Chapter 24

1437 Words
ALLESTAIR POV Gilalas na itinulak ni king ang bata palayo sa kanya kaya naman ay napa-upo ang bata. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, jusko pati yata bata ay pinapatulan niya. "Hoy ano ka ba?! Pati bata e hindi na pinatawad?!" Singhal ko rito at saka mabilis na linapitan at binangon ang bata na noo'y umiiyak na. "Sshhh. Tahan na baby." Pagpapatahan ko sa bata, infairness may lahi ata at ang gwapo. Inakap ko ito at hinaplos-haplos ang likod niya. "D-daddy hate me tita." Umiiyak nitong sumbong sa akin. Hindi ko talaga maiwasang hindi magulat sa pinagsasabi ng batang ito. Sasabihin ko sanang nasisiraan ng bait ang kaso, imposible naman, bata pa naman siya. "Ah baby. H-hindi naman kasi siya ang daddy mo talaga. Baka kamukha niya lang si daddy mo." Malumanay kong ani rito. Pilit pinapa-intindi. Pero sa gulat ko ay itinulak ako nito at galit na nagsalita. My god! Napaupo tuloy ako. "No! Daddy ko siya!!! Daddy ko siya!!!" Sigaw nitong nagwawala. Ng akmang ibabangon ko ang sarili para muli siyang kausapin ay kamay ni King ang umalalay sa akin. "Hey there young man! I'm not your father okay?! And please, respect my woman here. You shouldn't pushed her! That's rude of you!" Singhal ni King sa bata na siyang ikinaiyak niya lalo. "I hate you daddy!!! I hate you!!!! You dont love me and mommy anymore!!!" Atungal nito at saka lumapit sa akin, galit na galit. What's wrong with this kid? Wala naman akong ginagawa sa kanya! Konti nalang talaga at papatulan ko na to. Nakukuha na namin ang atensyon ng maraming taong naroon. Mapanghusgang mga tingin at naaawa ang makikita sa kanila. "Ano ba naman klaseng magulang ang mga iyan." Sorry hindi kami ang magulang ng batang ito. Sagot ko sa chismosa sa isip ko. "Hindi na naawa, pinaiiyak pa ang bata." Wala mga kaming ginagawa. "Hindi na lang sana nag-anak kung ganyan din lang mag-alaga." Sabi ng hindi namin anak to e. Gagawa palang. "Dapat sa mga ganyang magulang ay ireport sa DSWD." Aba aba! E di magreport ka! Ilan lang yan sa mga komento nilang mapanghusga, kung sana nagtanong e di mas okay pa. Naiimbyerna talaga ako sa mga chismosang nakiki-usisa. "I hate you daddy!" Walang tigil na sigaw pa rin ng batang to. "Aba't ikaw bata ka, hindi nga siya ang daddy mo? Ano ba dun ang hindi mo maintindihan?" Malumanay na sabi ko rito, trying not to be angry, i took a deep breath. Relaxed Mystie, guro ka, kailangan mo ng maraming pasensya. Wika ko sa isip. When i was about to get near the kid, King's hand stopped me. "Dont go near the kid, he might hurt you again." Concern na sabi nito. Bago ibaling ang tingin sa batang nakakunot noo, sa ginagawa niyang iyon ay mas lalo niyang tinatakot ang bata. "Woy! Wag ka ngang ganyan ka-OA saka yang tingin mong masama, i-iwas mo yan! Matatakot sayo ang bata!" Imbes ay angil ko rito. Kikiligin sana ako sa sobrang concern niya kaso wala sa lagay e. Tsk! "Come baby. Come. We will talk about your daddy okay? Just calm down, daddy don't hate you." Pang-uuto ko rito. Sana naman gumana, ginagamit ko na nga lahat ng alam kong pagpapa-amo bilang teacher, ewan ko nalang. "B-but daddy's mad at me tita." Iyak nitong sumbong sa akin. Napa-iling tuloy ako. Kasalanan to ng lalaking to e. "Shhh it's okay baby. Daddy's not mad, okay? Look oh, daddy's smiling?" Wika ko rito. Saka ay ibinaling ang tingin kay King na noon ay seryoso ang mukha. Isinenyas kong ngumiti siya sa bata, pero ang loko, super slow. "What?" Angil niya pa. Dahil hindi naman kita ng bata ay minulagatan ko ito at ngumiti, isinenyas ko pang gawin niya ang ngiti ko. "What?! No!" Malakas na aniya dahilan para magulat ulit ang bata at mas pinalakas pa ang atungal. "No baby don't cry na. I'll just talk to daddy okay?" Sabi ko sa bata saka bahagyang lumapit kay King at kinurot ang tagiliran niya dahilan para mapa-igtad siya. "Ngingiti ka? O hindi ako papakasal sayo?" Banta ko rito. Kainis talaga tong lalaking to, hindi man lang marunong makisabay. "Tsk! You can't do that. Remember it's your condition." Aniyang nagsisimula ng mainis. Ngumisi lamang ako. "Try me King. Try me." Seryoso kong saad. "At saka kondisyon ko?! Excuse me, oo sinabi kong kahit anong kondisyon pero wala akong sinabing pakakasalan kita. Sa natatandaan ko ikaw ang may kondisyon niyon, ni wala ka ngang binigay na choice sa akin!" Dagdag ko pa. Pigil ang inis na sininghalan ko. Ting lalaking to talaga, iniinis nanaman ako. "Tsk! I did gave you choices." Tanggol pa niya. "Huh! Anong choices pinagsasabi mo e pareho lang naman iyon?!" Singhal ko nanaman, inuubos talaga niya pasensya ko e. "At saka, ngiti na kasi! Bilis! Kawawa yung bata." Demonyong ngiti ko rito, mamaya lang tong lalaking to, matatamaan to sa akin. "Tsk! Fine!" Sumusukong saad niya. Ngiting tagumpay naman ako bago ibinaling ang tingin sa bata. "Now." Mahinang ani ko sapat para marinig ng lalaki. Hindi ko man kita ngunit alam kong ginawa niya, ngumiti siya, kung hindi ay hindi basta-basta titigil sa pag-iyak ang bata. Sinisinok pa din siya pero mas okay na yun kesa umatungal siya ng iyak. "Y-your not 'huk' mad na daddy?" Inosenteng tanong niya. Lumapit ako dito at lumuhod para pumantay sa kanya para kausapin. "No baby. Daddy's not mad na. So, can i ask kung sino kasama mong pumunta rito?" Tanong ko. Ng ibuka ng bata ang bibig para sana sumagot ay may ibang kumuha ng atensyon namin. "Kiyoshi?! Naku kang bata ka, kanina pa kitang hinahanap, halos malibot ko na ang mall nandito ka lang pala?!" Nagmamadaling aniya at saka sinipat ang lagay ng bata. Sa sobrang pokus nito ay hindi kami nito napansin, dahan dahan pa akong tumayo para lumapit kay King. "Seems like were done here?" Ani kong sapat lang para marinig nila. Hindi pa din kami nito napapansin. "Bakit ka umiyak?! Sinong nagpa-iyak sayo?!" Naghuhurumentadong tanong ng babaeng nasa 25 pataas ang edad, hindi siya ganoon kaganda iyon lang ang masasabi ko. "No yaya. It's no one's fault." Tanggi ng bata at umiling-iling pa. "No! Hindi eh, walang sino mang may karapatang magpa-iyak sa pinakamamahal kong alaga!" Galit nitong sabi bago igala ang tingin. Tumigil ang mata nito sa aming nakatingin lang sa kanila, nakita ko pa ang bahagyang pagka-bigla nito at saka napakunot noo, ibinaling ang tingin sa akin at bahagyang itinaas ang kilay. Aba't mataray. "Ikaw ba?! Ikaw ba nagpa-iyak sa alaga ko?!" Sigaw nito sa akin, buti na lang at iilan nalang ang tao sa parteng iyon ng mall. "Tsk! Excuse me miss. Tanungin mo na kaya muna ang alaga mo." Mataray kong sabi dito, nakataas din ang kilay. Kung mataray siya pwes mas ako. "Masyadong mabait ang alaga ko para aminin ang kung ano mang ginawa mo!" Singhal nito. At talagang, sinasagad ako ng pangit na to. Inaabot ng batang tinawag niyang Kiyoshi ang kamay niya pero hindi niya ito pinapansin. "No Kiyoshi. Stay der." Matigas na english niya pa. Naghahanap siguro ang trying hard na to ng away. At saka bakit ako lang ang nag pinagbubuntunan ng galit ng babaeng to gayong may kasama naman ako. Nakita ko pa ang pagkagulat nito ng makita si King, ano yun? Gwapong-gwapo? Pwes malas niya at akin ang lalaking to. "Makinig kang hindi kagandahan na babae ka okay? Una sa lahat, wala kaming ginawang masama sa alaga mo, in fact, pinapatahan ko pa siya dahil pinagkamalan niyang daddy ang asawa ko! Pangalawa, wag mong titigan ng ganyan kalagkit ang lalaking ito dahil kahit kailan hindi niya trip ang tulad mo! Pangatlo, hindi sa nilalait kita kundi nagsasabi lang ako ng totoo, wala naman kasing ginawa ang diyos na pangit ang pinagtataka ko lang hindi yata diyos ang gumawa sayo!" Mahaba kong litanya rito. Bitch na kung b***h e ginalit niya ako e. Saka yung sinabi kong asawa, okay lang yon, doon din naman ang punta namin binabakuran ko lang ang akin. Tumakbo ito ng mabilis palapit sa akin dahil sa inis at akmang sasabunutan ako ng pigilan siya ni King. "Try to lay a hands on her hair, I promise you, you will never see the sun, rise again." Seryoso at malamig na sabi ni King. Hala ka, ang sweet talaga ng mapapangasawa ko. Galit na galit pati yong "ano" nag-ngangalit. Bwahahaha. ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD