ALLESTAIR POV Halos araw-araw ay ginagalit ko si Midelle, mataray o maldita o kahit ano pa man ang sabihin nila tungkol sa akin pero iyon nalang ang tanging paraan ko, dahil siguro kapag nasagad siya aalis siya. Si King naman ay halos walang magawa at simula tumira ang bagong pamilya niya sa pamamahay niya ay wala na kami halos magandang usapan. Sa tuwing tinatarayan ko si Midelle, si King ang tagasalo niya at ako ang mas apektado. Ngayon ay apat na buwan na ang tiyan ko, malaki na ito sa karaniwan at nararamdaman ko na din ang paggalaw nila. My check up ako ngayon and i guess mag-isa akong pupunta, ayoko ng abalahin pa si King at baka ma-stress pa ako, mag-aaway lang kami kapag nagsama kami kaya mas mabuting wag nalang. Nag-ayos ako at nagsuot ng dress, halos hindi

