1. Mahirap ang buhay.
MAHIRAP maging mahirap, pero mas mahirap ang walang pangarap. Iyon ang mga katagang aking narinig mula sa kantong aking nadaanan.
Kung hindi ako nagkakamali, iyon ay isang jingle mula sa tumatakbong kandidato sa eleksyon.
O di kaya'y isang TV commercial. I don't know. Maybe. Narinig ko lang din naman 'yon, at isa pa, wala din naman kaming TV para maging updated ako.
Kung wala akong gagawin, patuloy na maghihirap ang aking pamilya.
Kailangan kong gumalaw at tulungan si Inay. Iyon lang naman ang tanging magagawa ko sa ngayon since hindi na rin naman ako nag-aaral.
"Mahirap lang kami. Ang aking pangarap ay iahon sila sa kahirapan kahit anong mangyari. Bahala na."
"Aeneas," sambit iyon ng aking ina. "ikaw nalang ang tanging pag-asa sa pamilyang ito," panimula sa aking ina.
May bahid na lungkot ang makikita sa kanyang mata. Iyon lang naman ang palaging sinasabi niya. Gustuhin kong umiyak ngunit ayaw kong ipakita iyon sa kanya.
"Matanda na ako at hindi ko na kaya pang tustusan ang mga pangangailangan ng dalawang kapatid mo," ani sabay ubo.
"Ma,"
Pinaupo ko siya sa stool at agad na nilagyan ng tubig ang baso para ipa-inom na sa kanya ang gamot. Ibinigay ko sa kanya ito at agad niya namang tinanggap.
Ininom niya agad ang kanyang gamot saka muling mapabaling ng tingin sa akin.
"May gamot pa akong kailangan inumin. May utang pa tayo, may bill pa tayo sa kuryente-" hindi ko na pinatuloy ni Inay ang gusto niyang sabihin baka umiyak na naman siya at baka kung ano na ang mangyari sa kanya.
May sakit pa naman ito at hindi ko matanggap na may mangyayaring masama sa kanya.
I still need her guidance.
"Huwag kang mag-alala pa tungkol diyan Nay. Maghahanap ako ng trabaho para sa mga kapatid ko at para na rin sa inyo." Pilit kong pinatatag ang sarili ko. Gusto kong umahon sa kahirapang ito. Ayaw kong makitang magdusa ang mga kapatid ko.
Gusto ni Inay na sumama ako kay Hazel na nagtatrabaho sa bar. Labag man sa kanyang kalooban na pagtrabahuhin ako dun, wala siyang magagawa dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral.
"Sabi ni Hazel, malaki ang sahod sa pagiging pole dancer. Wala naman sigurong masama doon Nay. Sasayaw ka lang naman sa harapan ng mga nag-iinuman." paliwanag ko sa kanya.
"At sabi din ni Hazel, may mga tip pa raw na ibibigay ang mga customer doon kapag ti-nable ka nila," muli kong sabi sa kanya.
Narinig ko siyang bumuntonghininga.
"Kung wala pa lang akong sakit, hindi na kita pinapasok sa trabahong 'yan, Aeneas." Malungkot niyang sambit sa akin.
Niyakap ko si Inay. Sinabi ko sa kanyang huwag kalimutang inumin ang gamot at ang bunsong kapatid ko muna ang mag-aalaga sa kanya sapagkat pupunta na ako ng bar ngayon. Napatayo na ako sa aking kinaupuan at lumabas na ng pintuan namin.
Mahigpit akong napahawak sa aking sling bag habang nakita kong naghihintay na sa akin si Hazel.
Kinawayan niya pa ako nang makita niya ako.
Bago pa man ako lumapit kay Hazel, nilingon ko muli ang aming bahay. Nasa isang slum area ito at may sira-sirang bubong.
Balang araw, maalis ko din ang aking pamilya diyan. Sa lupang pagmamay-ari ng aming tinitirhan sa ngayon. Darating ang araw na idedemolish din ito. Alam kong darating 'yon.
Haist. Sana naman at huwag na itong ituloy pa.
Napahinga ako ng malalim at muling naglakad na papunta kay Hazel.
"Hey, Aeneas! Okay ka lang? Bakit ang lungkot-lungkot ng mukha mo?" agad niyang sambit sa akin.
Napatingin lang ako sa kanya at napailing. Kailan ma'y hindi ako magiging okay.
"Huwag mo nalang akong pansinin. Tara na." sabi ko nalang sa kanya.
Napatango siya. Nauna na siyang pumasok sa loob ng tricycle at sumunod agad ako.
"Dapat nakangiti ka Aeneas, sayang ang beauty natin. Kailangang fresh tayong tignan," she said habang nakangiti.
"Tignan mo nga ang mukha mo, walang ka-make-up, make up. Pero maganda pa rin, paano na kaya kung lalagyan pa ng make up?" confident niyang sabi.
Sana ganyan din ako ka-confident katulad niya. Pero kahit na ganon, kailangan kong kapalan ang aking sarili para makakita na kaagad ako ng trabaho.
"Baka magmukhang clown pag naglagay ako ng make up sa mukha Hazel. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganyan. Hindi naman ako katulad mo e," I said to her.
Hindi naman talaga. Mas sanay pa ako sa polbo lang e.
"Huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sayo," she said. "Noong una, ganyan na ganyan ako katulad mo. Pero ngayon, tignan mo naman ako? I'm more confident!" proud niyang sambit.
Sana all diba? Confident.
"Dito nalang kami manong!" sabi niya kay Manong habang hininto naman ni Manong ang tricycle sa gilid. Nauna na akong bumaba kay Hazel. Magbabayad sana ako sa pamasahe ko pero sinabi lang agad sa akin ni Hazel na siya na raw ang bahala sa akin.
Iginala ko nalang ang tingin ko sa establishment na hinintuan namin. May tatlong palapag ito at ang first floor nito ay isang salon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito. Baka magpapasalon muna si Hazel bago kami pumunta sa bar.
"Hazel, magpa-pasalon ka pa ba muna bago tayo pumunta sa bar?" agad ko na tanong sa kanya.
"Hindi ako ang magpapa-salon, kundi ikaw," she said.
"Pero-"
"Wala nang maraming satsat, pumasok na tayo sa loob." Hinila niya agad ako papasok sa loob ng salon. Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa gusto niya. Agad niya akong pinaupo at may kinausap siyang isang beki at agad itong lumapit sa akin.
"Wala akong pera Hazel," sambit ko sa kanya.
"I told you Aeneas, ako ang bahala sayo. Dapat maganda tayo," she said to me. "
"Kayo na ang bahala sa kaibigan ko. Dapat mas lalong gumanda yan!" sabi niya pa sa mga beki.
Gusto ko sanang magreklamo sa kanya. Pero wala na akong magagawa pa. Treat daw niya ito kaya hinayaan ko nalang na galawin nang beki ang aking buhok.
Ito na ang takdang panahon. Magiging isang pole dancer na talaga ako at sa tingin ko, magiging okay ang buhay namin ni inay dito.
Hindi naman masama itong papasukin kong trabaho. Alam kong maiaahon ko din sa kahirapan ang aking pamilya.
Diyos ko, gabayan niyo ako sa aking tatahakin.