Nakakunot ang noo habang sumisimsim ng alak si king, tila napakalalim ang iniisip kung titignan, habang ang lahat ng kasamahan ay nag-iingat gumawa ng kahit anong ingay, seryoso at nangungusap ang tinginan ng iba.
"Bwahahahaha. Tangna pabuhat kang loko ka. Hindi mo ko maiisahan. Hahaha" Bunghalit ng tawa ng isa sa mga kalalakihang kasama nila at pinutol ang katahimikan,
Lahat ay nakatingin sa lalaking naiiling pa habang dinudutdut ang kanyang Iphone 11 pro, hindi pinapansin ang mga masasamang tinging nakapukol sa kanya.
"Tripple kill!!......
Loko wag ng tumakbo ayan na ko, Savage!!!...
Bwahahaha tangna, takot na takot ah?
Sige lapit pa, sige ayan ayan! s**t wag mo kong agawan mapapatay kita! Ayan sige.
You have slained an enemy!
Maniac!!
An ally has been slained.
Godlike!" Tuwang tuwa nitong sinasabayan ang pakiwari'y nilang isang sikat na online games, ang Mobile Legends.
Napapalatak pa ito sa inis na base sa kanya ay inaagawan siya ng kasamahan sa laro.
Lingid sa kaalaman nito ang mga kanina pang masasamang tingin na ibinabato sa kanya, lalo na ang lalaking walang emosyong naka-upo sa pinakasentrong upuan.
"Marcellus Adriel Hustano, better keep that f*****g phone of yours kung ayaw mong kailan man ay hindi ka na makakawak niyan." Malamig at nakakapangilabot nitong saad sa noo'y nanigas sa kabang si adriel, mas kilala sa pangalang marcellus sa larangan ng Interpol.
Isa siyang private agent ng sariling organisasyon, lahat ng misyong nagawa na niya ay purong tagumpay. Wala siyang kinakatakutan maliban na lamang sa kaibigang si King, pinipili nitong banggain ang naglalakihang organisasyon na humahawak sa mga illegal na gawain.
And dahilan niya ay,
"Nakakabagot iyong mga simpleng misyon, mas gusto kong gawin iyong naglalagay sa isang paa ko sa hukay, mas delikado, mas interesante at mas masaya."
"Hustano, I know you do your job well than enough that is why I want you to handle about this organization who are more than brave enough to frame me." Pagkarinig sa sinabi ng kaibigan ay mabilis nitong itinago ang selpon at nagseryoso.
"Sige ba, tingin ko masisiyahan ako sa bagong ito." Nakangising sagot nito, hindi mawala ang nakakalokong ngiti na nakapaskil sa kanyang labi.
"Do it with thorn, I won’t give you the pleasure to solo this case." Bahagya ding ngumising saad ni king.
Wala siyang balak palampasin ang kung sino mang nagbabalak pabagsakin ang mafia niya, madaming pagod at hirap ang ginamit niya mapalawak lamang ito, hindi alam ng karamihan sa kanila ngunit bukod sa ginagamit niya ito para maprotektahan ang negosyo ay inihahanda niya rin ito para maprotektahan ang bubuuin niyang pamilya balang araw, hindi man ngayon ngunit alam niyang darating ang araw, lalo pa at mas lalong lumalawak ang business na pamana pa lamang sa kanya ng mga ninuno.
"Dont give him the chance to finish this alone." Bahagyang turan niya kay thorn na mas kilala bilang Llander sa larangan ng Abogasya.
Thorn Llander Gustavo has his own law firm. Of course, what would you expect to the famous Gustavo family but give him the leisure. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bukod sa pagiging attorney at may iba pa itong business na pinagkaka-abalahan.
Nababagot na tumango lamang ito at saka sumipsip sa basong may lamang alak, pagkatapos ay itinaas ng bahagya ang ulo para namnamin ang pagdaloy ng maanghang at mapait na inumin, nagdulot pa ito ng mainit na pakiramdam sa kanyang lalamunan na mas lalo niyang nagustuhan.
"Adam, you’re in charge of clearing our familia's name. Use your connection to clear our name, even MY name." May diin nitong sabi na ang tinutukoy ay ang mismong pangalan, kailanman ay hindi nasangkot ang pangalan ni King Lhourd sa kahit ano mang gulo.
His name will always be the first. He can't let anyone put damage on it, they will surely pay.
"Relax boss, isang pitik ko lang iyan." Mapagmalaking ani Adam na mas kilalang Drix sa larangan ng kapulisan.
Isang pitik, ganoon lamang kasimple iyon para sa lalaki, because at a very young age, at the age of 29 he was already a Police General.
Xendrix Adam Toloso was also known as deadly and wrathful in field. Hindi na nakakapagtaka iyon dahil pamilya ng mga pulis at Heneral ang kinabibilangan niyang pamilya, kaya noon pa man bata pa ay hinubog na siya.
"You two," pertaning to cade and cyver.
"Use your connection to get information about that f*****g Allarde and the dead mayor, include about the woman. Her connection to the mayor and that f*****g unmannered Familia." He commanded, cold as ice.
Tumango lamang ang dalawa at saka nagtinginan, ilang saglit ay nagtanguan din. Waring nagkaka-intindihan.
Minutes pass before king spoke again and,
"Search about their status." Mahinang aniya, nag-aalangan kung sasabihin ba o hindi ngunit lumabas din, na ang tinutukoy ay and dalaga at ang namatay na mayor.
Nagpipigil ng tawa ang lahat ng bahagyang nangibabaw at bumunghalit ng tawa si Adriel.
Sa isip ay bakit pa kailangang malaman ni king ang relasyon ng dalawa? First time ito kay king kung tutuusin kayat nagulat siya at tumawa.
Pinukol naman siya ng mga matatalim na tingin, wala sa lagay ang tawa nito gayong napakaseryoso ng pinag-uusapan.
Si Cade ay mas kilala bilang watkins sa larangan ng pag-aartista. Isa siyang sikat na modelo, aktor at media influencer. Isa siya sa most followed media influencer around the world.
Ganoon pa man ay hindi nito kinakalimutan ang pagiging parte ng familia, kaya nga at naroon siya. Sa kabila ng kasikatan nito ay lingid sa kaalaman ng karamihan na isa lamang iyong hobby ni Watkins, nung nakaraan nga lang ay pinaplano na nitong mag-retiro sa larangan ng media dahilan sa pinipilit na siya ng pamilyang i-take-over ang company nila, it’s a business that ventures real estate and oil enterprise. Lahat kasi ng kapatid niya ay babae kayat kahit siya ang bunso ay siya ang inaasahang magpapatuloy sa paghawak ng negosyo.
While Cyver, known as Aazel being the genius in Information and Computer technology, a lifetime hacker na kahit mga kaibigan ay pinapatos.
He owns a tele-company, kaya hindi na bago iyon. He transports his product not only around Asia but around the world for his famous works excel in a lot of ways.
Pagkatapos sabihin ang kanya-kanyang gagawin ay wala ng sinumang nag-lakas loob na gumawa ng ingay.
But the silence got interrupted when an old man break in. Tumikhim ito sa lahat bago lumapit ng kaunti kay Lourd.
"Boss, ano pong gagawin sa dalaga?" Puno ng pag-aalala at kuryosidad na tanong ng matanda.
"Send her home" Maikling imporma nito sa malalim na boses.
"Pero boss, hindi pa siya nagigising at hindi din namin alam ang address. Tanging pangalan lamang po ang nakuha kong impormasyon tungkol sa kanya." Mahabang litanya ni Adriano.
Nawawalan ng pasensiyang hinilot ni king ang sentido, kanina pa siya naaasar sa matanda. Wala naman kasi siyang balak dalhin ang dalaga kasama sila ngunit si Adriano ang nagpumilit na kilala daw niya ito. Ilang beses pa itong nagtanong kung bakit tinulungan pa nila ito kung iiwan din naman sa mga kamay ng taong gustong patayin ang dalaga.
Makailang beses din nitong sinagot ang tanong niya na hindi niya ito tinulungan, na mismong si Adriano ang nagligtas sa babae. Oo nga naman, ito ang pumindot ng gatilyo para patayin ang lalaking nag-nanais patayin ang dalaga.
Ang rason ni Adriano ay kilala nga niya ito at alam daw niyang walang balak si king barilin ang lalaki, lingid sa kaalaman nito ang totoo.
Sa huli ay pumayag din si king sa nagpupumilit na matanda. At heto sila ngayon, mukang magiging problema nanaman yata ng leader ng Familia kung paanong ibabalik ang babae sa sarili nitong bahay.
"What's her name?" Mababa ang boses na tanong niya.
"Allestair Mystie Osteha boss. High school teacher po." Tagumpay at may ngiti sa labing sagot ni Adriano sa amo.
"I only asked her name not her job old thug." Mabilis ang paghinga at saka pilit pinapakalma ang sarili para hind masinghalan ang matanda na ngayon nga ay may nakakainis na nakakalokong ngiti.
Ang ibang taong nandoon ay mahinang nagtatawanan, may napansin kasi silang kakaiba sa kaibigan, hindi mawari.
"Did you get her name?" Baling niya sa nooy may pinpindut pindot sa cellphone na si Cyver.
Hindi ito sumagot at mas lalong itinutok ang tingin sa hawak na ipad, ilang sandali lang ay,
"She is Allestair Mystie Osteha, a high school teacher, she was 19 years old when she passed her LET and got hired after. She is now 25 years old and turning 26. She's now under __________street, number 406 roof. She was left alone when her parents and siblings migrated in US" Mahaba at diretsong sagot nito.
Napatigil ng bahagya si king ngunit agad ding ini-utos sa matandang kanang kamay si Mystie.
"You send her Adriano, you three escort them." Tawag pansin nito kila Adriel, Lhander at Xendrix.
Labag man ay pumayag din ang tatlo, puno sila ng kuryosidad at katanungan kung bakit naging ganoon bigla ang kaibigan nilang si king,
Ano kayang meron sa Allestair na iyon at ganito umakto ang kaibigan nilang daig pa Virgin kung angilan ang mga babae?
Kayat ng agad lumabas si Adriano para gawin ang utos ng amo ay mabilis ding nagpa-alam ang mga ito.
______________________________________
Vote, comment and follow are very much appreciated by the author. ?