Mahimbing ang tulog ko ng maramdaman kong nilalamig ako, kataka-taka dahil wala naman akong naririnig na tunog ng electric fan, saka iba ang nararamdaman kong lamig tila nanggagaling ito sa isang air-con pero napaka-imposible naman dahil wala ako niyon.
Nakapikit kong hinaplos ang parehong braso habang naka-halukipkip ng bigla ay may naramdaman akong tela na tingin koy ipanatong, hinila ko ito pataas at pinakiramdaman ang init na dulot niyon.
Pero bigla ay tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng may mapagtanto, wala akong kasama sa boarding ko kaya sino ang pangahas na iyon, imposible din namang si Arries dahil inilock ko iyon ba......go,
Napabalikwas ako ng bangon at saka iginala ang tingin,
"My god! This is not my room! Where am i?!" Malakas kong bulalas sa sarili, nahihintakutan.
Napasabunot ako ng buhok, trying to remember what was the last thing happened.
"Now your awake." Narinig kong sabi ng may malamig at nakakapangilabot na boses.
Tumingin ako sa gawi ng kung sino mang taong iyon, only to find this cold pair of eyes from a gorgeous man, his eyes has no emotion, his personality indicates authority.
Nakakatakot siyang titigan, but I don't know what's in me para titigan siya ng ganoon katagal.
He has this perfect look a woman could asked for, those eyes that penetrates any soul, those pointy nose anyone would wish to breath the same air he breath, his curved nearly pouty lips a woman would never get tired of kissing, and his brave and strong jaw to sum it all.
If he is some kind of restaurant, he would be the perfect menu for all, his body is a die for. Anyone will beg to cuddle in his arm, those rigid perfect muscle will secure any woman he hugs. That stomach that surely covered with abs and v shape on his abdomen will make every woman swallow really hard.
"Relaxed yourself woman." May nakakapanlokong tinig na sabi niya.
Bahagya akong natauhan,
"My god! What was that Mystie?! Ang manyak mo!" Pagalit kong turan sa sarili, making sure only me would hear it.
Pero bigo yata ako ng marinig ko siyang tumawa.
Shit tumawa ba tong malamig pa sa yelong taong to? Gilalas na komento ko sa isip.
"Come woman, let's go downstairs. You should eat. Your asleep for hours." Nakaka-nosebleed na sabi nito.
Buti nalang at guro ako, may briefing ako sa mga ganitong pagkakataon pero sigurado pag to kausap ko mauubusan ako ng ipon sa bokabularyo ko.
Ng makita ko itong nagpa-tiuna ay agad ko itong pinigilan.
"W-wait! B-bakit ako nandito?" Bumalik ang kabang tanong ko.
Nawala sandali ang pangamba ko kanina ng matitigan ko siya, pero ng maputol ay bumalik din.
Mag-e-english sana ako kaso yun ang lumabas sa bibig ko kaya hinayaan ko nalang, nabigla ako kaya hindi ko naihanda sa ingles ang tanong ko. Ang hirap pa namang mag-construct sa ingles kapag nagma-madali ka.
"You should eat first before I answer your question or questions perhaps?." Balik sa malamig na tonong saad nito.
Napatingin ako sa malawak na teresa sa loob ng kwartong kinalalagyan ko, nakasara ito pero dahil sa gawa ito sa salamin at kita ang madilim ng paligid sa labas, kita din ang napakalawak na hardin sa labas at ang napakaraming ilaw, mga lalaking naka-itim ang suot na tila rebulto dahil hindi gumagalaw.
Napa-isip ako bigla, ganitong-ganito ang ayos ng bahay ng mga sindikatong napapanood ko sa tv.
Napalunok tuloy ako at hinayaang umalis ang lalaki, pero kapagkuwa'y pumasok din na madilim ang mukha.
"Come on woman. I hate repeating myself."
Sa takot ko sa boses niyang dumoble ata ang lamig ay patakbo akong lumapit sa kanya. Natatakot na ako rito,
"I-uwi mo na ako please. A-ayaw ko dito." Naiiyak na paki-usap ko bago tumingin ulit sa malawak na terrace.
Ano nanaman bang gulo itong napasok ko at nandito nanaman ako sa lugar na hindi ko alam. Ito na ba yung mga lalaking pumatay sa mayor? Papatayin na ba nila ako? Pakaka-inin muna bago patayin? Sa anong paraan? Re-reypin o babarilin sa ulo? O baka naman pahihirapan muna ako?
Sa mga isiping iyon ay napayakap ako sa sarili, kailangan kong tumakas, pero paano?
"Tsk! You’re losing my patience woman. Whatever your thinking, forget it all, you are just making yourself funny." Seryosong sabi nito, napansin siguro ang malalim na pag-iisip ko at ang bahagyang pagyakap ko sa sarili.
Tumingin ako sa mukha niya, sinusuri kung mapag-kakatiwalaan ba itong gwapong taong to.
Nagka-titigan kami ng tumunog ang tiyan ko, hindi ko tuloy maiwasang mahiya. Feeling ko nga ay pulang-pula ang mukha ko.
"Seems like someone is hungry." Naka-ngisi nitong sabi bago tumalikod at pinag-patuloy ang paglalakad.
Walang hiya-hiya akong sumunod rito, nakatungo, hindi tumitingin sa bawat dinadaanan namin, ang alam ko lang ay ilang minuto din kaming naglakad bago marating ang dining area.
Napakaraming boses ang narinig ko, waring nagre-reklamo.
"Antagal naman ni boss. Gutom na gutom na ko."
"Oo nga, nanunubig na din ang bunganga ko. Takam na takam."
"Mauna na kaya tayo? Tutal may ginawa pa yatang kababalaghan si boss."
"You asshole, if I were you I contain myself from talking, hindi mo alam malakas ang pandinig niyon."
"Oo nga. Pero okay lang naman sa amin, hindi naman masama ang mabawasan ng isa, bawas papaka-inin pa ni boss"
Reklamo at maktol ng lahat, lahat sila ay naglolokohan at tila pinag-kakaisahan ang isang lalaki,
Mas bata itong tignan kaysa sa iba,
Pero napakunot ang noo ko ng makitang halos lahat ng naroon ay kalalakihan, kung hindi lamang sa mga maid na naroon ay ako lamang ang babae sa buong kabahayan na ito na noon ko lang din napansin ang lawak nito,
It’s a modern style house na halos lahat ay gawa sa salamin, there is a huge black curtain hanging on the other side moved by a technology if I’m not mistaken. The floor was purely made of white marbles, its shining shimmering that I can even see my reflection. There are black soft sofas on the sala na makikita dito sa pyesto ko.
"Jusko nakakalula ang bahay, sobrang yaman siguro ng taong may-ari nito." Komento ko sa isip.
Ng tumikhim ang lalaking ngayon ay nasa harap ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa din kilala at alam ang pangalan.
"Let's go" iginiya ako nito papunta sa may pinaka unahan ng lamesa.
Walang ka-abog abog akong sumunod rito, nakatungo, ng may magsalita malapit sa akin, kasalukuyang nakatayo at waring binibigyang paalala ang mga maid.
"Yung ibang ulam at mga inumin bilisan ninyong ilapag sa mesa at nariyan na si King."
Iniangat ko ang tingin dahil pamilyar sa aking pandinig ang boses na iyon,
"A-adriano?!" Malakas na sabi ko, kinukumpirma kung siya nga ang lalaking iyon.
Naagaw ko ang pansin niya, nilang lahat, dahil biglang tumahimik ang kaninang napaka-ingay na hapag kainan. Ang mga nakahilerang kalalakihan ay nakatingin lahat sa akin.
"Ako nga ganda!" May ngiting sagot ng matanda.
Nawiwili ang matanda sa babae, dahil bukod sa mabait ito sa tingin niya, ay maganda din, maamo ang mukha.
"A-anong? W-what are you doing here?" Napa-ingles pang dagdag ko, saka ko iginala ang tingin sa mga kalalakihang pare-parehong nakatingin samin, basically sa akin.
Doon ko napansin ang tatlong lalaking nakita ko sa loob ng bahay ko, na ngayon nga ay hindi ko matandaan ang pangalan.
Ng makita nilang nakilala ko silang tatlo ay bahagyang tumango ang isa at ang dalawa ay may ngiti sa labing itinaas ang kamay. Naiilang.
Nagtataka akong pabalik balik ang tingin kay Adriano at sa tatlong lalaki ng agawin ng lalaking kasama ko kanina ang atensyon ko.
"Sit" utos nito sa akin sa upuang iniatras niya para ako ay makaupo.
Narinig ko pa ang pag-singhap ng ilan sa ginawa niya.
Nangunot ang noo ko, somethings lingering on my mind. This guy, is somewhat familiar to me too.
Hindi ako gumalaw at tumitig lang sa kanya, tinitignan bawat galaw niya ng magpunta at hinila nito ang pinaka-sentrong upuan, napa- side view ito sa akin, at sa pagkakataong iyon ay biglang may nag-play na ala-la sa isip ko.
That intimidating guy was the same guy on that limousine car were Adriano was the driver that night, ang lalaking ito din ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay na tumutok ng baril sa kung sino malapit sa akin pagkatapos mamatay ng alkalde.
"Siya nga! s**t! Siya iyon!!! Papatayin na talaga nila ako. Jusko! Tulungan niyo po sana ako" taimtim kong dasal sa isip.
Pero ang mas ikinan-lumo ko ay ang makita si Adriano kasama ang lalaking ito. Paanong siya ay kasama din nito, kung tutuusin ay malayong-malayo ang personalidad ng matanda sa lalaking iyon kaya paanong magkasama sila sa iisang bahay?
"Natatakot na ako rito. Please lord, help me. I hate it here!"
Nagwawalang tili ng isip ko.
______________________________________
Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?