lalong naging maluha-luha ang matanda at saka iyon umiling. “Mawalang galang na po. Kanino pong bahay ito?” She looked around and looked down. Pakiramdam niya ay wala sila sa isang subdivision dahil wala roong nakatira at ang bahay na tinuluyan niya ay nasa pinakasentro ng hektaryang lupain at nasa tuktok pa. Paikot ang driveway at ang bahay ay parang walang dingding at puro sala