2. Maging Bed Warmer

1525 Words
Marahan kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa inilagay nilang cosmetics sa aking mukha. Malayong-malayo ito sa mukha na nakikita ko kanina. Pina-rebond din ni Hazel ang aking buhok. Kinilayan din nila ako at kung anu-ano pa para magmukhang presentable. "Mas lalo kang gumanda sa aking inaasahan Aeneas. Alam kong unang tingin pa lang ni Tita Yna ay magugustuhan ka na niya," she said habang nakangiti. Kanina niya pa ako pinupuri na tila ba hindi niya iyon mapigilan. "Smile often and forget your problems in life. Ang ngiti ay siyang puhunan natin sa ating trabaho." Paalala niya. "I will. Iyan ang mga itinuro mo sa akin kanina." "Mabuti." Dahan-dahan akong ngumiti. Isang pekeng ngiti na may makikitang bahid ng lungkot sa akin. "Let's go. Naghihintay na sa atin si Tita Yna," aniya. Agad kaming lumabas ng salon at pumara ng taxi. Sa puntong ito, wala akong ibang inisip kundi ang pamilya ko. Sila ang aking inspirasyon at sila ang dahilan kung bakit ko pinasok ito. Wala din naman akong gagawing masama sa bar. Hindi ko naman ibibenta ang sarili ko o maging bayarang babae man lang. Ilang minuto lang ang biyahe namin papunta dito sa isang bar. Dumidilim na rin ang kalangitan. Bahagyang maulap sa ngayon kaya walang ni-isang mga bituin ang nagkikislapan sa kalangitan. Binaling ko ang tingin sa may entrance ng bar. May mga tao nang pumapasok dito at halos sila mga kalalakihan. May nakikita naman akong babae ngunit kakaunti nga lang ito. Namuo na agad ang kaba ko. Nandito na ako, wala ng atrasan ito. "Aeneas! Halikana! Ano pang hinihintay mo diyan!" Narinig kong sigaw ni Hazel sa akin. Agad akong naglakad patungo sa kanyang kinatayuan at nang nakalapit na ako sa kanya ay agad na itong naglakad muli papunta sa bar at sumunod lang ako. This is it. Worden's Bar Dumaan kami ni Hazel sa gilid at pumunta sa likuran nito kung saan may dalawang pintuan akong nakikita. Ang kabilang pintuan ay may nakasulat na 'VIP's'. Pumasok kami sa kabilang pintuan kung saan walang kung anong karatola na nakalagay dito at bumungad sa akin sa loob ang mga babaeng todo ayos sa kanilang mga mukha. So this maybe the dressing room here? I guess. May mga nagma-make up at nagbibihis. "Girls, alam niyo na ang gagawin. Dapat marunong dumiskarte para kumita!" may isang beking palakad-lakad sa gitna. "Pag nagustuhan niya kayo, grab the change," ani niya muli. Nang nakita niya kami ay agad itong lumapit sa aming kinatayuan. "Hazel!" sabi ng beki at agad na niyakap si Hazel. Nakita niya ako at agad itong kumiwala sa pagkakayakap kay Hazel. Parang manghang-mangha siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganon nalang siya kung makatitig sa akin kaya ipinako ko nalang ang tingin ko sa sahig. Nahihiya ako pag may nakatinging tao sa akin ng ganon. "Siya ang sinasabi ko sayo Tita Yna." Narinig kong sambit ni Hazel. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya Tita Yna. Aayusin ko muna ang sarili ko." Paalam ni Hazel kaya dali akong napaangat ng tingin at sinundan lang itong pumunta sa gilid. Naghahanda na ito. You're Aeneas Montebello?" he asked me. Napatango ako sa kanya habang may ngiting bumahid sa aking mukha. Nakatayo lang ako sa kanyang harapan habang pinagmasdan niya ang aking katawan mula ingrown hanggang sa ulo ko. "Perfectly shaped body, with hazel brown eyes that captivated the one who stares at you and also you have a beautiful face," muling sambit ni Tita Yna. Isang beki. Napatango ito sa akin at tinapik ang balikat ko. "Thank you," sagot ko. Isa iyong papuri, sa tingin ko. "You're beautiful to be a pole dancer here at the bar. I will recommend you something, at malaki ang sahod nito," dugtong niya. I will grab this chance. Malaki raw ang sahod. Saktong-saktong nangangailangan ako sa ngayon ng pera. I'm applying to be a pole dancer. Hindi ko sana gusto ito pero mismong pamilya ko na ang nagtulak para pumasok dito. Dahil sa kahirapan at dahil sa sandamakmak na utang, kailangang kumayod ako. "Sure Tita Yna. Para sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat," sabi ko. Kakayanin ko nalang kahit mahirap. "Okay follow with me," sambit niya at sumunod lang ako. Huminto siya sa isang pintuan. Wala akong ideya kung bakit kami huminto dito. Napatingin pa siya sa akin saka niya binuksan ang pinto. Pumasok na siya at sumunod ulit ako sa kanya. Para lang itong isang kwarto. Para bang isang opisina. Inilibot ko pa ang tingin ko sa paligid ko. Bumungad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa isang black sofa. Nakatalikod ito sa amin habang naninigarilyo ito. He's wearing corporate attire. Siya siguro ang may ari nitong bar o baka naman siya ay isang VIP dito na naghihintay sa kanyang binayarang babae. "Sir Whyth, may nakita na po akong isang babaeng gusto niyo," panimula ni Tita Yna. Hindi nagpatinag ang lalaki at nananatili lang itong nakaupo sa sofa. Sinenyasan ako ni Tita Yna na lumapit dito. I am clueless. Anong gagawin ko? Sumunod lang ako sa gusto ni Tita Yna. Pumunta ako sa kanyang harapan. Ka-edad ko lang ito pero ma owtoridad na ito kung tumingin at kumilos. "Maghihintay lang ako dito sa labas." paalam ni Tita Yna. May kung ano pa siyang binulong sa akin. "Ito na ang chance mo para magkapera ng malaki kaya kita dinala dito." dugtong niya pa. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang gagawin ko dito. Kung tatanungin ko ba siya or ano ngunit hindi ko na ito nagawa sapagkat tuluyan nang umalis si Tita. Nananatili lang akong nakatayo. Habang naipako pa rin ang tingin ko sa sahig. "Pure woman." narinig kong sambit nito. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa saka agad din niya itong ibinalik sa aking mukha. Para bang pinag-aaralan niya ang aking mukha. Sa pagkakaalam ko, wala namang dumi ang mukha ko. "Yes. I'm a pure woman," tanging sagot ko nalang sa kanya kahit hindi ko alam kung ako ba ang taong tinutukoy niya. "I'm Aeneas Montebello sir. Nandito ako sa bar dahil nag-apply po ako bilang isang pole dancer. Sabi ni Tita may i-rerecommend siya sa akin para kumita pa ako ng malaki," paliwanag ko sa kanya. Sa totoo lang, nanginginig itong tuhod ko. Ang seryoso naman kasi niyang tingin niya sa akin. Wala naman akong ginawang kasalanan. "I am the owner of this bar," paliwanag niya. Wala namang nagtatanong. "You are here because you accept what Yna told you. So it means, starting tomorrow, you are my bed warmer," he said. Ano yan? Like what?! Nagulat lang ako sa kanyang sinabi. Ako ang magiging bed warmer niya? I mean, alam ko kung ano ang kahulugan niyan. Inosente akong tao pero alam ko ang mga ganyan. "Hindi naman 'yon ang pinasok ko dito sir. Isa akong pole dancer at hindi iyang sinasabi niyo po," paliwanag ko. "Baka nagkakamali lang po kayo. Baka ibang tao iyang tinutukoy niyo." "Shut up. You're here and you know exactly what I mean," napaayos pa ito ng upo. Kinuha niya pa ang basong may lamang alak sa kanyang mesa at bahagya itong ininom. Ibinalik niya kaagad ang tingin niya sa akin. May manly jaw ito. Sigurado akong maraming babae ang nahuhulog sa kanyang bitag dahil attractive ito. No. Hindi ko naman sinasabing na-a-attract din ako sa kanya pero parang ganon na nga. Haist! Ano ba itong iniisip ko. Kung ibang babae pa ang aalukin niya ng ganon, siguro naman akong walang a-ayaw. Ideal man na siya ng karamihan, pwera nalang sa akin. Wala pa 'yan sa isipan ko ang pumasok sa ganoong bagay. "Wala ako dito para makipagtitigan sa'yo," ani nito. "I am here because I am dealing with you. I'm not forcing you." dugtong nito. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin sa kanya. Ginulat nalang niya ako sa kanyang sinabi. I am here to be a pole dancer, natanggap naman ako. Nag-offer naman siya sa akin, wala pa akong naisip na isasagot sa kanya. "Deal or no deal?" muli niya pang tanong. "I know poverty pushed you to do this. But what if I tell you, a hundred thousand in just one night." Halos malaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Isang gabi lang pero kikita na ako ng ganon kalaki? Kung tutuusin, ilang buwan ko na iyang pagtatrabahuan dito sa bar. Pero kikitain ko lang sa isang gabi 'yon pag naging bed warmer niya ako? Gusto ko sanang mapatango sa kanya, pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "Ang laki niyang offer niyo sir," ani ko. "Hindi kita pipilitin dito. I'm just offering you some sidelines," aniya muli. "Hintayin ko ang sagot mo hanggang bukas. Sabihin mo nalang kay Yna kapag gusto mo." he added. "Pag-iisipan ko pa 'yan Sir Whyth. Just give me time to think," tanging sagot ko. Dalawa lang naman ang magiging choices nito. It's either yes or no ngunit nahihirapan ako. Pero naisip ko rin ang pamilya ko. Kapag sumang-ayon ako, hindi na kami maghihirap pa. Pero iniisip ko rin ang pamilya ko dito. Is it a yes or no?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD