Chapter 31

1432 Words
  ALLESTAIR POV   Magkasabay kaming pumasok ni King sa looban ng paaralan, diretso kami sa may office ko, buti nalang at wala ng ibang tao roon kaya naman ay wala ng mga matang magtatanong kung bakit magkasama kaming dalawa ng may-ari ng paaralan.   He sat down like a child on my swivel chair and touch things on my table, i wasn't able to stop him because he is an apple of the eye.   "Let's go?" Ani ko ritong may ngiti.   "Where?" Tanong niyang hindi nakatingin sakin, he's looking intently at the picture, where in Arries and I happily embraced each other.   Kinuha ko ito sa kamay niya at saka inilagay sa may drawer para itago. Im going to put it in a trash anyway.   "Why do you still keep it?" Ani King na may seryosong tingin, he creased his forehead with a hawk eye looking intently at me, he wants answer.   "Ano ba, wag ng magselos. Itatapon ko din naman yan mamaya. Hala tayo na at pupunta pa tayong office ni Arries." Anyaya ko sa kanya at kinuha ko ang kamay niya para sana hilahin patayo, pero baliktad ang nangyari, instead, i was the one pulled by him and let me sat down his legs.   "Huy! Ano ba King. Baka biglang may pumasok dito iba ang isipin." Angil ko rito at pilit binabaklas ang kamay niyang magkahugpong, siyang nagkukulong sa akin.   "I don't give a f**k to them. I just wanna make sure you will disposed that junk." Tukoy niya sa picture frame kanina.   My god! How I love this possessive man. Indeed, he is for keeps.   "Oo nga promise. Now, bitaw na." Pilit ko rito.   Kahit naman nagugustuhan ko ang pyesto ko ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa sasabihin ng kung sino mang makakakita samin. Lalo pa't ang alam nila ay may relasyon pa kami nig butihin nilang principal.   "Very good. Can i get a peck of kiss, please?" Addict nitong tanong sakin, he was asking my permission.   God! Dagdag pogi points yon. He is really a dangerous gentleman. Pero hindi maikakailang simula may nangyari samin, na-a-addict na siya sakin. Todo yakap na din siya.   Jusko! Nasobrahan yata yung operation namin ni Blight.   Mabilis akong yumuko dito and gave him a kiss.   Shit! Kung pwede lang gumawa ng kababalaghan dito ay marahil ako na ang nagpatiuna pero hindi.   Masarap man si King sa aking paningin, tamang hintay lang at pasasaan din. Bwahahaha. Jusme, ang rupok ko talaga.   "Yan. Hala bitaw na." Ani ko rito at sinubukan ulit makawala sa hawak niya.   "That's too quick. Can I have one more please?" Dagdag niya pa.   Jusko talaga tong lalaking ito. Sinasabi ko nga ba. Iba epekto ko sa lalaking to.   "So anong nangyari don sa ligaw ligaw peg mo? Yung pa let's be strangers mo? Tsk! Sinungaling." Saad ko rito at hininaan ang huli.   "Oh sorry. I forgot. I just can't get enough of you. Your so addicting." Aniyang naka-kagat pa sa labi.   Ang manyak niya tuloy tignan. Manyak na gwapo. Gosh.   Agad ako nitong pinakawalan at inalalayan pang tumayo bago siya sumunod.   Palabas na kami sa office ng humawak siya sa may braso ko at ipinadausdos pababa sa may kamay ko ang kamay niya. He was about to  intertwined our hands when i saw Arries from a far, running towards our direction.   Agad kong iwinaksi ang kamay niya sa akin at lumayo ng kaunti. Nagtataka itong nakatingin sa akin kaya naman ay gamit ang nguso itinuro ko si Arries na palapit na sa amin.   "There you are Mystie. What happened? Matagal kang hindi pumasok." Aniyang hinihingal.   Nakatutok ang tingin sa akin at kapansin pansin ang tuwa sa mga mata niya. Hindi yata napansin si King na medyo malayo sa tabi ko, tuloy ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.   Pagtingin ko kay King ay nakakatakot ang itsura nito, nakakunot ang noo at napaka-talim ng titig kay Arries.   Kaya naman pala parang pinanindigan ako ng balahibo, iba nanaman timpla nito.   Agad napansin ni Arries si King ng tumingin ako rito kaya naman ay nabibiglang napayuko ito at binati,   "H-hello po sir. Sorry po hindi ko kayo agad napansin. Welcome po ulit. " Nakangiting bati niya rito.   King shows no reaction, walang emosyon itong nakatingin lang kay Arries. Nakita ko pa kung pano kabahan ang lalaki sa natanggap na tingin.   Pinandilatan ko si King ng mapunta ang tingin sa akin. Nakatitig lang siya at wala yatang balak makinig kaya tumikhim ako.   Kitang kita ko pa kung paano tumaas baba ang balikat niya waring nahihirapan sa sitwasyon niya. Marahas din siyang bumuntong hininga.   "Im here to secure your okay. And I'm sorry about what happened. What happened was mistaken identity. Ask me anything and I'll give you." Parang wala lang na hingi ng paumanhin nito.   What the f**k? Ang babaw ng rason niya, hindi naman bobo si Arries para maniwala nalang basta basta sa sinabi niya.   Dapat yata ay nagkaroon muna kami ng briefing ng lalaking ito para hindi ganon kawalang pakiramdam ang sinabi niya. Nagmumukha tuloy siyang napipilitan lang. Gosh! Na-i-stress ako sa lalaking ito.   "Ah okay lang po yon sir. Tinulungan niyo daw nga po akong dalhin sa ospital. Okay na po yon. Wala na pong kaso sa akin iyon." Nakangiting ani Arries. He meant it, I am sure of it.   Dahil na din siguro sa bigating tao si King ay hindi na siya nag-usisa pa.   Tumango tango lang si King at hindi na nagsalita pa. Ang awkward talaga ng lalaking to, pati si Arries ay pilit ang ngiti ng tumingin sa akin at nagtatanong ang mata.   "Ah. Nagkasabay lang kami sir. Papunta daw kasi siya sa opisina mo kaya inaya ko nalang na magsabay kami tutal ay papunta din naman ako sayo." Magalang na sagot ko rito.   Kahit naman may naging relasyon kami ay iba pa din sa loob ng trabaho, we are professionals at hindi dapat namin kalimutan iyon.   "Ah ganon ba? Hehe." Komento ni Arries at tumingin kay King na nakakunot noo nanaman.   Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw na ayaw niya sa lalaki gayong wala naman itong naging kasalanan sa kanya.   Gamit ang mata ay isinenyas ko kay King na mauna at susunod ako pero ang tigas ng ulo ng lalaki at hindi makaintindi.   "Can i come inside?" Bagkus ay tanong ni King.   Agad namang pinahintulutan ni Arries si King at nagpati-una pa itong naglakad papunta sa office ng lalaki.   "Talaga yatang pinanganak na ganyan si sir ano? Ang sama ng tingin." Sa mababang boses ay sabi ni Arries.   Muntik tuloy akong natawa, pinigilan ko nalang at baka mainis pa si King sakaling marinig niya. Siniko ko nalang ito at isinenyas na tumigil.   And King being an alert one, humarap ito sa amin at masamang tumingin nanaman kay Arries.   "You should go first as respect to me." Ani King na wala yata sa wisyo.   Panong respect kaya yong pagpapatiuna ni Arries? Iba din tong lalaking ito e. Gagawin lahat malayo lang sakin yung pinagseselosan. Tsk!   The principal oblige and guide us through his office.   Sumabay siya sa akin ng kaunti ng makitang hindi nakatingin si Arries   "You should keep your distance away from him wife. I told you that many times,  remember?" Aniya pang naiinis.   "Pshh. Oo na po mahal na hari." Sabay bow ko pa rito para mas ramdam niya. Bwisit talaga. .   Pagkatapos kong magreport ay nagpaalam na ako sa dalawa, matalim ang tingin ko ng bumaling ako kay King.   Sana naman ay tantiyahin niya ang ugali pag kaharap si Arries.   KING POV   I was looking intently with this man, named Arries. I really hate the guts of him.   Nakuha pang ngumiti pagkatapos ng nagawa niya kay Allestair na asawa ko na ngayon.   "Ah sir. May sasabihin po kayo?" Kinakabahan niyang tanong, he was smiling but i know it was fake.   Takot nalang siguro sakin.   "I just want to warn you. Keep your distance with my belongings and we're okay. What's mine is mine! Bear that in mind!" I sternly told him with a serious tone.   He was confused at the moment but I don't care, i said what i needed to say.   "A-ano pong ibig niyong sabihin sir?" He finally asked.   "I know your past with Miss Osteha, but just to inform you. She's already mine the moment you fooled her." I added and take my leave.   Shocked covered his face and i smirked. Too bad you let her go.   I never said goodbye, i just went out and find my wife.   I know, she wasn't ready to tell people about us but i just can't contain myself from that man. He's getting on my nerves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD