Chapter 34

1679 Words
  At the Vinumous Mansion.   ALLESTAIR POV   Nandito ako ngayon sa may kwarto namin ni King, oo, namin, simula may nangyari samin ay hindi na niya ko hinayaang bumalik pa sa sarili kong kwarto. Sabi pa nga niya, mag-asawa na daw kami at kung ano sa kanya, akin na din. Infairness kinilig ako.   Pero hindi naman nawala sakin na baka dahil lang sa may nangyari samin kaya niya sinabi iyon.   "Hayyy." Hindi maiwasang buntong hininga ko.   "Ayan nanaman Mystie, nag-iisip ka nanaman ng poproblemahin mo." Ani ko sa sarili.   Itinuon ko nalang ang pansin sa ga-tambak na notebook na nasa may paanan ko at sinimulang i-check lahat. Ito yung hawak kanina ni King, s**t, namimiss ko na siya.   Para tuloy akong tanga at inamoy amoy yung notebook, malay ko ba kung nandun pa yung amoy niya. Sininghot singhot ko halos lahat.   Ganon na lang ang pagka-dismaya ko at halos mapangiwi pa ako ng matatapang na amoy ng ballpen ang naamoy ko.   "Ang tanga Mystie. Baliw ka na talaga." Hindi ko maiwasang sabi sa sarili.   Iwinaksi ko na lamang sa isip at bahagyang itinuon ang sarili sa pag-che-check. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos din, natuon ang atensyon ko sa makakapal na libro.   "Kailangan ko nga palang gumawa ng lesson plan."   "Hayyy." Buntong hininga ko nanaman.   Wala akong laptop na gagamitin, paano ako makakapag-encode niyan.   Nagtataka kayo siguro kung bakit may condo ako pero walang PC ano? Eh sa swerte ako sa school na pinagtatrabahuhan ko na pati computer ay hindi ko na poproblemahin, ang kaso dahil sa pagmamadali kanina, hindi ko na nadala.   Napasabunot ako sa sarili dahil sa katangahan at pagkuwa'y iginala ko ang tingin. Pumasok sa isip ko ang opisina ni King, dali dali akong tumayo upang tunguhin ang kabilang kwarto.   Dahan-dahan ang pagbubukas ko para i-sure kung nadun pa siya o wala, simula kanina kasi ay hindi ko na siya nakita. Galit na galit kanina eh kaya hindi ko na kinulit.   Success naman dahil walang tao. Nakita ko sa may mesa niya ang gatambak na papeles at pati libro sa may estante sa may likod ng upuan niya. Pang-businessman ang dating.   Gamit ang dulong daliri ng mga paa ay tinungo ko ang mesa niya, natagpuan ko ang medyo nakabukas na laptop doon.   Syempre, dahil may lahing chismosa ako, umupo ako sa bakanteng upuan at binuksan ng bahagya ang apple laptop.   "s**t! Bwahahahahahahahaha." Hawak ko ang tiyan sa pagtawa, hindi makapaniwala.   "Pftt. Bwahahahahahahaha. Tang!nang hari yan! Bwahahahahahahahaha." Tuloy pa din ang tawa na halos maluha na ako.   Shit! Ang loko sobrang bobo. Inosente ata masyado ang asawa ko.   "Ayieehhh, asawa daw." Tukso ng isip ko.   Hinayaan ko nalang at iniiwasan ko ng maging baliw, baka maturn off si papa King.   Itinuon ko ulit ang tingin sa may mesa kung nasaan ang laptop,   "Bwahahahahahahaha" hindi matigil tigil na tawa ko.   Pano ba naman, nasa google site si King kung saan naghahanap siya ng dating tips. Sinong hindi matatawa kapag ganun ang nakita mo sa laptop niya, pa-unang bungad pa.   Hindi ko maiwasang kiligin at matawa kapag iniisip ko siya, kasi ibig sabihin lang nun ay seryoso nga siya sa sinabi niya noon pagkatapos may nangyari sa amin, pero natatawa talaga ako, sinong lalaki naman kasi ang kailangan pang mag-search sa google dahil lang sa date.   Naiiling ako, bahagyang dumapo ang tingin ko sa papel na nakaipit sa ibabang bahagi ng computer, kinuha ko iyon at binuklat.   Nakita ko doon ang listahan ng mga dating tips. Nakasulat doon ang,   1. Give her flowers. 2. Give her chocolates 3. Ask her in a romantic date, with candlelight and soft music as the background.   Ilan lang yan sa nakita kong nakalista doon, at pagkatapos sa may pinaka-dulong bahagi ng papel ay may drawing na puso.   Bumunghalit ulit ako sa tawa. Ang childish ng mahal ko.   Kinuha ko ang laptop at iniwan ang papel sa may mesa, dahan dahan akong tumayo para sana umalis na ng nahagip ng kamay ko ang photo frame.   "A-ano to?" Hindi makapaniwalang tanong ko, nabibigla, nanlalaki ang mata.   Picture namin ni King ang naroon, pero edit lang. Yung picture kong naroon ay ang picture namin ni Arries na nakayakap ako sa kanya ng bahagya, pero iba nga lang ngayon dahil seryosong si King na ang kayakap ko doon.   Nyeta! Iba talaga yung Kingkong na yon. Patay na patay talaga sakin, bwahahahahaha. Hindi nalang humingi, pagbibigyan ko naman eh. Kinuha ko ang frame at papalitan ko pagdating niya. Kawawa naman. Kinuha pa yata yung picture na nandon sa may office ko, akala ko ba trash yon?   Agad akong bumalik sa kwarto NAMIN ng ASAWA KO at ipinagpatuloy ang pag-e-encode. Nasa kalagitnaan ako ng sunod-sunod na katok ang gumulat sa akin.   Ng tatayo na sana ako para pagbuksan ang kung sino man na iyan ay bigla na lamang itong nagbukas.   It's Blight!   "Ate! Ate! Ito baril oh!" Aniyang na-e-excite.   Napakunot ang noo ko sa pagkabigla at nagtatanong ang tingin na ipinukol ko sa kanya.   "Bakit? Saan ko gagamitin iyan?! Kakagamit ko lang niyan kanina Blight!" Hindi mapakapaniwalang tanong ko.   Ewan ko talaga sa pamilyang ito at sobrang hilig sa mga baril, pati ako na inosente ay dinadamay.   "Ano ka ba ate!! May kalaban sa labas, ewan at bigla bigla nalang sumugod. Naiputan siguro sila Kuya, sabi ko naman kasi eh a wag basta-basta sumusugod, ayan tuloy pati tayo ponupuntirya ng nga pangit." Seryosong aniya.   "Ano?! Sina King sumugod?!" Nabibiglang tanong ko ulit. s**t na malupit! Ba't hindi ako sinama?!   "Oo nga ate. Bakit hindi nagpa-alam sayo?" Napapantastikuhang saad niya.   Yumuko ako ng bahagya at nahihiyang umiling.   "Hala ka! LQ agad? Ni wala pang baby?!"   Nahiya ako bigla sa tanong niya, hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha.   "Oy ate ha!! Ikaw ha! Iniwan mo ako sa bar, buti nalang si Cyver labidabs ang nag-uwi sakin. Bwahahaha. Bwisit lang at sa sobrang kalasingan ko hindi na ako nakagawa ng move. Sayang tuloy ang pagkakataon." Aniyang tila bumabalik pa ang isip sa pangyayaring iyon.   "G-ganon ba?! Sorry ha? Si King kasi e..." Hindi na ako pinatapos pang magsalita at inulan na ako ng tanong.   Akala ko ba may mga kalaban? Bakit nakiki-chismis tong babaeng to?   "Si kuya nag-uwi sayo ate?! Pano yung operation natin?! Nagawa mo ba?! Ano may nangyari ba?! Nagchukchakan ba kayo?! Ano masakit?! Malaki ba?! Hala ka!!! Baka may pamangkin na ako niyan!!!" Parang kinikilig nitong tanong.   Pulang pula na siguro mukha ko nito. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari.   "Ahm ano. Hahahahaha. Ihhhh nahiya ako!!" Tili ko dito at hinampas pa siya sa braso.   "Aray ate ha!! Sabihin mo na kasi. Dali!! Ahahaha." Aniya at hinampas din ako.   Aray ha! Masakit yon.   Ng sasagutin ko na siya ay mukha ni Cyver na seryoso ang nagpatigil sa amin.   "Let's move ladies." Aniyang seryoso ang tingin, none the jolly Cyver.   Inakay kami nito sa pasilyo.   "Makikipaglaban tayo babe?" Ani Blight na parang nang-aakit.   "No. Me and our men will do the work and you two, will be hiding in the...." Pinigil ito ni Blight.   "Pero gusto ko din lumaban eh. Di ba ate Mystie?" Aniya pa.   Dinamay pa ako ng gaga. Naku! Naku!   "Ah hehehe." Wala akong maisagot at napakamot na lamang sa batok.   "Sige na babe?" Ulit nanaman ni Blight.   Maka-babe to parang may sila ah. Katulad ko ding makapal ang mukha. Hahaha. At least, maganda.   "No! Ako ang malalagot kay boss kung may mangyari sa inyo." Pinaleng saad niya at saka kami iginiya sa isang silid.   "Wag niyong bubuksan ito hangga't hindi ako ang nagbubukas." Aniya at saka umalis na.   Itong kasama ko naman nagmamaktol. Ewan sa babaeng to, kung bakit gustong makipagbarilan.   "Ehhhh! Gusto ko din ma-experience eh." Aniya at nagpapapadyak pa.   "Bakit ba kasi gustong gusto mo sumabak dun. Napakadelikado kaya." Pagka-usap ko rito.   "Eh ate. Never pa kasi akong pinayagan ni kuya kaya sasamantalahin ko sana ngayong wala siya. Pero ang walang hiyang babe ko, ayaw! Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang Mafia no, simula pa yata sperm ang ka-lolo-lolohan namin ang lolo namin ay meron na yang mafia na yan." Mahabang litanya niya.   "Akala nila pag-aaral lang ang inaatupag ko sa america?! Hindi kaya, nag-aral kaya ako pano gumamit ng baril pati na din martial arts. Tsk! Bwisit talaga." Parang nababaliw na siya dahil nakasabunot pa ang parehong kamay sa buhok.   "Hala sige tayo! Sasama tayo." Kumbinsi ko rito.   Agad lumiwanag ang mata niya at walang kasing bilis na tumayo at hinawakan ako sa pulsuhan at saka kinaladkad sa kung saan.   Medyo malayo ang linakad namin sa malawak na mansyon ng hari ko kaya naman hapong hapo ako ng tumigil kami sa isang pintuan.   "Tara ate!" Aniya at nagmamadaling kinaladkad ako papasok.   Doon ay sumalubong sa amin ang iba't-ibang uri ng baril pati na patalim at mga pasabog, pero natuon ang pansin ko sa mga sniper na nakatutok sa bintana.   Ang astig nun kaya linapitan ko at hinawakan.   "Ang ganda niyan ate no?! Isa yan sa pinaka-favorite ko!!" Aniya habang isinusukbit ang isang uri ng baril.   Hindi ko siya pinansin at inilagay ang kanang mata sa may salamin nito. Nakita ko ang mga tauhan na nandoon at tila naghahanda, iginalaw ko ang mahabang baril at napansin ko ang mga armadong kalalakihan malapit sa may mansyon. Iba ang damit nila sa mga lalaking naka-itim na narito.   Iginalaw ko ulit ang baril at nakita ko ang isang grupo ng kalalakihang parang may ibinabaon sa lupa, sa tingin ko ay kasama ng mga nakita ko kanina lang. Tawang-tawa yung isa habang humihithit ng sigarilyo. Nakakainis yung tawa niya kaya naman ay tinantiya ko ang hawak, inasinta ang lalaki sa may kamay niyang nakahawak sa sigarilyong nasa bibig niya.   Iginalaw ko pa ng kaunti at tumigil saka ay kinalabit ang gatilyo.   Kita ko sa salamin kung paano matumba ang lalaki, s**t lang, nasobrahan ko yata at leeg yung natamaan. Patay yun panigurado.   "Ate?! Anong ginawa mo?!" Nagugulat na tanong ni Blight.   "Tara! May ibinabaon yatang pasabog yung nga lalaking nasa labas ng mansyon. Kailangan nating sabihin kay babe mo agad." Sabi ko rito at kumuha ng baril saka siya kinaladkad palabas.   Baka malaman niyang nakapatay ako, lagot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD