Inihatid ko si Catherine sa kanila dahil nag aalala ako na baka may masamang mangyari sa kanya. She’s broken at natatakot ako na baka may gawin siyang masama sa sarili niya. “Okay na ako. Di mo na ako kaylangan pang ihatid sa loob.” Pigil niya sa akin ng tangkain kung bumaba ng taxi ng makarating kami sa kanila. “Are you sure?” nag-aalala kong tanong sa kanya. “ Oo naman. There is no safe place than home.” Pilit-ngiting sagot niya sa akin. “Sige. Bye.” Paalam ko sa kanya. Kumaway muna siya sa akin bago pumasok ng gate nila. Nang makasigurado na akong nakapasok na siya sa loob ay saka ko inabisuhan ang driver na ihatid ako samin. Alam kong magagalit sa akin si Nick dahil sa ginawa ko. At walang tigil din ang pagtunog ng cellphone ko. Alam kong pilit niya akong tinatawagan pero di ko

