Lutang ako sa sinabi ni king ng marinig ko ulit itong magsalita.
"Change your clothes." Mariing ani King.
"Huh?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Ano nga ulit yon? Kanina pinagtatawanan nila ako tapos ng tinanggal ko ayaw pa din?
Aba'y, sira na yata ang utak ng loko. Hindi ko na maintindihan.
"I said change your clothes!" Mainit ang ulong giit niya.
"A-ano? P-pero..." Pinutol nito ang sasabihin ko sana ng sumigaw ulit siya.
"Ang sabi ko palitan mo yang damit mo! What are you trying to do woman? Are you seducing my men to put them out of focus?!" Dagdag pa niya.
Iniangat ko ang tingin sa lahat ng nandoon, nakatingin nga silang lahat sa akin, admiration was on their face, ngunit ng magalit si King ay ini-iwas nila ang tingin.
Nag-init bigla ang mata ko pati na ang ulo. Heto nanaman ang mga traydor kong luha, magsi-sibagsakan nanaman. Pano ba kasi dinig-na dinig sa buong kabahayan ang boses niya at maliwanag sa aking pinapahiya niya ako.
"Fine!" Sigaw ko ulit bago tumalikod at inihakbang ang mga paa papunta sa taas, mainit na luha ang umagos sa pisngi at pinipilit pigilan ang mga hikbing gustong kumawala.
"FYI mahal na hari, hindi ako ang pumili sa damit na to!" Singhal ko pagkaharap ko ngunit agad ding tumalikod.
Naglakad akong mabigat ang pakiramdam, nang-gigigil sa inis.
"Ano ba kasing problema ng haring iyon at palaging mainit ang ulo sa akin!" Parang baliw na sigaw ko.
Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mata ko, bakit ko iiyakan ang masungit na haring iyon?
Ilang pasilyo pa ang nadaanan ko bago marating ang kwarto, nasa labas pa lamang ako ng pintuan at akmang pipihitin ang seradura ng may humigit sa braso ko at walang ka-abog-abog na pinaharap sa kanya.
"Ano nanaman?!! May sasabihin ka pa?! Ha?!" Galit na galit kong tanong.
Baka kasi may nakalimutan pa siya at dagdag galit nanaman. Nakakaumay na.
"Damn woman! This is the first time I got crazy and that’s because of you!" Singhal niya.
Wala naman akong naintindihan sa kung anong gusto niyang iparating. Ano nanaman ba ang nagawa ko at ginagawa ko nanaman daw siyang tanga.
Bigla tuloy akong natakot sa kanya, baka kasi may multiple personality tong taong to, mahirap na.
"Hoy tukmol! Kung may sakit ka magpagamot ka ha? Para hindi ka nambibintang!" Singhal ko rito at tatalikod na sana ng may makalimutam akong tanongin.
"At sa paanong paraan naman kita ginawang baliw aber?" Mataray na tanong ko.
Himala at nawala na ang kaninang iyak ko. Inis na lang ang tanging nararamdaman ko para rito.
"Tsk! As expected. Slow!" Mahina ngunit rinig kong sabi niya.
"Ano?" Tanong ko pa para mas marinig ng malinaw ang sinabi niya.
"I dont usually do repeat myself." Ma-awtoridad na aniya.
Sa inis ko sa aroganteng lalaking to ay tatalikod na sana ako para pumasok ng pigilan niya ulit ako.
Itong lalaking to talaga! Ang hilig magpahabol ng sasabihin! Hindi nalang inisang bagsak.
"Come on. Were going. You dont need to change." Malumanay na aniya saka ay iniiwas ang tingin.
"Di ba sabi mo magpalit? Ano ba talaga? Ha? Dakilang topakin ka talaga eh no?" Reklamo ko pa.
"At saka bakit ang pula naman ata masyado niyang tenga mo? Nagpa-piercing ka no?" Curiosity envelop my body when i saw how his ears turned to red.
Bigla ay iniiwas niya ang mukha.
"What?! Tsk! You're really crazy!" Singhal ulit niya at pagkatapos ay hinawakan ang braso ko at hinila pababa.
Ano ba tong lalaking ito at pinapeged eke!
Shit lang. Para akong sinisilaban ng apoy, ang init ng pakiramdam ko at kung pwede lang magkumahog at magti-tili ay ginawa ko na, but i have to contain myself. Nakakahiya. Dakilang guro to uy.
"U-uyyy. B-bitaw na. Kaya kong maglakad." Kalabit ko rito.
"Tsk. Your too slow. We have to go there ASAP and if i let you walk, it would consume us a minute. That would be a waste of time." Paliwanag pa nito.
Hindi naman sa kinakaladkad niya ako para magreklamo umangal ako pero kasi ay talagang naiilang ako. Ang init init din ng kamay niya, feeling ko tuloy ay lalagnatin din ako.
"As if! If i know, gusto mo lang talagang hawakan ang kamay ko. Hindi mo naman sinabi, hindi naman ako magpapakipot eh. Haha" Tudyo ko pa.
Yun nga lang ay tunog naiilang ang tawa ko.
"Dream on woman." Walang emosyon niyang sabi.
Hindi ako nito binitawan hanggang sa makababa kami.
TAHIMIK ang napakalawak na mansyon ng mga De Maunas. Ang mga bigating tao ay nasa pinaka conference room ng mansion, nag-pupulong para sa susunod na hakbang.
"Hahahaha. Kaawa-awang King iyon, hindi niya namamalayang unti-unti na nating nakukuha ang buong yaman niya." Malakas na tawa nito. Uma-alingawngaw ang boses nito sa apat na sulok ng silid.
"Hahahaha. Hindi nga ako makapaniwalang ganoon lang siya kadaling iputan sa ulo, kung alam ko lang sana ay noon ko pa ginawa." Sagunda din ng isa.
"Pero paano tayo nakakasigurong wala pa nga siyang alam?" Hindi mapigilan ng isang kasamahan ang kabahan, nangangamba sa kung anong maaaring mangyari kung magkagayon man.
"Relax! Ilang kuda nalang at babagsak din ang King na iyan, ang mga bata ko mismo ang gumawa ng paraan para ibaling sa kanya ang atensyon ng mga pulis. Hahaha mga bobong pulis." Mapagmalaking aniya sa mga kasama.
"Bilib din naman ako sa paraang ginawa mo De Maunas. Biruin mo, napatay mo si Miguel na matagal ng hadlang sa mga plano natin?! Hahaha. Hindi talaga ako nagkamaling pagkatiwalaan ka kahit baguhan ka palang." Aniya ng pinaka-matanda sa kanila. Walang bahid pang-mamaliit.
Napangisi lamang ang lalaki.
"Baguhan ako pero hindi ang pamilyang pinag-mulan ko, kaya wag mo akong maliitin tandang Lee." May bahid ng inis na sabi nito.
"Relax nga lang kayo! Magsaya nalang tayo at wala ng pipigil sa mga transaksyon natin, pati na at may pandagdag gastos pambili sa mga epektus." Pagpipigil ng kasamahan sa namumuong tensyon.
Nag-iinuman ang apat na lalaki, nagsasaya sa nakuhang pera ng mga tauhan nilang ipinasok sa mga kumpanya ni King, linilimas ang pera niya.
SA kabilang banda, sina king at ang mga tauhan niya ay narating na ang lugar na kinasasadlakan ng mansyon ng De Maunas, nagsitigil ang maraming sasakyan sa di kalayuan, naghahanda.
Lahat sila ay may head piece na ikinabit sa likod ng tenga, ginagamit ito para kumonekta sa mga kasamahan kahit magkalayo man, magagawa nilang mag-usap gamit iyon ng walang makakapansin, isa ito sa pinakabagong gamit na ini-import pa galing sa bansang America.
Lahat ay may dalang baril, granada, smoke bomb at iba pang gamit.
Habang magkasama sina King at Mystie sa isang banda, hindi nanaman magkasundo.
"Bakit ba kasi kailangan ko pang suutin iyan eh ang init init nga." Pagmamaktol ni Mystie.
"Just wear it woman, your making everything complicated." Tila nawawalan ng pasensyang ani King.
Sa isip ng lalaki ay hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niyang isinama ito, hindi naman kasi niya alam na ganoon pala ka-slow at katigas ang ulo ng babae.
"Akala ko ba ay okay na kanina?! Bakit ipapasuot mo nanaman sa akin iyan?!" Ani Mystie.
"Tsk. Wear it or..." Hindi pa tapos ay pinigil na ito ng dalaga.
"O-oo na! Oo na mahal na hari. Heto na o? Isu-suot ko na nga. Eto naman!" May bahid sarkasmong ani ng babae.
Alam naman kasi nitong buhay nanaman niya ang kapalit kapag hindi sinunod ang gusto ng lalaki.
Paano ba naman kasi, pinipilit ipasuot ni king ang leather jacket nito sa kanya, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mas malayong malaki ang katawan ni King kay Mystie.
Sa itsura ni Mystie ngayon ay para siyang buntis na nakabestida ng may mahabang manggas na sobrang laki at haba, linunok ng jacket ang buong katawan niya at tanging tuhod at paa na lamang ang kita, dagdag mo pa na nakapants siya.
"Ang bigat nito! Dito na lang ako" tila napapagod na aniya ng akmang hihilahin na siya ni King.
"Tsk! Stop complaining woman! I can’t leave you alone here, no one's going to protect you." Angil nito.
"Ganoon naman pala. Eh bakit pa kasi isinama mo ako rito!?" Nawawalan ng pasensyang aniya sa lalaki.
"Tsk! You’re losing my patience. Come or you want me to carry you?"walang bahid kalokohang aniya.
"Pwede ba?" Mapaglarong tanong ng babae.
Mabilis nitong ipinulupot ang braso sa bewang ko at akmang itataas ako ng...
"Huy! Hala! Charot lang! Eto naman napakaseryoso. Sige na, sasama na ko. Lakad na." Aniya at nagpati-unang naglakad.
Akala siguro ay hindi seseryosohin ng lalaki ang sinabi.
"You’re really unpredictable woman!" Napailing iling na ani King.
Habang si Mystie ay hindi mawala ang pagkakangiti. Tila hindi kagagaling sa break up kung kiligin.
"Etong King na to. Iba kung magpakilig. Unexpected. Iba ang dating." Aniya sa sarili,
Lingid sa kaalaman niyang lumabas nanaman ito sa bibig niya.
"You are doing it again woman. Hahaha you really are amusing." Napapangiting ani King.
Lingid sa kaalaman ng dalawa na kanina pa lamang nakatingin ang tatlong lalaki habang natatawa. Nasisiyahan sa nakikita.
The great King just smiled. He even talked a lot when he's with Mystie. Slowly, King is changing.
______________________________________
Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?