ALLESTAIR POV Pagkatapos ng bangayan namin ni King ay nasasaktan akong tinungo ang hagdan pataas, bigla ay nawalan ako ng ganang kumain, bahala na sila doong linisin iyong naging kalat ng nabasag kong mangkok. Si King naman ay hindi ko alam, hindi na ako lumingon pa dahil baka masaktan ulit ako sa makita kong hindi niya ako sinundan para sa mga bagong pamilya niya. Habang pataas ay nakaramdam ako ng p*******t ng puson, bigla ay kinabahan ako, "No, no, please." Mahina kong sabi ng mas lumala pa ang sakit na nararamdaman ko dahilan para mapahinto sa gitnang bahagi ng hagdan. Wag naman sana jusko, wag ang mga anak ko, sila nalang ang natitirang lakas ko para ipaglaban ang karapatan ko. Mahinang usal ko ng dalangin sa isip. Wala akong ibang karamay ngayon sa bahay na ito

