Kabanata 43

1132 Words

Kabanata 43 - Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi naman sinabi sa akin ni Whyth kung saan ang lakad namin. I tried to guess, pero wala akong maisip. "Saan ba kasi tayo pupunta Whyth? Tsaka, sino naman ang ipakikilala mo sa akin?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya. "Alam mo naman at hindi ko kabisado an lugar dito. Bakit hindi mo nalang kasi sabihin sa akin 'yon?" dugtong ko pa. Napangiti lang ito habang nakatuon ang kanyang atensyon sa kalsada. Hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung sino ang dadalawin namin. May dala itong bulaklak at pumapasok kaagad sa aking isipan na may dadalawin kami sa sementeryo. "Malalaman mo din 'yon pag dumating na tayo." sambit niya pa habang pinagpatuloy niya lang ang kanyang pagmamaneho. "Sabihin mo nalang kasi." ani ko muli sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD