Chapter 15

1657 Words
"A-anong ginagawa mo dito?"Nanlalaki ang mga matang tanong ko, hindi makapaniwala. Bakit sa ganitong pagkakataon at kadelikadong sitwasyon pa kami nagkita? "Di’ba dapat ako ang magtanong niyan sayo?"Nakangising tanong nito pabalik, sandal siyang natigilan ngunit nagbalik din samapanlokong ngiti ang ekspresyon niya sa mukha. "W-wala kang pakialam."Hindi sinasadyang pagtataray ko, pagbukas ko ng bibig ay iyon agad ang lumabas sa bibig ko. "The same with you b***h!"Nakataas ang kilay nitong sagot. Nag-init naman bigla ang ulo ko.Aba aba at saan naman nito nakuha ang lakas ng loob niyang tawagin akong b***h gayong siya naman itong nakikipag-laplapan sa boyfriend ng MAY boyfriend?! "Huh! Look who's talking?! Are you pertaining to yourself biatch?!"Ani ko rito, nagsisimula ng hindi ko makontrol ang inis ko. Baka pag hindi ko napigilan ay i-sampal ko dito ang pagiging Makati at higad niya. Matapang ang ahas. Pero di papatalo ang diyosa. "Oh hi! I assume you knew it all?" Malanding ngisi niya saka ibinaling ang tingin kay King na noon ay walang imik at nakatingin lang sa amin, tinatantya siguro kung anong nangyayari sa pagitan naming dalawa ng babaeng ito. "Saan don?! Dun ba sa laplapan niyo sa bar o iyotan niyo sa library? Alin ba don sa dalawa?" Tila wala lang na sabi ko, but deep inside, the wound starting to give me pain again. "Oh, So ikaw nga yung chismosang yon? Bakit tumakbo ka agad? Sana pinanood mo muna kami, yung matatamis na halik, malalakas na ungol, at salpukan naming ng masarap mong boyfriend. Hahaha. Infairness magaling siya, hayok na hayok."Nang-iinis pang sabi niya. Hindi ko tuloy mapigil ang mag-ngit ngit ang ngipin sa galit, ng sabihin niya kasi ang mga malalaswang bagay na lumabas sa mismong bibig niya ay hinahaplos haplos niya ang leeg, dibdib at pati labi ay kinagat-kagat, tila bumabalik sa puntong ginagawa nila iyon. Pokpok nga talaga. Hindi na nahiya. Magsasalita na sana ako ng higpitan ni King ang kamay kong nakahawak pa pala sa kanya bago nagsalita. "Hey there lady, watch your mouth. My woman here is very innocent to that kind of impurity of yours."Malamig at walang emosyon niyang turan kay Mika. Sa sandalling iyon ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko, I was overwhelmed, tila ba pinoprotektahan niya ako laban sapang-aapi ng babae. That feeling when everyone is against you but there is only one person who willingly take your side? It’s something that makes you feel you’re not alone. "Hahaha. At sino ka naman? Hindi ko alam may tagapagtanggol ka na pala Mystie? O baka naman, kalandian mo? Hahahaha my bad. Sabagay pag ako din naman ang linoko ng boyfriend ko sa mahabang panahon, gu-gustuhin ko ding bumawi, sigurado nakakasira ng ulo iyon. Hahaha." Nang-uuyam nitong tawa. Hindi ko alam kung dala ba ng galit ko sa babaeng to ay mabilis kong ikinasa ang baril na noon ay hawak ko at saka iniangat para itutok sa kanya, "Kung ako sayo, ititikom ko yang bibig ko!! Baka kasi pag sumabog ako ay mapatay kitang gaga ka!!" Nanggagalaiting ani ko. Taas baba ang dibdib ko sa paghahabol ng hininga ng dahil sa sobrang galit. Nanlaki ang mga mata niya at nabigla. Hindi makapaniwala sa nasaksihan. "Ang kapal din naman ng mukha mong sabihan ako niyan?! Para sabihin ko sayo hindi ako katulad mong nagpapagamit sa kahit kanino, baka nga sa sobrang luwag mo hindi nagawang makipagkalas ni Arries sakin noon kahit pa sobrang tagal na ninyo akong ginagago!!!Siguro nga ay pinagtiisan ka lang niya dahil ikaw mismo ang nag-bukaka sa harap niya, pasalamat ka nga at natikman mo siya, baka pag ako bumukaka tigang ka!!!" Galit kong sabi. Hindi alintana ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Bastos na kung bastos, basta ang alam ko ay galit ako. Gigil na gigil. "You b***h! How dare you!" Aniya na galit na galit, natamaan siguro ang gaga. Pwes dapat lang na tamaan siya! Ngunit nagulat din ako ng maraming lalaking arrmado ang bigla nalang lumitaw galling sa likod niya at saka ay itinutok sa amin ang mga iba’t-ibang uri ng baril na hawak nila. Hindi ko sila mabilang sa sobrang dami nila. Agad kong binawi ang pagka-gulat at mas hinigpitan ang hawak ko sa baril na nakatutok pa din kay Mika na noon nga ay may hawak na ding baril, parehong nakatutok sa isat-isa. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang may sumigaw sa likuran naming ni King. "Manantala! Bitawan mo iyan!" Sigaw ni Gaston Andrada. . Ang lalaking kanina lang ay iniwan naming sugatan sa silid na kinaroroonan ng lalaking muntikan ng pumatay sa akin ayon kay King. Lahat ng armadong lalaki ay napatingin sa gawi ng lalaki, may alinlangan, ngunit dahan dahan ding ibinaba ang mga armas, tila sumusuko. Hawak siya ngayon ni Llander na noon ay nakapulupot ang braso sa leeg habang may baril na nakatutok sa ulo. "P-pero boss."Angil pa sana nito ng pigilan siya ng lalaki. "Bibitawan mo o ako mismo papatay sa iyo?!" Malakas at mapanganib nitong sabi. Takot at galit ang nararamdaman ng lalaki dahil nasa sitwasyon siyang hawak ng iba ang buhay niya. Walang ibang nagawa si Mika kundi ibaba ang hawak na baril at tila nahihiyang tumingin sa akin sandal bago iniiwas ang tingin. Nginisihan ko siya, nang-aasar. "Ganyan nga b***h!! Matuto kang gumalang sa mas nakatataas sa’iyo!" Asar ko pa lalo. Nasabi ko iyon dahil sa inis at talagang gusto ko lang siyang inisin ng, "Stop now woman. Now, give me my pistol."Tila nauubusan ng pasensyang ani King. Ng akmang tatalikod na ako at haharap sa kanya para sana ibigay ang baril ng makita ko sa gilid ng mata kong babarilin ako ni Mika, Hindi ako nagdalawang isip at marahil dahil na din sa adrenaline rush ko ay mabilis akong humarap paluhod sa kanya at saka pinaputokan ng baril. Sabay kaming nagpaputok sa isa't-isa buti na lamang ay nagging mabilis ang reflexes ko at nakaiwas habang siya ay tinamaan ko sa balikat at natumba. Ng haharap na sana ako kay King upang tignan kung natamaan ba siya ay yinakap niya ako patalikod at pinihit paharap sa kanya para tignan ang lagay ko. "A-are you okay?" May bahid pag-aalalang aniya. Ako naman ay hindi pinansin ang tanong niya at tinignan bawat bahagi ng katawan niya, hinahanap ang sugat kung meron man, ngunit ng wala akong makita ay agad akong napabuntong hininga, "Buti naman wala kang tama?" Mahinang ani ko. "Geez woman! That should be my line! You're really a hard headed one. Im sure you will be the death of me." Aniyang napahilamos pa sa mukha sa frustration. Napanguso naman ako. "Bakit naman kita papatayin? E mas ikaw pa nga papatay sa kin."Maktol ko rito. Hindi nito pinansin ang sinabi ko basta ang alam ko nalang ay hawak na niya ang baril na kani-kanina lamang ay hawak ko pa. Sobrang bilis ng nagging galaw niya na halos hindi ko na nasundan pa. Pinanganak yatang demonyo ang lalaking to, komento ko sa isip. "Now, look what you did?" Singhal pa nito sa akin at ibinaling ang tingin kay Mika. Ganoon na lamang ang takot na lumukob sa akin ng bigla ay nahimasmasan ako sa galit na nararamdaman ko kanina, "P-ano ko nagawa iyon?" Takot at kinakabahang tanong ko. "S-s**t! P-patay na ba siya?" Naghihisteryang tanong ko ng makita ko si Mikang nakaluhod habang hawak ang balikat niya. Kita sa mukha nito ang sakit na nararamdaman, bigla ay na-guilty ako. "Bakit ko nagawa iyon? Kahit naman may kasalanan ang tao sayo Mystie ay hindi dapat idinadaan sa karahasan lalo pa at muntik mo na yatang mapatay" galit na naman na pangaral ng isip ko. Nagsisimula nanaman yata akong mabaliw. "Of course not! That shot would not kill her, stupid." Singhal nanaman ni King sa akin. Bakit kaya galit na galit ito? Na-curious tuloy ako. "Eh bakit ba kanina ka pa galit diyan?!" Sigaw ko rito. "You nearly killed her!" Angil nito. Bigla ay bumalik ulit ang init ng ulo ko. "And so?! Ano concern ka?!" Nakakunot noong pagalit na sabi ko rito. Kung kanina ay nakaramdam ako ng guilty sa pag-baril sa babaeng ito, ngayon ay wala na, mas gusto ko siyang pahirapan hanggang sa mamatay siya sa sakit. "Its not! My point here is, you should've let me do the work for you, not defile your hands with her life!" Sigaw niya ring sagot sa akin. "Ano? Paki-ulit? Hindi ko naintindihan, nano-nosebleed na ako sayo!" Singhal ko nanaman dito. Pano ba naman kasi. Hirap na hirap akong intindihin yang mga pinagsasabi niya. Nakakahilo ang pilit pag-iintindi sa mga sinasabi niya. Pilipinas kaya to. Minsan kasi nakakalimutan kong nasa sariling bansa pa pala kami pag naririnig ko tong mokong nato na nagsasalita ng wikang ingles. "Ang sabi ko, sana ako nalang ang hinayaan mong gumawa niyon para hindi na nabahiran ng dumi iyang kamay mo. Those hand does not deserve to take effort just to kill that filthy woman." Paliwanag niya. Nagtagalog nga binawi nanaman. Sus ginoo talaga! Pero okay lang, bawing-bawi naman sa pagtawag ng nakakadiri sa Mika harot na iyon. "Hey stop now love birds. Just continue it at home, tell me first what to do to these f*****g assholes." Ani Llander na tila inip na inip nanaman. Tinutukoy ang lalaking nag-ngangalang Gaston at mga kasama nitong hawak ng ibang tauhan nila. Lagi nalang ganyan mukha ng lalaking yan, gwapo nga pero parang walang pakialam sa mundo. Pare-parehong mag-kakaibigan, mga topakin at abnormal, buti nalang at medyo okay pa si Cyver, yun nga lang ay nerd, hindi ko type, medyo lang. hehe. Kung papipiliin ako sa kanila, mas gusto ko tong lalaking to, malapit sa akin. Mas maangas, Mas gwapo, Mas maraming abs. ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD