Kabanata 27 Mababaliw na ata ako ngayon. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Sa daming pwede niyang sasabihin sa akin, bakit 'yon pa ang naisipan niya? Pwede niya naman akong murahin e. Kahit isang 'fvcking' man lang mula sa kanya. Haist! Whyth. Kung anu-ano nalang talaga ang lumalabas mula sa kanyang labi. Mas gusto ko si Whyth pag nalalasing. Bumabait, 'yon nga lang, kung anu-ano nalang ang sinasabi sa akin. Nagpatulong na ako ni Khan sa paghatid ni Whyth sa kwarto namin. Buti nalang at hindi masyadong nalasing si Khan. Agad kong binuksan ang pintuan saka tinulungan si Khan para mailagay sa kama si Whyth. "Sa wakas," nasambit ko noong naihiga ko na si Whyth sa kama. "Salamat Khan." Napangiti lang siya sa akin. "Okay lang." tipid niyang sagot. "So I guess dito ka rin naman ma

