ALLESTAIR POV
Masamang tingin ang naibigay ng hindi kagandahang yaya sa akin ng hindi niya ako masabunutan.
Magsasalita pa sana ito ng bigla ay may tumawag sa kanya, agad siyang tumalikod at linapitan ang bata bago sinagot ang tawag.
Sa pagkakataong iyon ay hinila na ako ni King palayo roon, buti na lamang at pati yung bata ay hinila niya patalikod kaya naman ay walang umatungal ng umalis kami.
"Geez woman. I don't know what's with you but there's always an argument wherever you are." Hindi galit ngunit tila nagre-reklamong aniya.
Dahilan para mangunot ang noo ko.
"Excuse me mahal na hari. Hindi ako ang nauuna, palaging sila ang nambi-bintang kahit na wala naman akong ginagawa. I'm just depending myself." Angil ko rito.
Hindi ko yata gusto ang sinabi niya, saka isa pa, palagi namang siya ang dahilan ng gulo kaya bakit pa siya nagtaka?
"Yeah yeah. Whatever you say." Nawawalan ng pag-asang aniya.
Umirap na lamang ako kahit hindi niya kita.
"San ba kasi tayo pupunta?" Nabuburyong tanong ko ng maramdaman kong sumasakit na ang paa ko kakalakad.
Kanina pa kami ikot ng ikot, walang tigil. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking to at balak yatang mag-window shopping.
"There you are." Bulalas niya habang nakatingin sa isang store.
Ibinaling ko ang tingin sa may parteng tinitignan niya. It's a jewelry store.
"Ano namang bibilhin mo diyan?" Takang tanong ko.
Wala talaga akong ka-ide-ideya sa kung anong balak niya. Pero sige, hahayaan ko nalang, gwapo e.
Marupok na kung marupok, bakit ba?
Hinila ako ulit nito papasok sa loob ng store.
Pagpasok ay agad kaming binati ng sales lady o mas tamang sabihing siya, ang lagkit ng tingin sa kasama ko kaya't parang hangin lang ako sa paningin niya.
Bigay na bigay pa ang ngiti niya, tsk! Akala niya maganda ngipin niya? Pwes, may nakita akong kulay yellow sa mga gilid.
"Ehem!" Kuha ko ng pansin niya pero wala pa din. Sa kasama ko pa din nakatutok ang tingin.
Sa inis ko ay kinalas ko ang hawak ni King sa kamay ko at saka ini-angkla ang braso sa may braso niya.
"Hubby? Para sa akin ba ang bibilhin mo?" Pa-sweet kong sabi rito with matching pacute pa.
Nagtatakhang tingin ni King ang sumalubong sa akin pagkatapos, siguro ay dahil sa inaasta ko.
"No, it's not." Seryosong aniya, walang bahid pagbi-biro.
Tuloy ay nadismaya ako, pahiya ako dun lalo pa't rinig na rinig ng saleslady ang sinabi niya.
Natawa ang babaeng higad kaya naman ay hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay.
"Tawang-tawa ka ha? Eh kung ireport kita sa manager mo?" Banta ko rito habang nan-lalaki ang mga mata.
Bahagya naman siyang natakot sa sinabi ko. Huh! Buti nga, matuto siyang rumespeto sa mas nakakaganda sa kanya.
"Hey woman, come here." Aya sa akin ni King.
Nasa may side siya kung saan napakaraming singsing ang pagpipilian, pero sa inis ko ay hindi ko siya pinansin, pinahiya niya ko kaya dapat lang wag siyang kausapin.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, buti yung babae kanina nag-entertain ng ibang guest.
"Hey woman, i said come here." Pag-uulit nito ng nakakunot noo.
Hindi ko pa din siya pinakinggan, manigas siya diyan, kala niya ha.
"Fine! Tsk. Just give me anything for a wedding ring, my bride to be don't want to choose." Baling niya sa saleslady na naiilang na siguro sa amin.
Pero wala doon ang atensyon ko kundi sa sinabi niya? Kala ko ba hindi para sa akin?
"Tsk. Ako ang pipili!" Sigaw ko para marinig nila.
"And now, your here? Ha! You're really crazy." Kantyaw ni King.
Kung hindi lang sana para sa akin ang bibilhin niya rather para sa amin, kanina ko pa binigwasan itong lalaking tong nag-ngangalit ang ano. Hahahaha.
"Such a moody. Hahaha." Aniyang parang tuwang-tuwa pa sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil tutok ako sa pagtitingin-tingin ng marinig ko ang babaeng nagsalita.
"You will be a good couple maam and sir." Nakangiting aniya.
Bigla ay sumaya ang pakiramdam ko?
Sana nga, sana nga maging masaya ako sa kanya. Piping dasal ko.
Naagaw ang pansin ko ng isang simple couple ring. In front was built of infinity sign, at sa ibabaw niyon ay may maliit na diyamante.
"I want this." Pili ko rito at itinuro ang gusto ko.
"We'll get that. And do you do fretwork, like putting our names in it?" Tanong ni King.
Hindi ko inaasahang gusto niya pala ang ganon?
"Yes sir, but first can i measure your ring finger?" Tanong nito.
Umoo kaming dalawa buti nalang at sakto lang sa sukat namin ang stock na nandoon, all they need to do is engrave our name inside of it.
"Sir? Maam? Can you at least wait for a minute? Dont worry it won't take long." Paki-usap ng babae, kinuha nito ang singsing at dinala sa loob.
Willing naman kaming naghintay at pagkatapos ay binigay naman niya agad, umuna na akong lumabas dahil si King ay inasikaso muna ang payment ng madaanan ko ang babaeng tumawa kanina.
Nakatingin ito sa akin kaya naman ay tinaasan ko nanaman siya ng kilay,
"Thank you for purchasing maam." Bati nito ng lumabas ako.
Napangisi tuloy ako ng may maisip akong kalokohan. Bet ko lang tarayan tong babaeng to.
"Welcome bitch." Sagot ko rito, nagtataray.
Nabigla siya sa sinabi ko at ng akmang magsasalita siya, palabas na si King kaya naman ay hindi niya natuloy.
Habang nasa byahe kami ni King ay hindi ko maiwasang alalahanin ang nangyari kanina.
Nagtataka ako kung sino ang batang iyon? Bakit ganoon na lang niya ipilit na si King daw ang daddy niya? Hindi naman kaya ay may anak na nga si King? Ayaw niya lang sabihin? Pero hindi, kita ko ang reaksyon niya kanina, nabigla katulad ko.
Feeling ko tuloy ay bulilyaso nanaman ang lovelife ko, ni hindi pa nga nagsisimula e.
Hay naku! Nakakainis naman. Dahil kay King ay nagiging mataray at masungit na ako, lahat na ata ng babaeng nagpapapansin sa kanya ay inaaway ko. Jusko, iba na to. Reklamo ko sa isip
Hindi ko tuloy maiwasang mapa-buntong hininga.
"What's with the sighed?" Aniyang tutok ang tingin sa daan.
"Wala." Tipid kong sagot.
Ewan ko ba at bigla akong nalungkot.
"Here, wear your ring." Kuha niya sa pansin ko at ibinato ang maliit na kaha na pinaglalagyan niyon.
Gulat kong sinalo ito at hindi makapaniwala. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang singsing na napili ko, tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa manibela at nakita ko doon ang kapareho ng singsing ko. Dahan-dahan kong binunot ang singsing at saka dahan-dahan ding isinuot sa kamay ko.
Nalulungkot ako sa pagkakataong iyon. Hindi ko lubos maisip na ikakasal nga ako pero bakit ganito? Ang lungkot. Pati yung pinapangarap kong proposal sana kapag inaya akong magpakasal ay hindi natupad. Kabaliktaran ang nangyari, ang pangarap ko kasi ay yung sinurprise ako sa harap ng maraming tao at may paluhod pa sa harap ko habang kinukuha ang matamis kong oo, pero iba ang nangyari.
Naluluha ako sa hindi malamang dahilan, akala ko pa naman may ka-sweetan sa katawan si King pero wala. Akala ko gusto niya ako, sapat para hilingin niya ang kamay ko ng walang halong pamimilit, sapat para mahalin ko siya pabalik.
Sa puntong ito ay nakaramdam ako ng takot. Kung sakali mang mahal ko na nga ang lalaking ito ay natatakot ako para sa sarili ko, dahil hindi katulad ni King ang basta basta nalang aamin at magmamahal ng isang katulad ko. Yun bang pinapakita namin sa isa't-isa ay kasinungalingan lamang o ako mismo ang nagkamali sa pag-aakala?
Sana lang ay maganda ang kalabasan ng lahat, alam kong masyadong mabilis ang ang mga nangyari pero wala e, nahulog na yata ako. Iba din kasi itong si kupido, yung taong matagal kong minahal at nakasama ay binawi pero yung taong sa isang iglap lang ay dumating agad sa buhay ko ay siya pa yatang itinadhana sakin. Ang weird na kakabreak ko lang tapos kasal agad sa taong ni pamilya hindi ko kilala. Super duper weird.
Ang sabihin mo maharot ka lang talaga. Kontra ng isip ko. Heto at narito nanaman ang sakit ko.
Ipinikit ko ang mga mata at isinandal ang likod sa upuan. Ayokong makita niya akong malungkot, ayoko dahil baka akalain niyang napakahina ko. Ang gusto ko ay tapatan ang lakas niya para masabing bagay kami kahit papaano, pero sinong niloko ko? Napakalayo ng agwat namin sa buhay.
"After we get there, you just have to sign our marriage contract and we're done." Aniyang parang wala lang.
Nati-gagal ako sa sinabi niya kaya't hindi agad ako nakapagsalita. Is there something more worst than this? Piping tanong ko sa isip.
"W-wala bang kasalang magaganap?" Lakas loob kong tanong, nagbabakasakali.
"There is none woman. We just have to sign some papers and done, we're husband and wife." Aniyang nakatutok pa rin sa daan, parang wala lang.
"Ah. Akala ko pa naman....." Mahinang sabi ko, sapat lang para marinig ko,
"Akala mo what? That we will be having a grand wedding? Why? Do you want us to?" Tanong nito.
Waring kapag umo-o ako ay papayag siya agad. Pero sa tanong niya,
Mas lalo lang akong nasaktan sa sinabi niya, doon ko lang napagtantong kaya naman pala malamig at walang emosyon tong lalaking ito dahil pati pakiramdam ko hindi niya maramdaman, na nasasaktan ako.
"Ah h-hindi. Ano ka ba. Mabuti na din iyon para kapag ayaw na natin sa isa't-isa madali nalang nating palayain ang isa't-isa." Turan ko dito habang nangingilid ang luha ko.
Tumingin ako sa may gilid para hindi niya makita ang nagsisibagsakang luha ko. The pain feels like more painful than my recent break up.
Aminin ko man o hindi, mahal ko na nga ang lalaking ito in just a span of time.