Chapter 11

1797 Words
Isang mahabang katahimikan ang lumukob sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan namin ngayon, Isang mahabang mesa ang naroon at may upuang kakasya ang dalawampu't dalawang katao, para siyang meeting place ng mga bigating tao. May mga computer, projector at iba pang teknolohiya na ginagamit kapag nag-rereport ka. Parang katulad ng sa paaralan na pinagta-trabahuhan ko ang tanging kaibahan lang ay mas makabago ang gamit na mayroon sila rito at ang iba pa ay hindi na pamilyar sa paningi ko. Ang lalaking kasama ko kanina para kumain ay naroon, nakaupo sa pinakadulong upuan na parang hari. Nagtataglay ng maitim na aura, walang emosyon at malamig kung tumitig. Pati tuloy pag-hinga ko ay napakabagal sa takot na makalikha ng ingay. The rooms penetrating aura suffocates me but I can’t weep aloud, baka pag umangal ako ay sa isang iglap lang ay papatayin agad ako. May limang lalaki din ang nakahilerang nakaupo sa kanang bahagi ng lamesa at ako naman ay naka-upo sa ikalawang baitang sa kaliwang bahagi, nakatungo, hindi gumagalaw. "Ay putang!na!!" Gulat kong bulalas ng tumikhim ang lalaki sa kanan ko. Nakakahiya pero mas nangibabaw ang takot ko, jusko, para akong hahatulan ng kamatayan sa ayos namin ngayon. Ang isa sa kanila ay walang alinlangang tumawa ng malakas. Tila hindi natatakot sa lalaking ngayon nga ay naka-kunot noong nakatingin sa akin na para akong isang baliw sa paningin niya. "Ano ba King, tinatakot mo ang napakagandang binibini." Aniya sa lalaking tinawag niyang king. King pala ang pangalan niya, bagay na bagay sa kanya. Sa itsura niyang napakagwapo ay hindi maipagkaka-ilang may presensya siyang hindi basta-basta, na parang dapat lahat ng tao ay dapat sumunod sa kung ano mang sabihin niya. Tumikhim lamang ito at waring walang narinig. "Nakakasura naman tong lalaking ito" komento ko sa isip. Naiinis ako sa mukha niyang tila hubog ng mga diyos ng griyego. Ang unfair lang sa mga katulad kong hindi nabiyayaan. A drop dead gorgeous greek god kung tawagin. "By the way miss. I’m Marcellus Adriel Hustano, at your service ang pinaka-gwapo sa balat ng lupa." Nakangiting sabi ng lalaking nagpa-kilala. Natatandaan ko pa ang lalaking ito, isa siya sa nagpakilala sa akin noon sa bahay ko. "H-hello nice to meet you too." Bati ko din rito. Nakahiya naman kasi pag hindi ako sumagot, gwapo pa naman. Nautal nga lang ako. "Tumigil ka Allestair! Tandaan mo linoko ka ng hindi kagwapuhan mong ex kaya wag ka ding maniniwala sa ganyan kagwapong mukha." Singhal ng konsensya ko. "Eh hindi naman siya nanliligaw para hindi maniwala ah?!" Sagot ng isa pang konsensya ko. My god! Nababaliw na nga yata ako. Natigil ang sagutan ng kapwa konsesya ko ng magpakilala din ang isa. "Im Xendrix Adam Toloso mi amore. The hottest man alive and nice to meet you again" Mala playboy namang bati ng lalaki, tumayo pa ito para abutin sana ang kamay ko para halikan ng magsalita si king. "Naks lakas maka King ah" untag nanaman ng konsensya ko. "Take your sit Toloso and saved that f*****g kiss of yours to your girls" kontra nito sa malamig na boses. Nakakapangilabot talaga, at pati itong si Adam ay dali-daling umupo. "Tsk! Seloso" maktol pa nito ng hindi mahalikan ang kamay ko. Nagtaka naman ako. Bakit siya magse-selos? Bakla ba itong si King at gusto niya si Adam? Gosh! Sayang naman. Ngunit ngumiti din ang huli, tila may nadiskubreng noon niya lamang nalaman. "By the way, this is Thorn Lhander Gustavo, the bitter man." Natatawang pakilala niya sa tahimik at tila walang ganang nasa tabi niya. "We've met before but I guess you don’t remember our name." Aniyang nababagot ang boses. "Im Watkins Cade Bolesy, ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo" turan nito bago tumingin kay adriel ng nakangisi. Ngumisi din naman ang huli. "Hi. Im Aazel Cyver Rutherford. If you need help or anything just ask me." Nakangiting pakilala din nito, Nakakatuwa siya dahil mukang halos magka-edaran lang kami, palangiti, may salamin siya sa mata, muka tuloy siyang nerd. A good-looking attractive nerd. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nakita ko kanina ng nagpunta kami sa hapag, Siya iyon ang lalaking pinagkaka-isahan ng lahat. "Ehem! By the way, that soulless and stoic man is King Lourd Vinomous" pakilala ni Adam sa lalaking ngayon ay hindi na yata natutuwa sa mga kasama. Madilim ang tingin nito sa aming lahat at tila kinakalma lamang ang sarili. Pero hindi nawala ang atensyon ko sa pangalang ibinigay niya, pangalan palang ng lalaki ay mataas na pero wala doon ang kuryosidad ko, nasa apelyido niyang Vinomous. Vinumous is our biggest shareholder to our school, no one ever saw him visited the school that is why we don’t know how he was look like, but a certain rumor said he was a well-known business man around Asia but he became famous around the whole world business industry when he beat the Guinness World record richest businessman and he became one. Some says it’s not true, because that man used different surname from his and used Venum as his tittle in the industry. But now that I am here, feeling ko tuloy totoo siya. Ganoon ba siya kayaman? Pero di ba pag businessman ka ay hindi ka matigil sa iisang lugar at palagi ang business trip? Ang lalaking to kasi ay parang wala naman masyadong ginagawa, prente nga lang siyang umuupo rito tila nagsasayang ng oras. "Gaga! Pasalamat ka hindi ka pa pinapatay." Angal nanaman ng isip ko. "Ehem! Introducing each other was not the point here!" Malakas na singhal niya sa mga kasama bago itinutok ang tingin sa akin. "What are you doing there that night?" Malumanay ngunit kababanaagan ng panganib ang boses niya. Nagtaka naman ako? "A-anong that night?" Walang ideyang tanong ko. "That night when we nearly bumped you with our car. That night at the bar when there was a shoot-out incident." Esplika nito, parang nawawalan ng pasensya. "Ah ga-ganon ba?" Bigla ay napakamot ako ng ulo. "U-uminom lang ako" kinakabahang sagot ko. Alangan namang sabihin ko ang totoo, nakakahiya yon at saka bakit ko naman sasabihin sa kanya, hindi ko naman siya kaibigan at mas lalong hindi kilala. "With the dead mayor? Is it coincidence or you plan it all?" Pagsisiguro nito, tinatantya ang mga sagot ko. "Anong plan ang pinagsasabi mo? Saka hindi ako nakipag-inuman sa lalaking iyon, nakasama ko lamang siya sa sayawan." Puno ng pagtatakang tanong ko. Anong plano ang pinagsasabi niya? "Tsk! Admit it woman. You were one of that f*****g newly formed Familia members right?! Your intention was to kill the man right?! But why did you put the blame on me?!! Why did you blackmail me?!" Nanggagalaiting sabi nito, galit na galit, gigil na gigil. "Tell your Familia, they are brave enough to turn me down but don’t ever blame me for their mistake!!! I won’t tolerate their f*****g behavior, they should at least learn to bow before the highest!!! Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang pag-dungis sa pangalan ko!!!" He added. His voice was deadly hot when he speak tagalog. “For god sake mystie! Tumigil ka at pinagbibintangan ka na ng lalaking kanina mo pa pinupuri!” sigaw ng konsensya. Nabwi-bwisit ako dahil tila nawawala ako sa katinuan kapag tumitingin ako sa kanya. But wait, hindi ko gusto ang tabas ng bunganga ng lalaking to. Nag-init bigla ang ulo ko, hindi ko talaga matantya ang lalaking to. "Ano bang pinagsasabi mong lalaki ka ha?! Tang!na mo ka ah!! At anong intensyon ko para patayin ang lalaking iyon ha?! At newly formed familia??!! Ano yon?! Bakit kita ibla-blackmail ni hindi nga kita kilala gago ka!!!" Sumisigaw, galit na galit ko ding sagot. Nababaliw na ba tong lalaking to?! Ako papatay?? Jusko po, ang puso ko ang pinatay!!! Charot. Baliw na nga talaga ako, may gana pa talaga akong magbiro sa lagay na to no? "Tsk! Admit it or..." Delikadong aniya, pinutol ang sasabihin at mabilis na may kinuha sa ibaba ng lamesa, pagtaas niya ng kamay ay itinutok niya ang baril sa akin. "You'll die" banta niya. Napakabilis ng naging galaw niya at hindi ko nagawang masundan. Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. Hanggang dito na ba talaga ako? Sa ganitong paraan na ba mapuputol ang buhay ko?? Jusko gusto ko pang magkapamilya, magkaanak at iba pa. Tulungan niyo po ako at ilayo sa lalaking ito. "R-relax boss" tigil ni Adam. Ngunit hindi nabawasan niyon ang tensyon. Sa kaka-isip kung bakit humantong sa ganito ang buhay ko ay hindi ko maiwasang sisihin ang napaka landi at kati kong ex, dahil sa manlolokong iyon ay nasa ganito akong sitwasyon, natatakot para sa sariling buhay. Nag-unahang nagsibagsakan ang luha ko, nandito nanaman ang akala kong ubos na. "P-paano ko aaminin ang kasalanang hindi ko naman ginawa, paano ko aakuin ang pagpatay sa alkalde gayong nandoon lamang ako dahil nasaktan lang ako. Ng gabing iyon ay gusto ko lang mawala at bawasan ng ilang saglit ang sakit nito" umiiyak na paliwanag ko. Saka tinuro ang parteng iyon ng dibdib ko kung nasaan ang puso. Lahat nalang ata ng problema sinalo ko na. "Ng araw na iyon ay halos mamatay-matay ako kakaisip kung bakit at paano ako nagawang lokohin ni Arries gayong wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin lang siya." Dugtong ko pa. "Nagtataka ka siguro kung bakit nandoon ako gayong guro ako, dapat maging huwaran, pero tao lang din ako may pakiramdam, nasasaktan din!! Sa anong paraan ko ba dapat kalimutan ang sakit?!!! Sa pagsusulat ng lesson plan?! Sa pag-oovertime sa pagtuturo?!!! Sa pag-check ng mga assignments at quizes?! Ganoon ba?!!! Ang dahilan kung bakit kami magkasama noon ay dahil lasing ako, nagsasayaw ng makita ko ang Arries na iyon na halos makipag-iyotan sa malanding haliparot na mikang iyon!! Anong alam kong papatayin na pala ang lalaking iyon?!!!" Naghahabol ng hininga kong sabi. Nakita ko panandalian ang pagbabago ng emosyon sa mukha niya, nagulat sa mga sinabi ko. Habang ako ay napayuko, hindi mapigilan ang sarili sa paghagulgol. Nakahawak ang parehong kamay sa mukha, iniiwasang hindi nila makita ang ganitong lagay ng mukha ko. Bumabalik nanaman lahat ng galit at sakit. "Ano bang naging kasalanan ko at naging ganito?" Tanong ko sa isip. Wala naman akong ibang ginawa kundi nagmahal at mahalin ang trabaho ko. Inilabas ko lahat ng sakit at galit, humagulgol ako ng parang walang ibang tao roon kundi ako lang. kahit na alam kong nakaka turn off na ako sa lagay na iyon ay okay lang, maganda pa din naman ako. Nasa ganoon akong sitwasyon ng biglang pumasok si Adriano. ______________________________________ Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD