CHAPTER 9:

762 Words
Binilisan ko ang paglalakad at bumilis rin ang anino ng taong sumusunod sa'kin. I know some self defense but I need to consider some factors. Hindi lahat ng pagkakataon kailangan lumaban. Self defense can be helpful, but also can be dangerous. Kinuha ko ang phone ko habang malalaking hakbang ang ginawa ko. Tinawagan ko si kuya Garry pero network busy. Napamura ako nang biglang may humila sa'kin sa may pader. Tinapakan ko ang paa niya at handa na akong ibalibag siya pero natigil ako nang marinig ko ang boses niya. "What the f**k!" malutong na mura niya habang nakahawak sa paa niya. "Zaldivar?" Shít. Anong ginagawa niya dito? Siya ba 'yong sumusunod sa'kin kanina? "Quiet," lumapit siya sa may pader at sumilip. "Mamaya na tayo lumabas, hindi pa siya umaalis." Hinila ko si Zaldivar para ako naman ang sumilip. Nagulat ako nang makita ko 'yong lalaking nakasombrero. Siya 'yong sumusunod sa'kin kanina. Palinga-linga siya, hinahanap kung saan ako nagpunta. Umalis na 'yong lalaki nang akala niya'y tuluyan na akong nawala. Saka kami lumabas ni Zaldivar. "Sinusundan mo ba ako?" Nakapameywang na tanong ko kay Zaldivar. "Hindi," tipid na sagot niya. "Mabuti naman at nagkakaintidihan tayo. Bye!" Dali Dali akong naglakad baka bumalik ulit 'yong lalaki. Paglingon ko, nakita ko si Zaldivar na sinusundan ako. Huminto ako sa paglalakad para magkasabay kami. "Akala ko ba di mo ako sinusundan?" Mataray na tanong ko pero dinaanan niya lang ako at hindi sinagot ang tanong ko. Hinabol ko siya para magkasabay kami sa paglalakad. "Hoy akala ko ba di mo ako sinusundan ha?" "Ikaw nga 'yong sumusunod sa'kin ngayon." Hinila ko 'yong braso niya. "Kanina ko pa napapansin sa paaralan. You're stalking me, right? May gusto ka ba sa'kin?" "Pftyy! Hahaha!" Tawa siya nang tawa, napahawak pa siya sa tiyan sa kakatawa. "You're good at joking kiddo!" Kinalat niya 'yong buhok ko. Nagulat ako nang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "What if I told you I like you?" Natahimik ako. Pakiramdam ko naduwag 'yong dila ko, walang lumalabas ni isang letra. Kanina lang ang daldal ko. Napalunok ako nang makita kong seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa'kin. "Just kidding!" You're like a little sister to me?" Kinurot niya ang pisngi ko. Sa inis ko sinipa ko 'yong kaligayahan niya. "Ayaw ko ng may kapatid na lalaki!" Tumakbo ako, pero nahinto ako nang makita ko 'yong tumatakbong malaking husky palapit sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Takot talaga ako sa aso kasi kinagat ako ng aso nung 9 years old ako. Pakiramdam ko maiiyak na ako kasi palapit na nang palapit 'yong aso. Sa takot ko napapikit ako ng mata at sumigaw ng malakas. Minulat ko 'yong mga mata ko nang mapansin ko ang pamilyar na tawa. Paglingon ko nakita ko si Zaldivar na tawa nang tawa habang dinidilaan siya ng Husky. "Para kang takot na daga!" Tawa pa rin nang tawa si Zaldivar habang naglalakad palapit sa'kin kasama ang husky. "Sir Kean!" Isang babae ang lumapit sa kinatatayuan namin. Sa tingin ko nasa 15 years old siyang babae. "Sir Kean pasensya na po, bigla kasing tumakbo si Dwight kaya nabitiwan ko." Tinawag niyang sir Kean si Zaldivar? Dito rin nakatira si Zaldivar sa village na ito? "Nasaktan po ba kayo miss?" Kinakabahan na tanong ng batang babae. "Hi...Hindi naman." Kahit ang totoo gusto kong sipain 'yong aso dahil muntik na akong mahimatay dahil sa sobrang kaba. "Pasensya na po miss," kinuha niya 'yong tali ng aso kay Zaldivar saka sila pumasok sa tapat na mansyon. "Dito ka rin nakatira?" Tanong ko kay Zaldivar nang maiwan kaming dalawa. "Hindi. Dumadalaw lang." "Dumadalaw? Girlfriend mo?" "Dami mong tanong." Inirapan ko siya. Siya naman 'yong marami 'yong tanong sakin kanina. "Saan 'yong bahay niyo dito?" tanong niya na pinagtaka ko. "Bakit mo tinatanong?" "Saan nga?" He look pissed kaya sinabi ko sa kanya kung anong phase at block 'yong bahay ni mama Emelia. "Diyan ka muna. Wag kang aalis dito. Babalik agad ako!" Umalis si Zaldivar at pumasok don sa Mansion. Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko siya. Pwede naman akong umalis. Pero Wala namang masama kung susundin ko siya. Besides, he saved me this day. Maya maya'y may kotseng huminto sa tapat ko. Saka ko nakilala kung sino 'yong nasa loob ng ibinaba ang windshield. "Sakay!" What the? Is he a boss? Kung makautos sa'kin kala mo kung sino. I don't have any choice kaya sumakay ako sa kotse ni Zaldivar. Malayo layo pa 'yong bahay kung lalakarin ko. Medyo masakit na rin 'yong paa ko sa kakalakad kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD