ALLESTAIR POV
Naalimpungatan ako dahil sa humahaplos sa pisngi ko, nakikiliti kasi ako, ewan at nag-a-addict siguro hindi na matigil tigil eh.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata para lamang mapa-pikit ulit sa sobrang liwanag.
Iginalaw ko ang kanang braso para takpan ang mata ko at saka sinubukang imulat ang mata ulit.
Nung una ay blurred ang paningin ko ngunit ng nasanay na ay bumalik sa dati. Bumungad sa akin ang napakagarang silid na kulay puti, halos lahat ng gamit ay puti, may malaking flat screen T.V na naka-on at may palabas na Tom and Jerry. Tumingin ako sa may gilid at nakita ko doon si Blight kasama si Cyver, pati na din iba pang kaibigan ni King na halatang pagod at pinagkakasya na lamang ang katawan sa sofang naroon, tulog sila, tanging ang dalawang mag-babe na lamang ang gising at parehong nagtatawanan.
"Wife? How are you feeling?" Tanong ni King na may mapupungay na mata, halata dito ang pagod at antok.
Aww. Kawawa naman ang hubby ko.
Ng ia-angat ko sana ang kaliwang braso ay napatigil ito sa ere ng makaramdam ako ng kirot. Isang beses ko ulit na sinubukan i-angat ang braso para sana haplusin ang mukha niya ng,
"Ouch!" Parang may naghiwalay na karne sa katawan ko sa sobrang sakit.
Totoo? Nabaril ako ng bwisit na boss nilang iyon? s**t! Ansakit!
Doon pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi, nawala ang focus ko dun sa lalaki kaya si King ang pumatay pero natamaan ako ng bwisit na boss nilang yun.
Agad akong dinaluhan ni King at kinuha ang braso kong ihahawak ko sana sa kanya, mahigpit ang hawak niya rito at saka ipinuwesto ang sarili sa kama ko.
"s**t! f*****g s**t! Your bleeding again!! Those fuckin doctors!!" Agad siyang tumayo at pinindot ang red button sa may ulunan ng kama ko para sa emergency.
Hindi matigil ang pagmumura niya sa galit ng dumating ang isang doctor, may katandaan ito at ang masasabi ko lang ay pangit siya, panot eh, walang sabing hinila ito ni King at kwinelyuhan.
"Tignan niyong mabuti yung sugat ng asawa ko at nagdurugo!! Binayaran ko kayo ng milyon hindi para mamatay ang pasyente niyo, mga bobo!!! Pag may nangyaring masama sa asawa ko, I'll make sure you'll gonna pay your life with it!! Now, check my wife!!" Aniya at malakas na itinulak ang panot na doctor sa may kama ko dahilan para muntikan na itong mapahiga.
"Be carefulll!! Madadaganan mo na ang asawa ko, bobo!!" Angil niyang galit na galit.
Kita mo tong lalaking to, tinulak niya tapos magagalit pag nadaganan ako. Talaga yatang nag-da-drugs to e.
Kahit pinagtatawanan ko sa loob loob ko ang doctor ay hindi ko maiwasang maawa rito.
"King, I'm fine don't worry. Saka hindi naman ako mamamatay, kasalanan ko din naman at pinilit kong maggagalaw galaw kahit hindi pwede." Paliwanag ko dito.
"No wife!! Kasalanan ito ng mga doctor!! Mga peke siguro ang gamit!!" Singhal niya at masamang tingin ang ipinukol sa doctor na hindi magkanda-ugaga kung saan pwe-pwesto. Susugurin niya na sana ito ng pigilan siya ng mga kaibigan.
"Let me go!! Nandidilim ang paningin ko sa doctor na iyan." Tuloy tuloy na pagta-tagalog niya. Dinuro-duro pa ito.
Galit nga! Hindi na nag-i-ingles e.
Isinenyas ko kina Lhander na kalmahin si King at dalhin sa labas. Si Blight naman at Cyver ay sumunod din, malungkot na mukha ni Blight ang sumalubong sa akin saka nag-sorry. Tumango lamang ako at parang pagod na pagod na sumandal sa may likod ng bed ko.
Okay lang naman sa akin iyon. Sinisisi siguro ni Blight ang sarili dahil sa pamimilit saking lumabas.
"Ah m-maam. Can i check your wound please?" Kinakabahang aniya, tumango ako at dahan-dahang itinaas ang damit ng,
"Ask your nurse to do the work fucker! Not you!! Don't touch my wife!!" Aniyang hindi talaga papigil.
Kita sa mukha nina Adriel ang hirap sa paghawak rito.
"Hoy Hari!! Tumigil ka diyan at baka nakakalimutan mong may dapat ka pang ipaliwanag sa akin!!?" Ani ko rito.
Linakihan ko pa ang mata para mas intense, akala siguro ng loko ay nakalimutan ko na yung sinabi ng pangit na lalaki kanina, ako? Pangalawang asawa?
"Huh!! No way!!" Hindi ko mapigilang singhal.
Nagulat yata ang doctor at bahagyang lumayo sa akin.
"Ah so-sorry Doc. Hehe. Tuloy niyo na po." Anu ko rito.
Agad naman niyang inasikaso ang sugat ko at nilinis iyon, todo daing pa ako tuwing dumadampi ang bulak sa sugat ko.
"Ah Doc? Bakit sobrang sakit naman yata ng sugat ko? Hindi ba siya nalagyan ng anesthesia?" Tanong ko ng parang mas lumalala pa yung kirot ng sugat ko.
"Ah ma'am, kasi po buntis kayo. At hindi pa fully develop ang fetus sa sinapupunan niyo kaya isa lang ang ginamit namin imbis na tatlo, lalo at malapit pa naman ang sugat niyo sa matris niyo maam." Aniyang busy at tutok ang tingin sa sugat ko.
Ako naman ay tila binuhusan ng isang timbang puno ng malamig na tubig at may kasama pang ice.
"A-ako p-po? B-buntis?! Hahaha. Kayo naman Doc eh, kailan lang kaya nung ginawa namin iyon." Hindi mapigil ang tawang saad ko dito at natampal ko pa ang kamay niya kaya naman pati sugat ko ay nadiinan.
"Ouchhh!! Dahan-dahan Doc!" Singhal ko.
"S-sorry ma'am. Kayo naman po kasi e." Hinging paumanhin nito.
Ng maisip ko ang sinabi pati na ang ginawa ko ay nahihiyang iniiwas ko ang tingin at nag-sorry.
"Pero totoo nga Doc? Walang halong biro? Buntis ako? May baby dito?" Nangingislap ang matang tanong ko sabay turo pa sa impis pang tiyan ko.
"Hahaha. Yes po misis. Congratulation po." Masayang imporma niya.
Gusto ko tuloy maiyak at magtatalon talon at magtatakbo dito mismo sa kwartong to.
"Success iyong operation namin ni Blight, kung ganon. Huhuhu." Naiiyak kong sabi, sobra akong masaya ngayon. Ewan ko. Magkaka-anak na ako. Magkaka-baby na kami ni King.
"Ah anong operation ma'am?" Chismosong tanong ni panot.
"Ah hahaha. Wala doc. Ano lang yon. Wala yon." Sagot ko dito habang nagpupunas ng luha.
Ang bilis ng pangyayari pero okay lang, ang mahalaga may baby na ako, kami ni King.
Ng matapos si doc sa paglilinis ay may mga sinabi pa itong kailangang bilhing gamot, puro pam-buntis na gamot, hindi daw kasi pwede ang basta-basta at baka makasama pa sa bata.
"And lastly maam. Kindly ask for Doctor. Cruz, she's an obstetrician. If you want ma'am, i can ask her to set an appointment with you or just come here to meet you personally." Suhesyon pa ni Doc panot.
Hindi naman ganon katanda si doc, wala lang gusto ko lang siyang tawaging panot. Hehe. Ang bait niya.
"Sige po Doc. Kung hindi po ako nakakaabala sa inyo. Saka sorry nga po pala sa inasta ng asawa ko kanina ha? Syempre doc dyosa ako, kaya patay na patay sakin." Ani ko pang nakangiti.
"Ok lang po ma'am. Kaibigan ko naman yun si Doc. At saka, sanay na po ako sa mga ganong asawa ma'am. Ayaw pahawak ang asawa akala naman nila type ko, che, hindi kaya, hindi kami talo no." Maarteng saad niya ay bahagyang inipit ang boses.
"s**t bakla ka po? I mean..." pinutol niya ako.
"Yes ma'am. Shh lang po kayo. Hahaha. Infairness po ang gwapo ng asawa niyo, medyo type ko, pero mas type ko yung seryoso ang mukha? Hahaha" aniya pa at bahagyang tumawa.
Si Lhander siguro ang tinutukoy. Bwahahaha.
"Wow, perstaym ko po makakita ng baklang matanda na." Namamanghang saad ko.
"Wow ma'am ha? Kung makatanda na, wagas ha? 48 palang naman ako, at saka kung basehan tung buhok ko, sakit na talaga namin to sa pamilya." Imporma niya habang pumipilantik ang kamay at maarteng hinaplos ang ulo.
"Ay sorry. I mean, kasi yung alam mo na, medyo may edad." Pabulong kong saad dito.
"Hahaha. Ok lang maam. Anu ka ba." Aniya at saka tumayo na.
Saktong nagtatawanan kami ng pumasok ang seryosong si King pati na mga kaibigan niya.
"Sige po ma'am. Mauna na po ako." Paalam ni doc, bumalik sa boses lalaki ang boses niya kaya hindi ko maiwasang matawa.
"Sige po Doc. Nice talking to you." Ani ko pa ritong papalabas na.
Maarte nitong iwinagayway ang kamay sa likod, buti nalang hindi kita nina King pero hindi ko pa din maiwasang matawa.
"What's funny wife?" Ani King at bahagyang lumapit sa may puwesto ko.
"Wala." Sagot ko at saka siya inirapan.
"What's the matter?" Maamong tanong niya at kinuha ang kamay ko.
Nakataas ang kilay at maangas ko siyang tinanong, hindi porket gwapo Mystie ay palagi ka nalang marupok sa harap niya, pangaral ko sa sarili.
"Bakit hindi naman yata ako na-inform na kasal ka na pala? Dati pa?" Seryosong tanong ko dito.
Nabigla siya ng ilang sandali, ganon din ang mga kaibigan niyang napasinghap pa.
Napatingin si King sa may pyesto nila at isinenyas na lumabas na muna. Wala silang imik na sumunod at nagsilabasan.
Bumuntong hininga siya.
"It's not like that wife." Aniyang mababa ang tingin, tinatantya kung dapat bang sabihin?
"Anong hindi ganon? Panong hindi? Saka magtagalog ka nga, na-no-nosebleed ako sayo!" Singhal ko.
Ewan, hindi ko talaga maiwasang magtaray. Naiinis ako sa kanya at naiiyak din.
"Ahm tsk. Tagalog is too hard." Bulong niya pero hindi nakaligtas sa pandinig ko iyon.
"Asus. Ang haba nga ng tagalog mo kaninang nagagalit ka? Ngayon pa? Pwes, sinong linoko mo?" Nakataas pa din ang kilay na sabi ko.
Ewan trip ko lang magtaray.
"Okay fine, just please listen." Aniya at bumuntong hininga ulit.
"Its not that..." Pinutol ko siya ng matalim na titig ko. Ayan, nag ingles nanaman.
Nagseryoso siya at kita sa mata niya ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
"H-hindi totoo ang sinabi ng lalaki kanina wife. It's true na may nauna sayo, pero hindi natuloy iyon. Ng araw na magpapakasal na sana kami at nakahanda na ang lahat ay hindi siya sumipot, katulad mo ay pinilit ko din siyang pakasalan ako, that time kasi, may parents forced me to marry anyone. I have no other choice but to oblige, maraming nagkakandarapa sakin nuon but i don't mind, gusto ko yung taong walang gusto sakin para madali lang siyang dispatsahin pagdating ng araw na pwede ko na siyang hiwalayan. I blackmailed her, katulad mo ay pumayag din siya dahil sa takot, hindi ako nanligaw, basta ang gusto ko lang ay pakasalan siya para matapos na ang problema ko but little did i know, i fell for her. Nahulog ako sa sarili kong patibong, pero wala akong ginawa, itinuloy ko pa din ang planong pakasalan siya, sa isip ko ay saka ko na siya liligawan pag mag-asawa na kami para walang kawala. Pero iba magbiro ang tadhana, tadhana nga ba o karma? I don't know, basta all i know is i spend millions for that wedding para lamang ipahiya niya ako sa maraming tao, iniwan niya ako at nakipagtanan siya sa ibang lalaki. Gusto ko siyang hanapin noon pero pinigil ako ng mga magulang ko, ewan kung anong dahilan, basta bawat attempt ko, hindi ko siya mahanap hanggang isang araw, napagod nalang ako at tumigil na. Not until i got all the control, pinahanap ko siya, doon ko nalamang nakipagtanan pala siya sa iba." Malungkot na sabi niya.
Nasaktan ako pagkakita ko sa reaskyon niya, feeling ko tuloy mahal niya pa yung babae.
"Pinagbayaran ko ang pamimilit na iyon sa kanya, araw araw kong pinapagod ang sarili ko, para na din makalimutan siya, until i became who i am right now, in six years, hindi ko na nakilala ang sarili ko. Hanggang sa pagtagpuin tayo ng tadhana, as i've said, i fell for you the second time i saw you, alam ko sa sarili kong pagiging makasarili nanaman ang gagawin ko nuong pinilit kitang magpakasal sakin, pero hindi ko mapigilan, sinabi ko sarili kong kapag naging akin ka gagawin ko lahat para manatili ka. Kaya kita pinapirma sa papel lang ay dahil sa takot kong bigyan ka ng pagkakataong makatakas din. Kaya gusto kong gawin ang lahat ng kaya ko, mula panliligaw hanggang sa maging girlfriend mo at ilegal ka sa magulang ko pati na din sa magulang mo para kapag alam ko ng akin ka na talaga, saka kita aayain magpakasal sa simbahan. Im sorry wife! Im sorry for forcing you, i just don't want anyone take you away from me. I'm sorry for not telling you the truth, I'm sorry." Naluluhang hingi niya ng sorry.
"It's okay. I know, i understand. But, can i ask, did you really loved me and love me still?" Ani ko dito, naluluha na din.
Isa lang ang masasabi ko sa babaeng yon, salamat dahil iniwan niya si King dahil kung hindi ay hindi ko makikilala ang hari ng buhay ko.
Pero tanga din siya, dahil naging bulag siya, hindi niya nakita ang nakikita ko ngayon sa asawa ko.
"Yes! I love you. I really do. I really do loved and love you still." Aniya at saka ako dinampian ng masuyong halik sa labi ko.
A kiss of assurance.
A kiss of sincerity.
Thank god, he gave me this man, he let me in pain but payed it a more deserving man at the end.