"How are your studies going?"
Magkausap kami ni mama Emelia through Viber call. Gumagawa siya ng report sa kanyang laptop habang ako naman kumakain ng ice cream sa sala habang kausap siya .
"Ayos naman ma. I'm making friends." Di ko maiwasan na ngumiti. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kaibigan. Siguro naman magkaibigan na kami ni Zaldivar kasi hinatid niya ako kahapon at tinulungan niya ako para matakasan 'yong lalaking sumusunod sa'kin. Though I don't like him as friend, yabang kasi niya pero mapagtitiisan na rin. At minsan kasama ko kumain 'yong group of friends ni Madhel. They're funny and loud.
"Good to hear that. Sigurado ka bang mabait sila sa'yo?"
"Opo ma," sagot ko. Mayabang nga lang 'yong isa.
Nagkwentuhan lang kami ni mama tungkol sa studies ko at minsan nagtatanong ako tungkol sa trabaho niya. If she's okay, how's her health at kung ano-anu pa. I love talking to her. It feels home.
"By the way, kumusta kayo ni Noah?"
Muntikan na akong mabulunan sa tanong ni mama. Okay na sana 'yong takbo ng pag-uusap namin ni mama kaso tinanong niya bigla 'yong tungkol kay Noah.
"Ahm..." Wala akong maisagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"It's okay." Ngumiti si mama, para bang naiintindihan niya kung bakit wala akong masabi. "I know magkakasundo din kayo. I'm looking forward to that moment."
Parang na hot seat ako sa huling sinabi ni mama bago matapos 'yong pag-uusap namin. Gusto kong makita siyang masaya. At kung ang magpapasaya kay mama ay makita kami ni Noah na magkasundo, parang ang hirap pero susubukan ko.
Nakita ko si Noah na pababa ng hagdan. Makalat pa 'yong buhok niya at mukhang kagigising lang. Paano naman kasi kagabi anong Oras na nakauwi.
Di ko maiwasan mapairap. Malapit ng mag-alas nwebe ng umaga pero 'yong isa kagigising lang. Pambihira simula nang dumating siya dito wala ng inatupag kundi pumunta palagi sa club at bar at mambabae. His totally wasting his life.
Naiinis lang ako kasi nagtatanong palagi si mama sa'kin kung busy ba si Noah kasi hindi niya sinasagot ang tawag ni mama Emelia.
Umupo si Noah sa tapat. Ako naman inis pa ring nakatutok sa kanya.
"What are you looking at?" irita niyang tanong. Kinuha niya ang remote and he turned on the TV.
Inirapan ko siya at binitbit ang laptop ko. Di pa ako nakakalimang hakbang nang tawagin niya ako.
"Saan ka pupunta?" He asked.
"To the moon!"
"What? What moon are you talking about? I'm asking you if where are you going, you stúpid!"
Huminga ako ng malalim. Kailangan kong habaan ang pasensya ko sa lalaking ito.
"Sa kwarto. May gagawin akong assignment." Tinalikuran ko siya at aalis na sana ako nang tawagin na naman niya ako.
"Nasaan si Ate Pia at Kuya Garry?" he asked again.
"Nasa palengke!" pasigaw kong sagot. Nakakairita siya, ang daming tanong.
"Galit ka? Wala kang respeto sa may-ari ng bahay. Akala mo ba nakalimutan ko na 'yong ginawa mo sa'kin ha?"
Gosh! Noong isang linggo na 'yon pero di pa rin niya makalimutan. At paulit ulit nalang niyang pinapamukha sa 'kin na siya ang may-ari ng bahay. Alam ko naman 'yon kasi siya naman ang tunay na anak. Pero kailangan ba talagang ipamukha?
"Si kuya Garry at ate Pia po, nasa palengke po. Oh? Magalang na po ba po 'yong sagot ko po?"
Nagsalubong lalo ang kilay niya.
"Nagugutom ako! Ipagluto mo ako!"
"Excuse me, I'm not your katulong. You're old enough. Do it yourself!" Tinarayan ko siya at naglakad paalis.
"Okay! I'll tell mom na hinatid ka ng boyfriend mo!"
Natigil ako sa paglalakad at inis na nilingon si Noah. Anong pinagsasabi niya? Boyfriend ko?
Saka ko napagtanto, nakita niya ba ako kahapon na hinatid ni Zaldivar?
"You're talking nonsense! He's not my boyfriend."
"Oh really? Sa tingin mo ba hindi siya maniniwala sa sarili niyang anak pag sinabi kong nagdadala ka ng lalaki dito sa bahay?"
Matulis kong tinitigan si Noah. "Sumusobra ka na Noah! Napakasiningaling mo!"
"Kung ayaw mong mangyari 'yon, wear an apron at ipagluto mo ako! It's your choice anyway. And by the way, cook an adobo for me, pork adobo." Pinatong niya ang paa niya sa mesa at nanood ng basketball.
Siguro pamangkin ni Sátanas itong si Noah. Sobrang sama ng ugali at napakasinungaling pa.
I wear an apron and prepared the ingredients of Adobo. Ayaw kong sabihin niya kay mama na may lalaki akong kasama. I don't want to disappoint mama Emelia, I promised her na babalik ako ng Pilipinas to priority my studies not boys.
Padabog kong hiniwa 'yong baboy. Nag-imagine nalang ako na mukha ni Noah 'yong karneng baboy para ganahan ako.
Isang oras nang matapos kong maluto 'yong adobo. Nilagyan ko ng ilang hiwa 'yong serving plate para matikman niya.
Nasa sala pa rin si Noah habang mukhang enjoy na enjoy sa pinapanood niyang basketball.
"Here's your adobo," irita kong nilapag sa mini table ang serving plate.
Tinikman niya ito.
"Masyadong maalat! Do it again!"
Nanlaki ang mga mata ko. "What? Baliw ka ba? Sayang 'yong mga ingredients na ginamit ko pangluto tas ipapaulit mo lang! Nahihibang ka na ba?"
Inagaw ko sa kamay niya ang tinidor at tinikman ang luto ko. "Ayos naman 'yong lasa ah. Hindi naman maalat!"
"I don't care! Just do it again! Gusto ko 'yong matamis na medyo na maalat na adobo! Bumalik ka na sa kusina! Ayaw kong makita ang mukha mo!"
Shít! Gusto kong sumigaw sa inis! Talagang inuubos niya ang pasensya ko.
Nagluto ulit ako ng adobo. Sinunod ko 'yong gusto niyang matamis na medyo maalat na adobo.
"Ito na 'yong request mo! Matamis na medyo maalat na adobo!" Nilapag ko ulit sa mini table ang adobo na bagong luto ko.
"I changed my mind. Ayaw ko na ng adobo! Gusto ko ng pork sisig!"
"Pútangina ka pala eh! Di mo pa nga natitikman ayaw mo na agad!"
"Remembered that we have a deal. Kung ayaw mong isumbong kita! Ipagluto mo ako. It's pork sisig, understood?"
Nagluto ako ng pork sisig pero hindi niya rin nagustuhan. Sunod niyang pinaluto ay kare-kare pero di niya ulit nagustuhan.
"Ito na 'yong Bicole Express, señorito!" Padabog kong nilapag ang serving plate sa mini table. Sana magustuhan ng halimaw kasi kanina pa ako pagod sa iba't ibang request niyang putahe. Pag ito pinaulit niya pa, talagang masasaktan ko na siya.
He turned off the TV. Tumayo siya at tiningnan ako.
"I'm not hungry anymore." Tinalikuran niya ako at naglakad siya paalis.
Ubos na talaga pansensya ko sa lalaking ito kaya mabilis kong dinampot ang tinidor at binato ko sa kanya na tumama sa ulo niya.
"What the f**k! You crázy ugly!"
Tumkabo ako palapit sa kanya at nanggigil na sinabunutan. Hinila niya rin ang buhok ko pero di ako nagpaawat. Wala na akong pakialam kung isumbong niya ako kay mama. Gusto ko lang siyang masaktan at magantihan.
Natigil kaming dalawa nang dumating si kuya Garry at inawat kami.
"Siya 'yong may kasalanan ate Pia!" Dinuro ko si Noah.
"No! Ang baliw na 'yan ang may kasalanan!"
"Para kayong bata dalawa! Tingnan niyo nga itsura niyo!" Tuluyan na ngang nagalit si Ate Pia kaya tumahimik na kaming dalawa.
"Umakyat kayo sa taas! Ayusin niyo sarili niyo! Bumaba kayo pagkatapos kasi sabay sabay tayong kakain!"
Nauna na akong umakyat sa taas. Naligo muna ako saka bumaba. Labahan halos lahat ng pajama ko at jogging pants kaya nagsuot nalang ako ng shorts at sleeveless.
Pababa ako ng hagdan nang mapansin kong nakatingin si Noah sa'kin. Nasa hapagkainan na sila nila ate Pia at kuya Garry. Mukhang ako nalang ang hinihintay nila.
"Tss! Ugly and slow." Inirapan ako ni Noah.
Di ko nalang siya pinansin kasi ayaw kong makipagtalo sa kanya kasi nasa harap namin si ate Pia at kuya Garry.
Magkatabi kami ni ate Pia habang sa harap namin si Kuya Garry at Noah na magkatabi rin.
Sa inis ko sinipa ko 'yong paa ni Noah sa silong ng lamesa dahil pinahirapan niya ako kanina.