Kabanata 34 Ilang oras din kaming nag-uusap ni Whyth at Inay sa loob ng aming bahay hanggang sa dumating na rin ang dalawa kong kapatid galing sa eskwela. Kung anu-ano pa tin ang mga sinasabi ni Inay, habang ako naman ay todo saway sa kanyang mga pinagsasabi. Nakakahiya naman kay Whyth 'yon. Si Inay talaga. Hapon na at malapit nang magdilim. Kaya siguro kailangan na naming bumalik sa kanyang condo. Ilang oras na din kami dito baka na-bo-bored na itong si Whyth. Sana hindi nalang siya sumama pa dito at nagpaiwan nalang siya doon sa sasakyan, wala sanang mga pinagsasabi si Inay sa kanya. "Hindi mo ba pa gustong umuwi?" tanong ko sa kanya. Napabaling lang siya ng tingin sa akin. Parang ginanahan siyang makipag-usap kay Inay at sa dalawa kong kapatid. "Malapit ng magdilim." sambit ko pa.

