6. Matapos Ang Laro

1311 Words
"Bakit ngayon ka lang dumating anak?" Iyon ang bungad sa akin ni Inay. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya, pero wala akong magagawa. Kailangan kong itago sa kanya ang katotohanan para hindi siya mag-alala. May sakit pa naman siya at nakakasama sa kanyang kalusugan ang mag-alala. Ayaw ko siyang mag-alala. Mas gusto ko pang maging masaya ito. Napangiti ako sa kanya at kaagad siyang niyakap. Kung alam mo lang ang ginawa ko ngayon Nay, siguro akong hindi mo magugustuhan ito. Hindi ko pinahalata sa kanya na malungkot ako. Gusto kong makita niya akong masaya. "Pasensiya na Nay at ngayon lang ako," panimula kong sambit. "Madaling araw na kasi natapos ang trabaho namin sa bar at hindi ko namalayang umidlip pala ako d'on." paliwanag ko. Sana maniwala ito sa akin. "Ganon ba anak," aniya. "Magpahinga ka na muna doon sa kwarto mo at alam kong pagod ka sa trabaho mo." aniya at umubo. "Nay, kailangan niyo din nang pahinga," ani ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala anak, okay lang ako." Mayroong ngiting makikita sa labi niya. "Ininom mo ba ang gamot?" tanong ko. "May gamot pa naman ako. Tinitipid ko lang alam mo na, iinom lang ako pag grumabe na ang ubo ko," paliwanag niya. Mas lalo akong naawa kay Inay. Mas nakakabuti sa kanya ang uminom ng gamot araw-araw para kaagad na mawala ang sakit niya. "Nay naman," nangangamba kong sambit. "May pera na ako. Huwag na kayong magtipid ulit at makabibili na ako ng maraming gamot para sayo," paliwanag ko. Napatango lang ito. "Oo na, magpahinga ka na at huwag mo na ulit akong alalahanin," sambit niya at napatango lang ako. Pumasok na ako sa kwarto ko at agad na nagbihis saka humiga ng kama ko. Hindi ko na naman maiwasan ang maiyak. Damn it. Gusto kong magmura. I'm sorry Nay, pero ito lang ang tanging paraan. Ito lang ang nakita kong paraan. Alam kong maraming paraan para kumita. "Magiging okay rin ang lahat self, huwag kang mag-alala." Cheer ko nalang sa aking sarili. "Magiging okay rin ang lahat." **** Mabilis lang umikot ang oras at nandito na naman ako sa bar, sumasayaw sa harapan ng maraming mga kalalakihan. Inaakit ang kanilang mga matang makasalanan. Every sexy moves that I did, pilit kong maaalala ang ginagawa namin ni Whyth. Tinitiis ang sakit ng katawan, makasayaw lang sa kanilang harapan. Agad silang nagpalakpakan pagkatapos kong sumayaw. Ngumiti lang ako sa kanila at nag-flying kiss pa saka agad na tumalikod. That was just a fake smile. Ngumiti kahit malungkot naman talaga ako. "Baguhan ka palang dito Aeneas at marami nang pumupuri sa 'yo," sabi Hazel. "How to be beautiful like you Aeneas?" Imbes na sumagot ako sa kanyang tanong, napa-buntonghininga nalang ako. Umupo ako sa kanyang tabi. "Bakit ang lungkot natin ngayon?" pahabol niyang tanong. "Bago ko makalimutan, tinanggap mo na ba ang alok ni Whyth?" napatingin lang ako sa kanyang sinabi. Hindi ko pa 'yon sinabi sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya iyon? Kung hindi ko sasabihin, malalaman at malalaman niya din ito. Wala din namang matatagong sekreto. Napatango nalang ako sa kanya. Niyakap niya ako bigla. "Sabi ko na nga ba e. Ang swerte mo talaga!" aniya. "Tell me anong nangyari sa inyo?" curious niyang tanong sa akin. Pati ba naman iyon kailangan pa niyang tanungin? Grabe naman niya. "Huwag na nating pag-usapan pa 'yon Hazel." napatayo ako "Hindi natin 'yon dapat pag-usapan. Ang mahalaga ay nalaman mo nang tinanggap ko na ang alok niya at hanggang doon lang 'yon." "Okay, basta ang swerte mo talaga," aniya. "Kung ako sa posisyon mo, tatanggapin ko din. Alam mo namang ang gwapo niya diba? OMG. Hindi ko maiwasang ma-imagine ang kanyang hot na katawan." "Tsk. Tumigil ka nga diyan." saway ko nalang sa kanya. "Ka-babae mong tao." "Imagine lang e." "All girls proceed na!" ani Tita Yna. "Marami nang customers! Naghahanap na ng mga babae!" sambit nito. "Yes Tita!" "Lalabas na kami Tita!" Inayos ko na muli ang sarili ko. A-akmang lalabas na sana ako sa dressing room namin nang pigilan ako ni Tita. Napatingin ako sa kanya kung bakit. "Hindi ka pwedeng lumabas, may kontrata na kayo remember?" ani Tita. "Kontrata? Ano yun Aeneas?" ani Hazel. "Share mo naman girl?" "Naku chismosa mo talaga Hazel!" saway ni Tita Yna sa kanya. "Tara na. Dun na tayo." hinila niya kaagad si Hazel. "Here we go again," nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Whyth. Seryoso itong nakatingin sa akin. "Did I told you that you're already mine?" aniya muli at bahagyang napalapit sa akin. "Follow me," he said. "Yes sir—I mean—Whyth," sabi ko at sumunod lang sa kanya. Maingay lang sa bar dahil sa malakas na musika at hiyawan ng mga tao. Hindi ko namalayang lumabas na pala kami sa bar kaya hindi ko maiwasang napatanong. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang patuloy lang ito sa paglalakad. "Bawal akong lumabas sa oras ng trabaho." muli kong sambit at napaharap siya sa akin. Iyon lang naman ang protocol dito sa bar. Hindi ako dapat na lumabag. Baguhan pa lang din naman ako dito. "Nakalimutan mo na agad? I'm the owner of this bar and you're my bed warmer so you're still working even if you're going out." aniya at nagpatuloy itong sa paglalakad. Oo nga naman. Huminto ito malapit sa isang itim na sasakyan at bahagya itong pumasok sa pintuan ng driver's seat. Nananatili naman akong nakatayo dito habang pinagmasdan lang siya sa loob ng sasakyan. Hinihintay ko ang kanyang signal kung papasok din ba ako sa kanyang sasakyan o hindi. "Stupid! Sumakay ka dito!" sigaw niya sa akin at dali akong pumasok sa loob ng sasakyan at umupo sa front seat. "Stay chill and relax." aniya at agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan saka pinaandar. Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana ng sasakyan. Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa madadaanan naming mga building. I'm still clueless. Saan niya kaya ako dadalhin? Hindi naman siguro kami pupunta sa hotel to do some shitty things again. Tahimik lang ang pumapagitan sa amin. Tila ba walang gustong bumabasag sa katahimikan na pumapagitan sa amin. Ayaw ko din namang basagin ito dahil alam ko naman na magagalit lang siya sa akin. Ganon naman siya e, parang tanga. Napatingin lang ako sa kanya. Marahan ko siyang pinagmasdan. May pointed nose ito. I admit that he's handsome. Pero hindi siya ang tipo ng lalaking gusto ko. Hindi ko gusto ang lalaking tinatrato ang babaeng tulad ko na isang laruan lang. Gusto ko lang naman sa lalaki ang simple. Kahit walang itsura, basta't mabait at makatao. May respeto sa mga babae. Hindi lang mga babae, pati na rin sa deserved na irespect. Ma-babae man o lalaki, or even the l***q. "You keep on staring on me, huh?" aniya at napatingin sa akin at agad niya rin itong ibinalik ang tingin sa daan. Napakurap ako at daling napaiwas ng tingin sa kanya. Nakalimutan kong nakatitig pala ako sa kanya. "You like me?" he keeps asking. Parang ilang araw lang kaming nagkakilala, magugustuhan ko agad siya? "Hindi no!" sagot ko. "Then, why are you staring at me?" tanong niya at hininto niya ang sasakyan. "Hindi ikaw ang tinitignan ko." Pagsisinungaling ko nalang sa kanya. Pati ba naman ang pagtingin sa kanya big deal? "O right, you can't like me," sambit niya at sa pagkakataong ito napatingin ako sa kanya. "You're just my bed warmer." Parang tinutusok ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi. Tama nga naman siya, wala akong karapatan na magustuhan siya sapagkat mayaman siya mahirap lang ako. Bed warmer niya lang ako. Nasaktan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan. "We're already here." aniya. Nauna na siyang lumabas sa akin at sumunod na kaagad ako. Inilibot ko agad ang tingin ko sa paligid. Itinaas ko agad ang tingin ko sa building sa aming harapan. 'Wholip's Condo'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD