Kabanata 39 INILAGAY lang ni Whyth ang kanyang bote ng alak sa center table habang muli niyang inangat ang kanyang paningin kina Urian, Gustav at Zao. "What did you just said?" hindi makapaniwalang tanong ni Zao kay Whyth. "Are you in love with Aeneas and you already confess to her?" dugtong nitong tanong kay Whyth. Bahagya lang siyang tinawanan nila sa kanyang sinabi. Sinabi niya kasi sa kanila ang natura niyang pag-amin kay Aeneas. Gusto niya lang sabihin sa kanila 'yon sapagkat hindi pa niya naranasang magmahal. Wala sa kanyang bokabularyo ang mahalin ang isang babae pero heto siya ngayon, parang tanga dahil sa pag-ibig. "Pero sinabi mo sa akin noon Whyth na hindi ka interesadong mahalin ang mga babae sapagkat laruan lang sila para sayo," ani Urian. "What happened now?" dugtong ni

