ALLESTAIR POV Mabilis akong lumabas ng store na iyon at wala sa sariling mabilis na tinahak ang daan papalabas. "Mystie, iha, may problema ba?" Nag-aalalang ani Adriano na nakaantabay lang sa likod ko. Hindi ako nagsalita dahil sunod-sunod ang tanong sa isip ko na maski ako ay gusto ng kasagutan, pero alam kong si King lang ang makakapagbigay niyon. "Bilis Adriano, uwi na tayo." Halos pumiyok na ang boses ko ng magsalita ako pero ayokong ipahalata iyon sa kanya, mas lalo lamang siyang mag-aalala para sa akin at ayoko ng dagdagan pa ang isipin niya. Ng makita nitong wala akong planong magsalita ay mabilis nitong pinatunog ang sasakyang dala namin at saka ako pinagbuksan. Pinaandar niya iyon, tahimik naming tinahak ang daan pauwi, gulong gulo ang isip ko. Alam

