Chapter 21

1300 Words

Pilit kong pinagkakasya ang mga gamit ko sa maleta ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Aaron. “A-anong ginagawa mo?” gulat na tanong niya sa akin habang nakatingin sa hawak kong maleta. Saglit akong tumingin sa kanya bago ko itinuloy ang ginagawa kong pag-aayos. “Aalis na ako. Wala nang dahilan para manatili pa ako dito.” Mariin kong sagot sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa akin at pilit na pinipigilan ang pagpasok ko ng mga gamit sa maleta. Lumaban ako sa kanya pero dahil mas malakas siya sa akin nasagi ko ang maleta at bumagsag sa sahig. Inis akong tumingin sa kanya. “Ano ba?! Bakit mo ba ako pinipigilan?!” sigaw ko. “Hindi mo kailangang umalis. Pag umalis ka, saan ka pupunta?” nag-aalalang sabi niya. “Bakit? Sa tingin mo ba, makakaya ko pang makita at makasama ka sa iisang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD