"Sinabi ni Whyth iyon?!"
Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Hazel. Wala pa naman akong sinabi at panigurado akong magugulat ito.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sinabi ko na ito sa kanya. Wala naman akong ibang taong pagsasabihan nito kung hindi siya lang. Tanging siya lang sapagkat ayaw ko din naman itong umabot pa kay Inay.
"Oo, klaro iyong sinabi ko sa iyo,"
Dahil sa gulat niya ay napatayo ito sa kanyang kinauupuan.
"Isang napakagandang oportunidad iyon Aeneas. Bihira lang magbigay ng offer si Whyth kaya napakaswerte mo." Tinapik niya ang aking balikat. "Akalain mo iyon. Isang gwapong lalaking nag-offer sayo." Tila ba kinikilig pa ito.
"Ewan ko sa iyo kung bakit ganyan ang naging reaksiyon mo." Napabaling ako sa ibang direksiyon.
Hindi ko gustong isipin na swerte iyon. Baka isa lang iyong pagsubok sa buhay na kailangan kong pagdaanan. Hindi din naman iyon pwedeng tawaging swerte. Siguro ay swerte dahil maiahon ko sa hirap ang pamilya ko.
"Pero sinabi ko lang sa kanyang bigyan niya lang ako ng oras para mag-isip. Naisip ko ngang tanggihan nalang siya." Iyon naman sana ang dapat na gagawin ko, ngunit ang kahirapan ang siyang nagpapigil sa akin. "Gusto ko lang naman ay magtrabaho ng marangal. Okay na din sa akin ang maging isang pole dancer."
"No!" Nagulat ako sa naturang sigaw ni Hazel sa akin. "Huwag na huwag mong tatanggihan si Whyth. Hindi niya gustong tinatanggihan siya. Kung ano ang gusto niya, dapat iyon ang masunod." paliwanag niya sa akin.
Wala naman akong sinabing tatanggihan ko talaga siya. I mean, nagdadalawang isip pa rin ako hanggang sa ngayon.
Kung para lang sa akin, tatanggi ako.
Pero kung para sa pamilya ko, sasang-ayon ako. Kakayanin ko ang lahat para sa kanila.
"What?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "Hindi iyon pwede. Ako ang dapat na magdedesisyon dito. I am already in my legal age, 23 na nga ako kung tutuusin. Tsaka, wala din naman akong sinabing tatanggihan ako.
Nagdadalawang isip palang."
"Isipin mo nalang ang pamilya mo Aeneas," tinapik niya ang balikat ko. "Isipin mo ang dinaranas niyong kahirapan sa ngayon—ang dinaranas nating kahirapan." dugtong nito at agad niyang inalis ang kamay na nakahawak sa aking balikat.
Napatingin siya sa wall clock. "Mauna na ako sayo. Marami na ring tao sa labas kaya kailangan ko nang magtrabaho," paalam niya sa akin. Mapatango nalang ako sa kanya at nagpaalam. Bago pa siya tuluyang umalis, sinabi niya sa'kin na kung gusto ko raw umuwi, umuwi nalang ako at maghanda bukas. Ibinigay rin niya sa akin ang isang maikling short at parang bra na pan-itaas. Ito raw ang susuotin ko para bukas. Halos naka-two piece na ako at halos nakahubad na ako dito sa aking suot na ito.
Haist. Titiisin ko nalang ito. Para sa pamilya itong aking ginagawa sa ngayon.
****
"Kumusta ang lakad mo anak, natanggap ka na ba?" bungad na tanong sa akin ni Inay noong nakarating na ako sa bahay.
Tatayo sana ito sa kanyang kinauupuan pero agad ko itong pinigilan. Pinaupo ko ito ulit at narinig ko na naman itong umubo.
"Huwag kang mag alala Nay. Simula bukas may trabaho na ako. May pambili na tayo ng gamot mo at may pampaaral na ako sa dalawa kong bunso." Napangiti pa ako. Gusto kong makita niyang masaya ako sa bago kong trabaho. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang inalok ni Whyth sa akin.
"Salamat anak." Napangiti si Inay. "O siya sige magpahinga ka na. Alam kong pagod ka." mapatango lang ako sa kanyang sinabi.
"Magpahinga ka na rin Ma. Alam mo namang may sakit ka." pagpapaalala ko sa kanya.
"Huwag mo akong alalahanin, okay lang ako," sagot nito.
Pumasok ako sa aking kwarto. Inilagay ko sa maliit na mesa ang bag ko saka napaupo sa gilid ng kama. Life sucks.
Nagbibigay ito ng kapighatian, pero imbes na mawalan ako ng pag-asa, mas lalo akong nagpakatatag dahil sa pagsubok na aking kinakaharap sa ngayon.
I will take this as my challenges in life, na kailangan kong malampasan at alam kong malalampasan ko ito. May tiwala ako sa Diyos.
Napahiga ako sa aking kama. Iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Hazel at Whyth.
Gusto kong tumanggi.
Pero naiisip ko ring tama si Hazel. Isipin ko ang pamilya ko. Kahit na hindi ko nalang iisipin ang pamilya ko. Iisipin ko nalang ang maging kahinatnan nito.
Isang mabuting kahihinatnan para sa pamilya ko.
Hindi ako masyadong nakatulog dahil doon. Dahil sa aking pag-iisip, nawala ang antok ko. Hanggang sa dumating ang madaling araw at saka pa ako dinalaw nang antok. Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa aking balat. Panibagong araw na naman. I am thankful na binigyan pa rin ako ng Diyos ng panibagong buhay para harapin ang pagsubok sa buhay.
Dumating ang hapon. Malapit nang lumubog ang araw at tila pinag-iisipan ko pa ang alok sa akin ni Whyth. Ilang oras nalang pero hindi pa ako nakapagdesisyon sa sarili ko.
Nagdadalawang isip pa rin ako.
"Aeneas! Hello! Nakikinig ka ba sa akin?" Napabalik ako sa realidad nang marinig muli si Hazel. "Anong problema mo at tulala ka diyan?" tanong niya.
"May iniisip lang," nasabi ko nalang sa kanya.
Yes or no lang naman sana ngunit ang hirap gawin.
"Ano na? Sa kakaisip mo diyan, naisip mo na bang tanggapin ang alok ni sir Whyth?" tanong niya at mapabaling nalang ako sa kanya. "Of course, alam ko na ang desisyon mo. It's a yes. Huwag mo nang sabihin, alam ko na." dugtong nito.
Dali akong napailing. "Hindi pa ako nakapag-isip. Nagdadalawang isip pa rin ako hanggang ngayon," I said. "Hindi ko pa alam. Yawa, ang hirap magdesisyon."
"Come on, you need money right?" tanong niya at mapatango ako. "Iyon naman pala e, edi go na! Accept the deal!"
Napatingin pa siya sa kanyang relo at muling mapabaling ng tingin sa akin.
"Malapit na ang oras Aeneas. Magbihis kana at kailangang maaga tayo ngayon." tinapik niya ang balikat ko.
Oras na para bumuo ng desisyon. Oras na ba ito para sabihin kong oo?
****
Suot ko ngayon ang isang maiksing short at saka maikling pang-itaas na damit na makikita ang pusod ko.
Pinagmasdan ko lang ang sarili ko sa salamin. Hindi ako komportable sa aking suot. Hindi ako sanay sa mga sexeng mga kasuotan.
"Aeneas anong problema? Kanina kapa diyan nakatingin sa salamin sa suot mo," narinig kong sabi ni Hazel. Dali akong napaikot at napaharap sa kanya. "Bagay naman 'yan sayo e."
"Hindi lang ako komportable sa suot ko," paliwanag ko.
"Hay naku Aeneas, wag ka nang mag-reklamo pa—" may sasabihin pa sana si Hazel sa akin pero hindi na niya naituloy dahil biglang pumasok si Tita Yna sa dressing room namin.
"Girls! Double time! Lumabas na ako at marami-rami na ring customers!" bulyaw ni Tita Yna.
"Halika Aeneas, it is our time to shine!" Maligayang sambit niya.
Ngumiti ako pabalik sa kanya kahit may nararamdamang matinding kaba. It's my first time at naghihintay pa sa akin si Whyth.
Napahinga ako ng malalim. Sumunod na agad ako ni Hazel na lumabas kasama ang ibang mga babae. Confident sila at ako lang siguro ang hindi. Confident naman siguro ako kung wala lang talagang inalok sa akin si sir Whyth.
"Aeneas." Palabas na sana ako nang tawagin ako ni Tita Yna. Napahinto ako at bahagyang napalingon sa kanyang wari. "Do your best. Kailangan mong kunin ang mga mata ng mga kalalakihan lalong-lalo na ang mata ni sir Whyth."
Mapatango lang ako. This is it. My God. Kinakabahan na ako.
"Bago ko pa man makalimutan na sabihin sayo, sinabi sa akin ni sir Whyth na gusto na niya marinig ang sagot mo mula sa napagkasunduan niyo," paliwanag niya.
"Hindi gusto ni sir Whyth ang maghintay. Tandaan mo yan Aeneas."
"Yes Tita," sagot ko
.
Patakbo akong pumunta malapit sa backstage kung saan nakahanda na ang ilang mga kababaihan para sa pagsayaw.
Hindi ko nga alam kung ano ang isasayaw ko sa harapan. Basta't sinabi lang sa akin ni Hazel na kailangan akong sumayaw in a seductive way to catch their attention.
"Kinakabahan ako Hazel," sambit ko kay Hazel.
"Just enjoy this night!" Malakas niyang sigaw sa akin.
Malakas na musika ang aking narinig. Halos hindi ko na marinig ang sinabi niya sapagkat bahagyang lumakas ang hiyawan ng mga tao at sinabayan ng paglakas ng beat ng musika.
"Ano? Hindi ko marinig?!" tanong ko pabalik kay Hazel pero hindi ko talaga marinig ang kanyang sinasabi.
Bigla nalang niya akong hinila hanggang sa makarating kami sa mini-stage.
Maraming mga taong naghihiyawan, maraming mata ang nakatingin sa amin. Nahihiya ako. Pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. For my family.
Biglang nag slow ang beat ng musika hudyat para ang mga kasamahan kong babae dito, pati na si Hazel ay unti-unti na nilang ginagalaw ang kanilang katawan. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang ginagawa nila.
Ginawa ko ang sinabi ni Hazel, ang sumayaw into a seductive way. Giniling at malambot na iginalaw ang katawan, sumayaw kahit nahihiya.
Sa aking pagsayaw sa harapan, isang tao lang ang nahagip ng aking paningin na nakatitig sa akin. Parang napako ang kanyang tingin at halos matunaw na ako sa mga titig niya.
Si Whyth. Siya lang ang nakuha ng mata ko na para bang siya lang ang taong tanging nakikita ko na nagpapatibok lalo ng aking puso.