ALLESTAIR POV
Ilang araw na din simula ng umalis akong walang paalam sa bahay ni King, pero sa loob ng ilang araw na iyon ay wala man lang King na nagpakita, nangulit o di kaya ay nanakot sa akin.
Aminin ko man o hindi ay talagang namimiss ko na siya. Pero ayoko siyang puntahan, bakit ba? Bahala siya sa buhay niya.
Nandito ako ngayon sa office, nag-iisa, katatapos lang kasi ng klase ko. Si faith, ayon may klase pa.
Ninanamnam ko ang lamig na hatid ng aircon habang nakapatong ang ulo sa likod ng upuan ko ng may marinig akong tumikhim.
Ng iangat ko ang tingin ay bigla nakaramdam nanaman ako ng inis, it's Arries, ilang araw na niya akong kinukulit para daw mag-usap kami pero ayoko.
"Mystie. Alam kong it is too much to ask but can we talk?" Pakiusap niya, nakatungo, waring nahihiya.
Napabuntong hininga ako.
"Ano pa bang pag-uusapan natin ha? Di ba nga sinabi ko ng ayaw kong makipag-usap? Ano bang hindi mo maintindihan dun?" Pagalit kong sabi rito.
Naturingang principal hindi makaintindi. Kahit pa mas mataas ang rangko niya sa akin, wala akong balak galangin siya. Bakit kagalang-galang ba yung ginawa niya, na habang nasa relasyon pa ay nakikipaglaplapan na sa iba?
"I know. I know. But can we at least clear out things for our official break up?" Hindi makaintinding pakiusap nito.
Nawawalan tuloy ako ng pasensya sa lalaki. Buti at nakakapagtimpi pa ako. Ano ba kasing kaartehan pa ang pinag-sasabi niyang official break up? Like duh? Hindi pa ba official yung mga sinabi ko sa kanya? At anong clear? Hindi pa ba malinaw na niloko niya ako at ayoko na sa kanya?
Ang bobo naman masyado ng lalaking to.
"Fine." Singhal ko.
"Pagkatapos nito ay wag na wag mo na akong guguluhin o kakausapin pa kung hindi naman tungkol sa trabaho ko." Malakas ang loob kong sabi rito.
Dapat siyang magpakumbaba dahil siya ang dahilan kung bakit galit ako at nakipaghiwalay ako sa kanya.
Tumayo ako para lumabas. Ayokong maabutan kami ng ibang guro doong nag-uusap tungkol sa personal na buhay namin.
Iginiya niya ako sa isang malapit na coffee shop malapit sa entrance ng gate. Umorder lang kami ng kape pagkatapos.
"Ahm... Ah..." Utal na panimula nito.
"G-gusto ko lang sanang humingi ng tawad about the things i have done." Tuloy nito.
Tahimik lang akong nakinig. Naiinis man ako sa lalaking ito pero gusto ko ding marinig ang side niya kahit papaano.
"Hindi naman sa sinisisi kita, but i have needs Mystie. Naging mahina ako sa tukso, lalo pa at hindi mo maibigay sa akin ang gusto ko." Aniyang nakatungo.
Bigla ay nag-init nanaman ang ulo ko pero pinigilan ko ang sariling magsalita.
"Noong una, wala talaga akong balak patulan si Mika, but she was a damn temptation. Minsan sinadya niya ako sa bahay at may nangyari once, once lang nangyari iyon kayat i did tried my best to avoid her, pero siya mismo ang naglalapit ng katawan niya sa akin. Lalaki lang din ako, mahina kaya naman ay nagtuloy tuloy na iyon. Mahal naman kita, mahal na mahal, pero nawala sa isip kong linoloko na pala kita kahit wala naman kaming relasyon. Im sorry Mystie, im so sorry. I still love you but i guess this is the end of our story, i know you deserve a better man. A more strong one, hindi katulad kong mahina sa tawag ng laman." Lumuluhang aniya.
Saka ay pinahid ang pisngi.
Wala akong masabi. Pero yung dibdib ko gumaan ang pakiramdam, tila ba naliwanagan sa isang tanong walang kasagutan ngunit bigla ay nagkaroon.
Ang hayop na Mikang iyon. Papatayin ko na talaga siya sa susunod na pagkikita namin. Wag niyang subukang ipakita ang mukha niya sa akin at baka pulbusin ko siya, suyang suya na ako sa kalandian ng haliparot na iyon.
"Sana mapatawad mo ako Mystie. Araw-araw simula ng makipaghiwalay ka sakin ay hindi na ako pinatulog ng konsensya ko. Im so sorry talaga, i really am. Your a one in a million woman Mystie, your kind, beautiful, and selfless. I hope you can find a way more deserving man than i, a man who would never intend to hurt you. Thank you for staying with me for four long years, i have been loved by you a lot. " Nakangiti ngunit may lungkot sa mga matang aniya.
Tumitig lang ako sa mukha niya, hindi nagsasalita, Waring kinakalkal sa kasuluksulukan ng puso ko ang pagmamahal na naramdaman ko noon rito ngunit wala akong maapuhap ni katiting.
I guess, i moved on?
In just a week?
Katakataka man ngunit wala na talaga akong nararamdaman pa para rito.
"Thank you too Arries. Minahal mo din naman ako, yun nga lang ay hindi ganoon kalalim para maiwasan mo ang mga pagsubok. I guess this is really a goodbye?" Nakangiting sabi ko rito.
A goodbye to our love story we once had.
We both smile to each other and shake our hands, a closure for the both of us.
Ng matapos naming mag-usap ay sabay naming tinungo ang office ko, inihatid niya ako sa sarili kong office bago siya umalis. Tinukso pa nga kami ng ibang staff na nakakita sa amin pero ngiti na lang ang isinagot namin.
No one knows, except Faith, about our break up. But it's better this way, a little bit privacy for us both.
Ng papunta na ako sa susunod kong subject para magturo ay nagulat ako sa mga magagarang sasakyan na pumasok paloob sa ground ng school. Lahat ng estudyante ay nagsidungawan sa bintana ng kanya-kanyang classroom na kinaroroonan. Namamangha.
Mayayaman ang mga students dito pero hindi ganoon ka-yaman para magmay-ari ng Limousine at iba pang uring mamahaling sasakyan.
Pati ang ibang guro ay nagsilabasan para maki-usisa. Nangungunot lahat ng noo namin sa kung sinong posibleng bisita ang may-ari nito, wala naman kasing inaasahan ang buong staff kaya nakakapagtaka, bukod na lamang kung ang may-ari ng paaralan ang nakasakay sa loob niyon.
Napanganga at nanlalaki ang mga mata ko sa nakita, its King and his friends. There are also men in black surrounding them.
"Gosh! Anong ginagawa ng lalaking to dito?!" Naibulalas ko sa sarili.
"P-posible kayang ako ang pinuntahan niya?" Nagpapantasyang ani ko.
"Gaga! Ayan asa pa!" Galit nanamang saad ng konsensya ko.
Minsan tuloy gusto ko ng magpa-check-up sa psychiatrist eh, tinotopak ako palagi.
Naagaw ang pansin ko ni King ng lumapit rito si Arries, nakangiti ang huli at tila binabati ito sa biglang pagbisita.
Si Hari naman ay parang walang kausap at iginala ang paningin sa kabuuan ng school, para tuloy tanga si Arries na nagsasalita roon.
At dahil sa hindi pa ako masyadong nakapasok paloob mismo ng building ay kita pa ako sa may entrance.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ang makita si King na may nakapaskil na ngisi sa mukha. Mapanloko ang tingin niya habang natatutok ang mga mata sa akin.
Habang ako ay nakakunot ang noo, sinusuri kung sa akin ba nakatutok ang tingin o sa iba.
"Asa ka! Baka naman si Mika ang hinahanap?" Tudyo ulit ng isip ko.
Binalewala ko iyon at saka tumalikod para bagtasin ang daan patungo sa third floor ng building kung saan ang mga estudyante ko.
Ayoko sa isiping si Mika nga ang hanap niya.
"Pero bakit naman niya hahanapin si Mika?" Tanong ko sa sariling isip.
Ng wala naman akong maisip na posibleng rason ay hinayaan ko nalang.
"Tsk! Kung si Mika ang hanap mo e d bahala ka! Wala naman dito yung tao! Pwes, maghanap ka!" Maktol niya na tila kausap lang ang lalaki sa harap niya.
Simula kasi ng kunin ni King si Mika sa organisasyon niya ay simula na din nitong hindi pumasok. Pabor din naman sa akin iyon at baka mapatay ko pa, iba ang lebel ng landi e, lahat ng taong gusto ko sinusulut niya!
Ayaw ko namang tanungin si Arries kung nag-resign na ba yung malanding iyon dahil ang awkward naman masyado.
Malapit na ako sa may hagdan ng,
"Hey!" Pigil sa akin ng malakas na boses.
Paglingon ko ay walang iba kundi si
Arries.
What the actual f**k?!!!
Akala ko naman si King na.
"Asa pa more Mystie!!" Tudyo nanaman ng konsensya kong demonyo.
______________________________________
Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?