ALLESTAIR POV
Sa nerbyos kong baka malaman nilang nakapatay ako ay kinaladkad ko si Blight papunta kina Cyver para sana humingi ng tulong ng bumungad sa amin ang pinaka sala ng mansyon.
Basag basag ang ibang gamit pero hindi ang mga bintana,
"Wow! Original!" Komento ko pa sa isip.
Mabilis kaming nagtago sa may likod ng mahahabang sofa ng pumasok ang nga kalalakihang nakita ko kanina.
Mahahabang uri ng baril ang hawak nila at may nakalaylay pang magkakadikit na bala sa may balikat nila.
"s**t lang ate? Nasan na kaya si babe?" Bulong ni Blight sa akin, pilit nag-iingat na wag makagawa ng ingay.
Pinanginginigan ako at pinagpapawisan din ng malamig at malapot.
"Mag-isip ka Blight kung anong dapat gawin. Ayokong mamatay no. Gusto ko pang malahian ng lahi niyo." Seryosong saad ko dito.
Mahigpit ang kapit ko sa baril na hawak ko, ganun din si Blight, ewan ko sa kung anong nangyari sa babaeng to, kanina sobrang excited pero ngayon ang duwag duwag na.
Putukan ang mas lalong gumulantang sa amin sa labas, titigil sandali pero sunod sunod din pagkatapos.
"Asan na King na ba kasing yan?! Putang!na! Kung kailan kailangan saka mawawala!" Reklamo ko sa kapatid niyang naliligo na sa pawis.
Gusto ko tuloy matawa sa itsura niya. Pero binalewala ko na lamang iyon.
Kailangan naming mag-isip ng plano lalo pa at bawat makita ng lalaking narito ay pinapuputukan at sinisira. Ilang sandaling pag-iisip ng dumapo ang tingin ko sa bandang itaas ng sofa at makita ko duon ang button para patayin ang ilaw.
"Blight." Bulong kong tawag dito, kinalabit ko pa ng ilang beses bago bumaling ang tingin sa akin.
"A-ano yun ate?" Kinakabahang aniya.
"Pfttt. Teka nga, kanina excited ka pero ngayon, pfttt. I'd rather not mention about it." Maarteng bulong ko, tinakpan ko pa ng aking kanang kamay ang bunganga para lang pigilan ang sarili sa pagtawa.
"Ehhh ate naman e. First-time ko kaya to." Aniya pa sabay punas sa basang basa na noo.
"s**t ang lagkit ko na." Maktol niya pa.
"Hoy makinig ka, ganito ang plano. Ako ang pupuntirya sa mga lalaki, ikakabisa ko bawat pyesto nila, habang ikaw, pupunta ka sa bandang dulo nitong sofa at pindutin mo ang off ng ilaw. Duon ko sisimulang asintahin sila at pagkatapos kong tumigil, i-on mo ulit para makita ko kung may natira pa saka mo ulit i-off. Naiintindihan mo ba?" Saad ko dito.
Nakabukas ng bahagya ang mata niya, tila hindi makapaniwala sa plano ko.
"A-ate? Delikado yon. Magtago nalang kaya tayo tapos hintayin natin sila kuya. Hindi ka pa naman marunong bumaril." Naghuhuramentadong aniya. Hindi mapakali at todo silip sa mga lalaking hindi matigil sa pagsira ng mga gamit.
Papatay na nga, magsisira pa ng gamit ang mga loko. Mas mahal pa yata gamit ni King kesa mga buhay ng mga to e.
"Trust me Blight. Favorite kong maglaro ng baril barilan nung bata ako, tomboy kaya to nung elementary. Saka isa pa, palagi akong nananalo sa mga fiestang may palaro ng baril barilan nuon, pag nakita mo yung condo ko, ang daming teddy bear doon, mga prices na napanalunan ko nuon." Mahabang litanya ko rito. Alam kong wala namang connect yung baril barilan pero kasi parang same lang naman yon na tinututok.
"Ate? Ikaw tomboy?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Natampal ko ng bahagya ang braso niya at sininghalan.
"Ano ka ba. Oo nga, kaya wag ng maki-chismis diyan, mamamatay na tayo chika pa din gusto mo." Ani ko rito.
Tumango tango siya at saka kinalma ang sarili bago isinenyas na okay na siya.
"Isa. Dalawa. Tatlo. Bilis." Pasigaw na bulong ko rito, tuhod at siko ang ginamit niyang paa para maglakad paalis sa may dating puwesto niya.
Habang ako, ikinabisa ko ang bawat posisyon nila.
Dalawang lalaki ang nakatalikod sa amin, isa ang nagbabasag sa mamahaling T.V ni King, dalawa ang prenteng nakatayo habang sumisipsip sa sigarilyo, isa yata sa kanila ay ang pinaka boss nila, apat namang lalaki ang kadarating lang galing sa may kusina at isa pang lalaki ang humahangos na pumasok sa may pinto.
"Boss! Nauubos na po mga kasama natin!" Imporma nito sa lalaking naninigarilyo na walang kasimpangit ang mukha.
Ewan ko at nakahiligan ko na yatang manlait, s**t lang, ampapangit talaga nilang lahat.
"Pwes! Wag mag-alala at hahanapin pa natin ang asawa daw ng Vinumous na iyon, hindi na nadala ang loko, dalawang beses ng nag-asawa? Aba'y matinik. Hala bilis, magsi-kalat kayo at hahanapin natin ang babaeng iyon."
Nagpantig ang tenga ko sa narinig? Anong dalawang beses nag-asawa? Tangna! Ba't wala akong alam?!
Ng akmang aalis na sila sa kanilang puwesto ay,
"Blight! Ngayon na!" Sigaw ko. Nakita ko pang nagulat sila sa sigaw ko at natigil sa akmang pag-alis bago mamatay ang ilaw.
Mabilis kong iginalaw ang kanang kamay at sinuportahan ito gamit ang kaliwa, tinantya kong mabuti kung saan ko dapat ipaputok saka ko pinindot ang gatilyo, sunod sunod na putok ang ginawa ko, nanggigigil ako sa narinig.
Ako? Pangalawang asawa?! Bakit wala man lang sinabi si King sa akin?! Punyeta!! Ano yon? Divorce siya? O di kaya, ginawa niya kong kabit?!
I smirked as i've heard them groaned in pain.
"Sorry nalang mga tol, pero ginigil niyo ako!." Sambit kong nagbabaga ang galit. Nag-iinit pati sulok ng mata ko.
Sa tulong na din ng ilaw mula sa labas ay naaninag ko pa ang pinaka-boss nilang nananatili pang nakatayo, umalis ako sa pinagtataguan ko at mabilis na umupo sa may sofa bago iputok ang baril. Prente pero sigurado akong nagpa-putok kahit pa nakaupo ako.
Tumigil lang ako ng ilang saglit ngunit nanatiling nasa ere ang kamay habang hawak ang baril para siguradong handa kung sakali mang may nakaligtas sa kanila.
Pagbukas ng ilaw ay duguang mga kalalakihan ang bumungad sa akin, may iba sa kanilang sa mukha pa tinamaan at may ibang sa braso lang, ng akmang bubunot ang ilan ng baril ay mabilis kong inasinta ang ulo nila habang nakaupo.
"Wag kasing makulit. Ayan tuloy, sabog kayo." Demonyong saad ko pa.
"Walang hiya ka!" Saktong kukunin ko na sana ang isa pang baril sa may likod ko ng matigil ako dahil sa humahangos na King papasok ng bahay.
Naging parang slow motion ang lahat ng iangat ni King ang kamay at paputukan ang lalaking nasa harap ko, dalawang putok ang halos sabay na narinig ko.
Kasabay niyon ay nakaramdam ako ng parang kagat ng langgam sa may tagiliran ko at mainit na likidong dumaloy pababa sa may binti ko. Hindi ko iyon pinansin, nakatingin lang ako kay King na nanlalaki ang mga mata at mabilis na tumakbo palapit sakin.
Ng akmang hahawakan niya ako ay nakuha ko pang lumayo ng bahagya.
"Wag kang lalapit sakin." Nanghihina man ngunit matigas ang mga tinig na saad ko.
"Wife! Please! You're bleeding for god's sake!" Aniyang nag-aalala at bahagyang napasabunot pa sa buhok sa frustration ng ayaw kong magpahawak.
Pero nagulat ako sa tinuran niya, dahan-dahan ay yumuko ako upang tignan ang kaliwang tagiliran ko para lamang magulantang sa nakita, napakaraming dugo ang dumadaloy doon, gusto ko iyong pigilan dahil tingin ko ay mauubusan ako ng dugo kapag nagtuloy-tuloy pa iyon pero ayoko sa dugo, natatakot ako sa dugo, para akong hihimatayin sa panghihina sa mapulang kulay niyon.
"Wife please!! Let me help you!" Aniya pa at hindi alam kung lalapit ba o kung ano, pero thank god pinili niyang lapitan ako at maingat na hinawakan ang sugat ko para pigilan ang pagdurugo niyon.
"Sabi nung lalaki pangalawang asawa mo daw ako?" Naiiyak na sumbong ko dito.
"What?! At sinong nagsabi?!" Napapa-tagalog ng sabi niya dulit na din yata sa sobrang pag-aalala.
Sumasakit na ang sugat ko, pimipintig pintig, kumikirot kirot.
"That man." Mahinang tugon ko sa tanong niya, sabay turo sa lalaking boss nila na may buhay pa sa tingin ko.
Nakita ko pa kung paano siya matigilan sa sinabi ko. Pero hindi ko na iyon pinansin dahil sa pagkirot ng sugat na iniinda ko.
"Fuckers! Ready the car!" Nagngangalit na aniya sa mga kaibigan.
Mabilis ako nitong pinangko, nanghihina na ang katawan ko at nandidilim na din ang paningin ko, pilit akong ginigising ni King pero hindi ko na kaya. Linukob na ako ng antok, pero bago iyon ay nagkakagulong mga tauhan niya ang huling nakita ko.
Sigurado ako, may ibinilin si King sa kanila dahil lahat sila ay ikinasa ang baril at tinadtad ng bala ang lalaking tinuro ko kanina.