ALLESTAIR POV
I was not able to contain myself that is why, i wasn't prepared for the second kiss.
Hindi ako mapakali sa isip ng itigil niya ang pagmamaneho na lingid sa kaalaman ko, he moved closer and gave me a peck on my lips.
"Enebe!" Kinikilig na sigaw ko rito.
"s**t ang rupok ko." Wika ko ng pabulong, sinigurado ko talagang hindi na niya maririnig.
Natatawa siya at napapailing sa lagay ko, pano ba naman para akong binudburan ng asin sa kilig.
"You should see yourself woman. Hahaha i really love how you create reactions Everytime I'm with you." Nakangiting aniya na nakapagpatigil sa akin.
Buti na lang at tutok siya sa pagmamaneho kaya malaya akong titigan siya.
His smile was so genuine that i even forgot that he was as cold as ice.
May dahilan kaya kung bakit siya ganyan kalamig? O bakit hindi siya masyadong nagpapakita ng emosyon? Kung meron man ok lang, ako ang babago sa masakit mong nakaraan kung sakali man. Wika ko sa isip habang nakatitig sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kanya, nagulat na lamang ako ng nakangisi na siya.
"Psh! It's too obvious woman." Wika niya ng bumaling sa akin ng panandalian ang tingin niya.
Naguluhan naman ako sa ibig niyang sabihin kaya't hindi ko maiwasang mapakunot noo.
"Anong obvious?" Tanong ko ng may pagtataka.
Ngumisi lang siya bago tumingin sa akin at kumindat.
Anong problema nito? Napapantastikuhang ani ko sa isip.
"That you've fallen inlove with me." Nakangiting aniya.
Naestatwa ako sa sinabi niya? Ako inlove sa kanya? s**t! Ganon ba ka-obvious?
Muntik na akong mapapalatak sa inis sa sarili ko pero naisip ko okay na yon, ikakasal naman kami.
Hahaha marupok nga ako.
At dahil ipinanganak talaga akong sutil, sige tignan natin kung anong reaction niya pag kunwaring inamin ko.
"Ganoon ba talaga ka-obvious?" Tanong ko gamit ang malungkot na mukha.
Magaling kaya to sa pag-arte.
"Tsk tsk tsk! Too obvious woman." Natatawa pang saad niya. Tawang-tawa na pati ako ay hindi nasisiyahan sa tawa niya.
"Okay lang yon. Bakit bawal na bang mahalin ka?" Tanong ko gamit pa din ang nag-iinarte kong mukha.
Ano ba. Sabi ko nga magaling to, ako kaya pinakamagaling umarte ng nasa college pa ako.
Natigilan siya ng ilang sandali bago bumaling sa akin pero agad ding ibinalik ang tingin sa kalsadang binabaybay namin.
Tsk! Tagumpay yata ako at natigilan siya. Hahaha.
"I was just joking around woman." Plain ang boses na aniya.
Nangyari sa lalaking to?
"Well, sorry but i was not joking." Seryoso ko ding saad.
Shit! Tawang-tawa na ako sa loob ko, kung pwede lang eh. Pero wag muna, pagtripan muna natin ang lalaking to.
"I never joked about my feelings." Dagdag ko pa.
Mas lalo yata akong natawa sa loob ko ng makita kong kumibot -kibot pa ang labi niya.
"Well.... Ahm... I... I dont know what to say." Hindi mapakaling aniya.
"Why? Can't you just catch me so i wont fall so hard?" Parang naiiyak na sabi ko rito.
Shit na malupet! Ang galing galing ko talaga!
"You... You know woman... Ahm. Ahh. I know... I... I was attracted to you but i wasn't sure if i love you too." Napaka-honest na sagot nito.
Aminin ko man o hindi nasaktan ako sa sinabi niya, attracted lang siya pero hindi ako mahal. Ganon yun. Tuloy ay nawalan ako ng ganang tumawa.
Hindi ako umimik dahil masakit masampal ng katotohanan. Kaka-move on ko lang sa break-up ko with Arries, heto ako at nasasaktan nanaman. Hindi ko man inamin ng diretsong nahuhulog na nga ako, sapat na ang mga sinabi niya para masagot ako kung sakali mang aminin ko na sa kanyang mahal ko na siya.
"B...but you know. Ahm, its... It's not that hard to love you." Aniya ng mapansin ang pananahimik ko.
Nabuhayan tuloy ang loob ko. Naku naku tong lalaking to, pinaglalaruan ang damdamin ko. Buti nalang gwapo kaya hindi ko mabatukan.
"Pftt. Hahahahahahahahahahahahahahaha. Sabi mo yan ah? Ha? Hahahahahaha." Tawang tawa kong sabi rito.
His not sure but he's trying. Natawa lang ako at ang seryoso niya.
"What's funny?" Aniya, nagtataka siguro kung bakit ako tumatawa.
"Pfttt hahahahahaha. Ang saya mong pagtripan. Hahahahahaha. Pero dont worry, aasahan ko yan ah. Dapat pag na-fall ka sakin, yung sobrang hard para hindi ka makaahon, tipong hindi mo ako makakayang lokohin. Okay? Hahahaha. Okay?" Ani ko, tawang tawa. Ang saya talaga kausap ng lalaking to, uto uto masyado.
"Tsk! You got me there. Next time you joke like that, i wont hesitate and just kiss you." Aniyang seryoso, siyang nakapagpatigil sa akin.
"Eto naman. Ngayon ka lang pinagtripan e. Ba't ba ang seryoso mo sa buhay?" Ani kong nakanguso.
Malay natin halikan niya ako, tulad ng napapanood sa T.V.
But to my dismay,
"Don't do that woman. Your like an idiot donalda duck." Aniyang may mapanloko ng boses.
Aba aba talaga tong lalaking to. Akala ko pa naman hahalikan ako. Bwiset talaga.
"Kung mang-asar ka wagas ah? Pag ikaw naman sobrang sensitive mo." Nakanguso kong singhal dito.
"At saka donalda duck? Di ba donald duck yon?" Dagdag ko pa, nakakapagtaka sa pagkakaalam ko kasi ay donald iyon.
"Tsk slow! I was pertaining to you and your a woman so supposedly its donalda." Aniyang naging seryoso.
Ah ganon ba iyon? Pfft hahahaha. Itong lalaking to ata ang bobo e. Tsk!
"Pfft tatawa na ba ako?" Wika kong nagpipigil ng tawa.
"Psh! I was not trying to make a joke here. I did use my common sense that's why." Pagtatanggol niya sa sarili.
Itong lalaking to masyadong defensive eh. Hindi nalang aminin.
"Ku! Hindi common sense yon kundi kabobohan. Naintindihan mo? It's called kabobohan or jologs ka lang talaga." Pagtatama ko sa kanya.
"Donalda duck ano yon? Pfft hahaha, kabobohan. Kala ko pa naman..." Hindi mapigilang tawa ko.
Ang galing humawak ng baril pero ang bobo pagdating sa joke.
"Tsk! Stop laughing of else, i'll kiss you and r**e you here." Aniyang nagbabanta.
Kanina pa to sa i'll kiss you niya, hindi nalang gawin. Masyadong mabagal. Tsk!
Pero imbes na matakot ako ay mas natawa ako, pahiya siguro to kaya kung ano nanaman sinasabi.
Pero sa kasuluk-sulukan ng isip ko ay parang gusto ko iyong sinabi niya. Charot lang. Hahaha.
"Pftt fine." Sabi ko rito.
Ng mahimasmasan ako sa pagpipigil ng tawa ay hindi na ako gumawa ng kahit anong ingay hanggang sa tumigil kami sa isang,
Mall?
Bakit kaya dito? Anong gagawin namin dito? Nagtatakang wika ko sa isip.
Ng makahanap ng puwesto ay una siyang lumabas ng sasakyan, susunod sana ako ng isenyas niya saking tumigil.
Pinanood ko lang siyang umikot papunta rito sa may side ko at saka ako pinagbuksan, ibinigay pa ang kamay para hawakan ko at saka ay inalalayan ako.
Sa sobrang OA talaga ng lalaking ito ay nagmumukha akong buntis na manganganak sa pag-alalay niya sakin.
Infairness, kahit papano pala ay mas ka-sweetan na tinatago ang lalaki sa katawan.
Pagkatapos bumaba ay may pinindot siya sa susing hawak niya dahilan para tumunog ang kotse at saka ay pumanhik na kami paloob sa mall.
"Huy! Anong ginagawa natin dito?" Ani kong puno ng pagtataka. Kinalabit ko pa siya sa tagiliran dahilan para pumiksi ito palayo sa akin.
Nagyayari sa lakaking to? Wag mong sabihing may kiliti siya doon?
Lumapit ako dito para kumpirmahin ang hinala ko sana kaso sumeryoso ang mukha niya at bahagyang lumayo sa akin.
"Stop it woman! You don't want me get mad." Aniyang may malamig na boses nanaman.
Napanguso nanaman ako.
"Fine!" Angil ko dito.
Nagpatiuna siyang maglakad at sumunod lang ako kung saan ang punta niya, nasa likod niya lang naman ako.
Ng bigla ay mabangga ako sa mala-pader niyang likod sa sobrang tigas, sa inis ko ay naglakad ako papunta sa harap niya para singhalan siya ng makita kong sobrang kunot ng noo nito habang iginagala ang tingin sa likod kung saan ang puwesto ko kanina, saka ay tumingin nanaman sa harap.
Dahil na din sa sobrang pagtataka sa inaasta niya, tumingin din ako sa harap kung saan nakatutok ang mga mata niya para lamang mabigla sa nakita,
A boy, surely in his 5 to 6 years of age, came running towards us shouting,
"Daddyyyyyyy!!!!!! Yes daddyyyyy!!!! It's you!!!"
Pareho kaming nagulat at naestatwa sa pagkakatayo ng kasama ko, gulat na gulat. Pero una akong nahimasmasan ng makita kong yumakap ito sa binti ng matangkad na hari. Hanggang binti lang ang abot ng bata habang hindi magkamayaw sa pagtawag dito ng daddy. Yapos na yapos ito sa binti niya.
"Daddyyy!!!! I miss you!!!!!!" Anitong naiiyak.
Si King naman ay wala pa din sa sarili kaya kinalabit ko,
"Huy anak mo raw." Sabi ko ditong nakangiti
Naagaw ko ang atensyon niya at bahagyang naibaba ang tingin paharap sa bata.
"D-dddadddyy?" Utal nitong sabi.
______________________________________
Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?