"Nasa tatlumpung katao ang nakapaligid sa mansion King. Lima ay nasa receiving area kung saan ang gate, apat ang nakabantay sa pintuan at may apat na grupo na may tig dalawang miyembro ang nakabantay sa bawat gilid ng mansion at tatlo ang nasa may likod." Imporma ni Cyver sa seryosong boses na siyang computer psychic nila.
Narinig iyon ng bawat grupo ngunit walang humakbang para sumugod, they were waiting for their Lord's cignal.
Singkwenta katao lahat ang grupong dala ni King, pawang dumaan sa isinasagawang training ng Venom Mafia at kwalipikado na para lumaban.
"Group yourselves into four dumbass, one group will be attacking from behind, one from both sides and I will lead the attack with my group from the front area. Let's show this motherfucker who we are." Malamig pa sa yelong ani King, walang emosyon at kakikitaan ng panganib ang kabuuan nito.
Lahat ay sumunod sa utos at isinagawa ang plano.
Si King ang siya mismong nagpatiuna para patayin ang limang bantay sa gate, nasa likod niya si Mystie na sobrang kaba ang nararamdaman. Tingin niya ay nandoon siya para saksihan ang isang matinding hidwaan, hindi tuloy nito napigilan ang sariling kumapit sa braso ni King, dahilan para mapatingin ito sa kanya. Napansin ng lalaki ang takot sa mga mata nito kaya naman ay hinarap niya ito.
"Relax yourself woman. I am here, I'll be your shield from every shot of their pistols." Kalmadong ani King kay Mystie. Naghatid iyon ng kakaibang init sa puso ng dalaga.
Ipinagpatuloy ng lahat ang paglusob, King on the other side fastly shot the two men in front of him. Ng mapansin ng tatlong kasama iyon ay mabilis niyang itinutok ang baril na may silencer at ipina-putok iyon, sapul sa ulo ang apat. Mabilis ding nagpaputok ang isa pang natitira ngunit inisang hakbang ni King ang pagitan nila at saka pinilipit ito sa leeg. The last man died out of breath.
Napangisi si King ng makita ang limang katawan na nakabulagta, puno ng dugo at walang buhay.
Si Mystie naman ay tulala, blanko ang utak ng makita ang maraming dugo at nagkalat na katawan. Ngunit bago pa siya maglupasay sa takot ay mabilis na siyang hinila ni King.
"A-anong ginawa mo?! Killer ka ba?! Pwede mo naman silang kausapin eh!" Nagigitlang tanong ni Mystie, hindi makapaniwala.
Kung kanina ay kilig na kilig siya sa lalaki ngayon naman ay natatakot siya para sa sarili at sa mga tao pang maaring patayin nito.
"Tsk! You don’t know how those people pulled a tricked on me. They deserve it." Tila nag-e-esplikang sabi ni King.
Isinenyas nito sa babaeng maghintay sa isang tabi bago tinungo ang tatlong lalaking nagbabantay sa pintuan ng mansyon, wala sa pokus at mga tila tulog.
"Surprise motherfuckers!" Nakangisi at malalim ang boses na saad ni King.
Nakakapangilabot. Tuloy ay nagising ang tatlo at nagtatakang napatingin sa kanya.
Ng akmang itututok ng isa ang baril sa kanya ay mabilis niya itong hinila patalikod at gamit ang baril nito ay tinadtad ng bala ang katawan ng tila wala pa sa sariling dalawang lalaki.
Nagpumiglas ang lalaking hawak niya at sisikuhin sana siya para makawala ng malakas niya tong itinulak dahilan para mapasubsob sa sahig ang lalaki. He walked near the man and step his back and tilt his head.
"Useless dumbass" sa mahinang tinig na aniya.
Sinenyasan niya ang mga kasamang buksan ang pinto at saka pinuntahan ang gulat na gulat na si Mystie.
"P-paano mo nagawa yon?" Nagugulumihanang aniya.
King chuckled.
"Tsk! Your nonstop questions really amuse me. It’s like you don’t care about the killings but you care about how I did it. Why? Wanna try it to." madaldal na sabi ng nauna. Pagak pa itong napatawa na tila wala sa labanan.
Prenteng nakatayo lamang ito habang kausap ang babae, natigil lamang iyon ng marinig ang sunod-sunod na putukan. Tuloy ay naalarma na ang kalabang grupo.
Ang apat na kalalakihang nag-iinuman ay napatigil dahil sa narinig, may mga nagtatanong na mata, saktong pumasok ang kanang kamay ni Theo De Maunas at isiniwalat ang nangyayari, sa balitang inihatid nito ay sandaling kababanaagan ng takot sa mga mata ang mga kalaban ngunit ilang saglit lang ay ngumisi din.
"It's too early as to what I expect!" Nanggagalaiting ani theo.
Nagagalit ito sa katotohanang malakas ang loob ng grupo ni King para lusubin ang main headquarters nila.
"Hahaha, nagkamali yata ako sa iyo bata?" Tumatawa ngunit sarkasmong sabi ng matandang Lee.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Tiyak ay nalaman na ni King! Ano ngayon at pati tauhan pa yata natin ay inuubos na niya?!" Galit na ding sabi ng pangalawang kasamahan, si Faustino Vegas.
Hindi sumagot si Theo, nape-pressure siya sa ginagawa ng mga kasamahan. Wala siyang ibang nagawa kundi napasabunot nalang sa ulo.
"Manantala! Send my private helicopter here at De Maunas mansion ASAP! Pack up our men, we need back up." Kausap ng ikatlong kasamahan nila sa telepono, si Gaston Andrada.
Isa itong pinuno ng sindikato, pinuno ng mga nangunguha ng bata para gawing mamamalimos at para kunin ang mga lamang loob at ibenta sa mga ospital na nangangailangan. Ang grupo din niya ay nangingikil ng pera sa mga politiko at patayin ang sino mang kalaban nito dipende sa usapan, may mga tauhan din itong pumapasok sa mga naglalakihang kumpanya upang magpanggap na investor at pagkatapos ay nanakawin ang pera ng kumpanya.
Ang tauhan niya ang salarin sa nangyaring pagnanakaw sa halos lahat ng kumpanya ni King, pati na ibang estrukturang pagmamayari niya.
Sa kabilang banda naman ay walang awang pinatay ng mga kasamahan ni King ang mga tauhan ng kalaban na naroon.
Tinungo ni King at mga kagrupo ang kinaroroonan ng lalaking sadya niya, ang lalaking dapat ay magbayad sa pang-iiput sa kanya.
"Don’t meddle with this man. Let me do it alone." Pinaleng sabi ni King kina Lhander at Cade bago malakas na binalya ang pintuan sa harap niya.
Ang dalawang kaibigan ay napangisi at saka sinenyasan ang ibang standby muna sa gilid. Napapailing sila sa naiisip na kahihinatnan ng kalaban, panigurado bukas ay maibabalita na ang brutal na pag-patay rito.
Si Mystie naman ay hindi mapakali sa gilid kung saan iniwan siya ni King, lalo pa at walang kasamang pinasok ng lalaki ang silid. Sa pag-aalala para sa binata ay sumunod siya ng palihim sa loob, walang nakapansin, sa isip niya ay kahit pa magaling si King ay kakailanganin nito ang kasama.
Pagpasok ay nagitla siya sa nakita, may isang patay na lalaki sa gilid na naliligo sa sariling dugo, sabog ang ulo na muntik na niyang ikasuka.
Nakakadiri ang senaryong iyon para sa kanya.
"So, you have associate here huh?" Tinig ni king na nakakuha sa pansin niya.
Kausap nito ang lalaking hawak ang balikat at pinipigilan ang dugo para lumabas, sa likod nito ay dalawang nasa kuwarenta pataas ang edad at isang matanda na tantiya niya ay may lahing Intsik.
Lahat ay nakaluhod at nakataas ang kamay, kakikitaan ng takot ang mga mata, pare-parehong may butil ng pawis sa noo marahil ay kinakabahan.
"Sa kanila mo ba nakuha ang tapang mo at ang lakas ng loob mong nakawan ako?!" Dumagundong ang boses nito sa apat na sulok ng silid, nag-ngangalit, nagtatagalog na si king kaya naman ay galit nga ito.
Hindi sumagot si Theo, aminin man niya o hindi ay tinatraydor siya ng sarili, nanginginig sa nerbiyos ito at hindi makuhang magsalita,
"Sagot!!!!" Sigaw ni King. At saka binaril ang kanang tuhod ni Theo. Nanggigigil siya sa hindi pagsagot nito.
"Ugghhhhhhh" malakas na ungol ng huli dahil sa sakit ng sugat, hindi alam kung anong uunahing hahawakan, kung ang balikat ba o ang tuhod.
"S-si si Gaston iyon, siya ang nagnakaw ng p-pera mo, h-hindi ako." Buking ng lalaki sa kasama, pilit pinagtatakpan ang sarili sa isa pang kasalanan.
"Traydor ka De Maunas!!!" Sigaw nito, galit na galit sa panla-laglag ng kasama.
Dumoble ang takot nito ng gumawi sa kanya ang tingin ni King.
"H-hindi lang naman ako ang may nagawa sa iyo Vinomous! Lahat kami rito ay iniputan ka!" Walang alinlangang laglag din nito sa dalawa pang kasama.
Sa takot niyang siya lang ang mapatay ay wala siyang pagpipilian kundi ilaglag din ang iba, sa isip niya ay para patas.
Sumabog ang galit ni King sa ulo at pinagbababaril ang magkaparehong paa ng lalaking nasa likod ni Theo.
He dont mind about his lost money but his family name! Ilang siglo din ang nakalipas na kilala bilang isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihan sa bansa ang Vinomous, malinis at tinatangkilik, ngunit sa kapahangasan ni De Maunas ay naglagay siya ng mantsa sa pangalan nito.
"I don’t mind about your illegal businesses, just don’t mess with me!!! But what you did to my name means one thing, you were powerful enough to take me down but sadly, I won’t let you." Pinapakalma ang sariling aniya ng marinig ang boses ni Adam.
"A helicopter is about to land." Aniya.
"Pasabugin mo hangal!" Galit ulit nitong sabi, hindi naman na iba ang pagtawag niyang hindi maganda sa kaibigan, sanay na ang mga ito sa kanya.
Ilang sandali lamang ay narinig ang hindi gaanong malakas na pagsabog, siguradong nagmula iyon sa labas.
"s**t!" Malakas na angil ni Gaston, alam niyang galing iyon sa sasakyang panghimpapawid na itinawag niya sa mga tauhan.
"Sorry old man but I won’t let you go that easy.!" Demonyong ngisi ni King
"Tomorrow ready yourself, surely it would be an extremely sad news for you all." Dagdag pa nito saka ibinaling ang tingin kay Theo na noon ay namumutla na marahil sa nauubusan na ito ng dugo.
Dahan-dahang inangat nito ang baril na hawak at saka itinutok rito, wala siyang balak buhayin ang lalaki ngunit gusto niya itong pahirapan hanggang sa magmakaawa siyang patayin na lamang. Ng akmang kakalabitin nito ang gatilyo ay mabilis na sumigaw si Mystie.
"Waggggg!! Naku kang hari ka!!!! Baka pang habangbuhay na kulong ang abutin mo kapag pinatay mo pa yan!!! Tama na yung mga yun!!!" Sigaw niya sa lalaki at linapitan.
Marahas niyang kinuha rito ang baril na hawak, hindi pinapansin ang matalim na tinging ipinupukol sa kanya.
"Don’t you know, it’s his men's fault why you nearly got shot that night?!" Sigaw nito sa dalaga?
Nagulantang siya sa narinig,
"T-totoo?" Tanong nitong hindi makapaniwala at saka ibinaling ang tingin kay Theo, ngunit bigla ay naawa siya sa lagay nito.
"S-sige o-okay lang, hindi naman ako namatay eh." nakangiting baling niya kay King. Saka hinila ito palabas, hindi alintana ang tingin ng mga kasamahan sa magkahugpong kamay nila.
Lingid sa kaalaman niya ang senyasang naganap kay king at sa mga kaibigan nito.
Papalabas na sila sa mansyon ng makita ang pinaka-hindi niya inaasahang tao,
Ang taong naging dahilan ng lahat ng sakit sa puso niya,
Ang walang hiyang nagpahirap sa damdamin niya,
Walang iba kundi,
Si Mika.
______________________________________
Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?