Kabanata 36 Whyth's in good mood today pero hindi ko magawang sabihin sa kanya na aalis at makipagkita ako kay Khan. I don't want to ruin his day. Minsan lang ako makakakita ng Whyth na masaya. Ang Whyth na ani mo'y mabait. "Kanina ko pa nakikitang nakatulala ka diyan, ano ang iniisip mo?" tanong ni Whyth sa akin at agad akong napabaling ng tingin sa kanya. "Do you have any problem? You can share it with me." sambit niya pa. Dali akong napailing sa kanya at ngumiti. "Wala. May iniisip lang." pagsisinungaling ko. Makakalabas kaya ako ngayong gabi? Nag-text sa akin si Khan kung saan kami magkikita. Walking distance lang ito mula dito sa condo ni Whyth kaya pwede lang akong maglakad. Bahagyang tumayo si Whyth at umupo sa aking tabi. "Is it about your family?" tanong niya pa muli sa akin.

