ALLESTAIR POV
It's 7:00 o'clock in the morning and we're having breakfast. King was at the center side of the table, while me, sitting on his right side and Blight on his left. His friends are present too, they are teasing and making fun of each other.
Napa-iling ako. Hindi ko maiwasang tignan si King, my hubby, i still haven't forgot about what happened last night, it's surreal. Can't get over it.
Nakatingin din pala siya sakin at palihim na kinindatan ako, sa gulat ko ay nagkanda-ubo-ubo ako, pumasok pa ata yung kinakain ko sa ilong.
Shit naman kasi itong King na to, iba din. Nakuha ko ang pansin ng lahat kaya naman ay agad kaming nag-iwas ng tingin.
"Ate? Tubig oh." Ani Blight na may nakakalokong ngiti, taas baba ang kilay, pakiwari ko'y may gustong sabihin na kami lang dapat makarinig.
Ng aabutin ko ang baso ay si King na mismo ang kumuha at saka ipinasa sa akin.
Tuloy ay parang ayokong abutin, ang kaso kailangan.
"Relaxed wife, don't be obvious." Aniyang nakangisi, may kahinaan ito, sinisigurong kami lang ang makakarinig.
Sa inis ko ay inirapan ko siya bago kinuha ang baso at inisang lagok ang lamang tubig.
Nagtuloy-tuloy ang kain naming para akong sinisilaban ng apoy sa pwet. Ang loko, may sira yata ang mata panay kindat e.
NASA sarili ko akong kwarto, naghahanda para pumasok sa trabaho, ilang araw na din kasi akong hindi nakakapasok, hindi ko nga alam kung pano i-e-explain kay Arries, alangan namang sabihin kong,
"pinakasalan kasi ako ng may-ari ng school",
e di sabihing easy to get akong babae.
Mag-iisip nalang ako ng ibang rason, ang komplilado kasi ng sitwasyon kaya mas mabuting wala munang makaalam, kung sakali mang hindi valid yung rason ko, hihingi nalang ako ng tulong sa ASAWA ko.
"Bwahahaha. Ang saya sa pakiramdam na tawagin siyang asawa ko." Ani ko sa isip. Kinikilig pa din ako, lalo pa't niisip ko yung nangyari kagabi.
"Ehhhhhhh" tili ko. Para akong hindi makahinga pag hindi ko inilabas.
"You're doing it again wife." Paos na boses ni King ang gumulat sa akin.
"Ka-kanina ka pa?" Taranta kong tanong rito. Kung sakali ay nakakahiya.
"Not really, but enough for me to hear your tingle moment." Nakangising ani King, nangingislap ang mata niyang nakatingin sa akin, giliw na giliw.
"Tsk. E di wow. Pake mo ba. Tyaka anong ginagawa mo dito?" Angil ko rito.
Panira talaga ng moment ang lalaking to, ewan ko ba. Di bale at gwapo naman.
"Nothing. I just wanna give you this." Lahad niya sa fresh bouquet of red roses sa harap ko. Kaya pala nakalagay sa likod yung kamay, may pa-surprise ang asawa ko. Nyahahahaha.
Nagtitili ang loob ko at pakiramdam ko ay may nag-gagalawang kung ano sa tiyan ko dahilan para manigas ako.
"As promised, I'm starting to court you but please bear with me, it's my first time." Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin at pakamot kamot pa sa may batok niya.
"Tsk! Yan na yon? Ni hindi man lang ako kinilig." Angil ko rito at saka pa-balang na kinuha ang bulaklak sa mga kamay niya at mabilis na tumalikod.
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na pinigil pa ang ngiting kanina pa gustong lumabas. Ngiting-ngiti ako habang inaamoy ang bulaklak.
Aminin ko man o hindi pero first time ko din ito, nung si Arries kasi ay plastic na rose ang binigay, isang piraso pa nga. Ang kuripot nun eh.
Hindi ko ito inaasahan kay King, kasi naman ang lamig niyang tao kadalasan pa ay walang pakiramdam, pero iba siya ngayon, he's willing to do anything for me, to change just to make me happy, and that's enough reason for me to love him more, to fall deeper.
"I thought you wouldn't like it, but i guess not." Aniyang natatawa.
Nagtataka akong pumihit paharap sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay bago tinanong.
"Sinong may sabing nagustuhan ko? Tinanggap ko nalang kasi sayang naman yung pera at effort mo." Mataray kong sagot rito.
Ayoko munang aminin sa kanya no, gusto ko munang namnamin kung pano manligaw ang isang Hari.
"Tsk! You can't hide it wife, i saw you smiling wildly." Turo niya sa salamin sa may likod ko.
Para akong tinakasan ng dugo sa hiya ng makita ko ang salamin sa harap ko.
Shit! Kita nga ako dun, ganon din siya, siguradong walang takas yung ngiti ko kanina. Pakingshit talaga, buking na.
"Bakit bawal ngumiti?" Sabi kong nagtataray pa din.
Hayaan nalang, buking na eh.
"No it's not wife, i love it when you smile, you make me fall deeper." Nakangiting saad niya at saka dahan-dahang lumapit sa may pyesto ko at lumingkis sa may bewang ko pagkatapos ay inilapit ang mukha sa leeg ko at sininghot singhot iyon.
Mabuti nalang ay naligo na ako saka nakapaglagay na din ng pabango. Kung sakali ay baka ma-turn off sakin dahil amoy pawis ako.
"Hhmm, you're too addicting wife." Paos na aniya habang nakapikit at patuloy pa din ang pag-amoy sa leeg ko. He showered small kisses on my neck that sends shiver down my spine.
I like how he moan, he's starting to lit up the fire in me.
Bigla ay pumasok sa isip kong kailangan ko palang mag-report ngayon, ayoko namang bitawan ang pinakamamahal kong career no, saka mas mabuti ng may sarili akong pera at ipon. Ayokong i-asa lahat kay King lalo pa't hindi pa sigurado kung magtatagal nga kaming dalawa.
Mahal nga namin ang isa't isa pero hindi kami nakakasiguro kung kami na nga talaga, maraming pwedeng maging rason in the near future kung sakali man. Hindi ko pa masyadong kilala si King, hindi ko pa gamay ang pagkatao niya.
Tinulak ko siya ng kaunti para pigilan siya, baka kung saan nanaman mapunta, ayoko pa maulit iyon no, masakit pa balakang ko at yung "ano" ko. Saka na.
Shit! Ang rupok ko talaga.
"King, papasok pa ko ng trabaho." Mahinahon kong sabi rito.
Naiinis man ay mas nangibabaw ang pagkakunot noo nito sa narinig.
"And why? Just quit in your job. I can provide all the things and extravagants for you." Aniyang naiinis.
Muntik tuloy akong matawa, naiinis to kasi nabitin.
"Tumigil ka nga. Mahal ko trabaho ko no, saka isa pa, hindi ba dapat sundin mo yung gusto ko. NANLILIGAW ka remember? You should respect my decision." Mahaba kong litanya rito.
Dapat sa lalaking to eh matutong makinig sa sasabihin ng ibang tao, hindi puro siya ang boss.
Ng ibubuka niya sana ang bibig para umangal ay pinandilatan ko siya dahilan para napabuntong hininga siya. Talo sakin to eh.
"Fine but I'm coming with you, whether you like it or not." Pinaleng saad niya.
"Ano? Alangan namang ba-bantayan mo ako habang nagtuturo? Maiwan ka na." Angil ko. Parang bobo din tong haring to ah, hindi nag-iisip minsan.
Nakakabobo bang mahalin ako? Haru jusko.
"If I have to then I'm willing to." Preskong aniya.
Naloko na, patay na patay na siguro to sakin.
"Fine! Oo na! God!" Tila pagod kong sagot rito.
HABANG nasa sasakyan kami patungo sa paaralan kung saan ako nagtuturo ay panay pa-alala sa akin si King,
"I repeat Allestair wife, don't go near Arries. I get jealous easily, and I can't promise i can control myself if ever i see him near you." Aniyang paulit-ulit. Simula pagsakay namin ay todo paalala na siyang wag daw akong lumapit.
"Alangan namang hindi ako lumapit eh siya ang principal, kailangan kong magreport dahil andami ng naging absences ko, at saka isa pa dahil din sayo iyon, loko." Singhal ko. Hindi maka-intindi eh.
"Then don't when it's not needed or important." Dagdag niya pa.
Galit akong bumaling sa kanya at sasagot sana ng pabalang ng magsalita ang driver, walang iba kundi si Adriano.
"Hahaha! Boss, hindi naman masyadong halata ano, na patay na patay ka kay Mystie? Bwahahahaha." Tawang tawang aniya. Sinabayan niya pa ng iling.
Mystie ang tawag niya sa akin dahil iyon ang gusto ko, ayokong tinatawag niya kong ma'am dahil hindi ko naman siya estudyante. Simula din ng malaman kong siya ang bumaril sa lalaking muntik ng pumatay sa akin ay mas naging komportable na ako sa kanya. Parang lolo ko na siya kung ituring.
Pagtingin ko kay Mahal na hari ay matalim na ang tingin nito at pakiramdam ko ano mang oras ay maglalabas to ng baril.
Mabilis nitong kinuha sa loob ng coat niya at tinutok kay Adriano ang baril, sabi ko na nga ba.
"Just shut your f*****g mouth if you still want to live." Banta niya rito sa malamig na boses, balik sa walang emosyon niyang mukha.
Hinawakan ko ang braso niya para akayin siyang ibaba ang baril,
"King, ibababa mo yan o ihuhulog kita?" Nakangiti ngunit nagbabantang saad ko sa kanya.
Parang asong sumunod ito at nakangusong ibinaba ang baril, ang kaso, ang bwisit na matandang Adriano,
"Bwahahahaha. Boss, akalain mo, under ka? Bwahahahaha." Dagdag niya pa, buti nalang ay hindi na pinatulan pa ni King pero kita dito ang napakatalim na titig sa matanda.
Iba din talaga tong dalawang ito. Itong si Adriano tinutukan na nga ng baril hindi pa nadala. Ako tuloy kinakabahan sa kanilang dalawa.
Para tuloy akong may kasamang mga bata na papunta sa fieldtrip.
"Ikaw King ha, naku sinasabi ko sayo, wag kang gagawa ng ikakapahamak ni Arries, baka nakakalimutan mong may utang ka pa sa kanyang sorry. Kuh, sinasabi ko talaga sayo, malilintikan ka sakin. Mamaya mag-sorry ka na ha?!" Singhal ko dito ng maalala kong hindi pa siya humihingi ng tawad kay Arries.
Tumikhim lamang ito at iniiwas ang tingin, habang si Adriano ay tawang tawa nanaman.
Napahawak nalang ako sa sentido, umagang umaga nag-iinit ulo ko.