Madaling araw na ng mag impake ako at umalis ng apartment ni Catherine. Nagstay muna ako sa isang hotel habang naghahanap ng matutuluyan. Sa katunayan, tutol ako sa ginagawang paghihiganti niya pero hinayaan ko na lang sya na gawin ang plano nya. Ayoko syang masaktan, pero kung ang paghihiganti ang magpapawala ng bigat na nararamdaman nya, kaylangan ko syang suportahan bilang kaibigan nya. Tumunog ang cellphone habang naghahanap ng post sa internet ng paupahang bahay. "Hello." "It's me. Nasaan ka? Bakit bigla kang umalis?" Rinig ko ang pag-aalala nya base sa tono ng boses nya. "Huwag kang mag-alala. Okay lang ako. Nasa isang hotel ako ngayon. Maayos ang lagay ko kaya wala kang dapat ipag-alala." Saglit na tumahimik si Catherine bago nagsalita. "Im sorry kung kailangan mung umalis. Hi

