"Amelia?" Narinig ko 'yong boses ni ate Pia galing sa labas ng kwarto ko. Dalawang araw na akong nagmumokmok dito sa kwarto.
"Di ka pa kumakain mula kahapon. Ayaw mo pa bang lumabas ng kwarto? May dala ang kuya Garry mo ng paborito mong Durian galing pang Davao. Dala ng pinsan niya na nakatira sa Davao City."
"Ate Pia, ayaw ko pa pong lumabas."
"Naiintindihan kita kung bakit ka nagtatampo kasi hindi namin sinabi sayo ang totoo. Pero hindi tama na gutumin mo ang sarili mo."
"You don't need to worry about me ate Pia. Bababa po ako mamaya pag gusto ko."
"Okay sige. Bumaba ka mamaya. Wala si Noah ngayong araw. Nagpunta sa mga kaibigan niya."
Mukhang umalis na si Ate Pia kasi di ko na narinig ang boses niya sa labas ng pinto.
Mabuti naman at wala ang halimaw na Noah na 'yon.
Noah Lysander ang pangalan niya. Mukhang mabait lang ang pangalan niya pero sobrang sama ng ugali niya.
Mama Emelia told me about his only son Noah. Nag-usap kami kahapon sa Viber. Sabi niya hindi niya inakala na uuwi ito sa kanya dahil kung umuuwi ng Pinas si Noah hindi ito pumupunta sa bahay niya, don siya namamalagi sa father side niya. The truth is Noah, her own son hate her.
Nakita ko sa mukha ni mama Emelia ang saya nang mag-usap kami. Halata sa kanya ang pag-asa na sana hindi siya kamuhian ng anak niya.
Nag-aaral sa California si Noah at tuwing semester break umuuwi ito ng Pinas. Hindi ko alam kung saan nagmana ng masamang ugali ang anak niya. Sobrang bait naman ni Mama Emelia.
Kinuha ko ang journal ko at nagsimulang magsulat. This journal was part of my therapy before. Sabi ng psychiatrist ko kapag wala akong masabihan ,isulat ko ang lahat ng gusto kong sabihin.
I hate you Noah Lysander! Hindi rin kita ituturing na kapatid! Halimaw ka!
"Amelia, pasensya ka na kay Sir Noah ha. Masungit lang siya sa umpisa pero mabait naman ang batang 'yon." Nagmamaneho si kuya Garry habang panay kwento siya tungkol kay Noah, kesyo mabait daw ito. Di ko alam kung saang parte naging mabait ang lalaking 'yon.
Una. Wala siyang respeto kay Mama Emelia. Kung makasigaw siya sa tawag akala mo hindi siya pinaghirapan ng nine months.
Pangalawa. Kung makatawag siyang bàliw sa'kin akala mo naman kung sino, may sàyad din naman siya sa utak.
Hininto ni kuya Garry ang kotse nang makarating kami sa San Lorenzo University.
Nagpaalam ako sa kanya na baka matagalan akong umuwi kasi may gagawin kaming project ng mga ka-groupmate ko. Kailangan na namin matapos baka di kami umabot sa deadline at ibagsak ang grades namin.
Sobrang late na ako sa first subject ko kaya hindi na ako pumasok. Nagpunta nalang ako sa cafeteria habang hinihintay ang oras ng second subject. Nagugutom na rin ako kasi di ako makakain ng maayos sa bahay dahil sa halimaw na Noah na 'yon.
Nag-order ako ng rice and pork adobo.
Naghahanap ako ng bakanteng mauupuan nang makasalubong ko si Lawrence, ang kaibigan ni Kevin. Mukhang siya lang mag-isa kasi di niya kasama si Kevin at 'yong isa pa nilang kaibigan na nagvideo nong gabing inabuso ako.
"A–ana?" Halata sa mukha ni Lawrence ang takot. Para siyang nakakita ng patay na nabuhay.
Naglakad ako palapit kay Lawrence. Parang nanghina ang tuhod niya sa takot dahilan para bumagsak siya.
Nilagpasan ko ng lakad si Lawrence. Nagkunwari akong hindi ko siya kilala. This is not the right time para gawin ko ang plano.
Umupo ako malapit sa binagsakan ni Lawrence.
Takot na takot na nakatitig pa rin sa'kin si Lawrence. Parang hindi siya makapaniwala kung totoo ba ang nakikita niya.
Nagmamadaling tumayo si Lawrence at parang bàliw na tumakbo palabas ng cafeteria. Sigurado akong magsusumbong siya kay Kevin na nakita niya akong buhay.
Tumayo ako at naghanap ng malilipatan na upuan. Hindi muna ako magpapakita kay Kevin. Babaliwin ko rin siya sa kakaisip kung totoong bang buhay ako.
Nakiupo ako sa mesa ng mga magbabarkada. They are four of them.
"Hi! Anong pangalan mo?" tanong sa'kin ng babaeng naka eye-glass. She looks cute and innocent.
"Amelia," I smiled.
"Ako si Madhel. Siya si Paris, si Portia at si Ada."
They are friendly and nice. Sa tingin ko mas matanda ako sa kanila ng dalawa or tatlong taon. Hinayaan ko silang magkwentuhan, minsan sinasali nila ako sa usapan nila at tinatanong ng kung anu-ano.
Maya maya'y nakita kong bumalik si Lawrence. At katulad ng inaasahan ko, kasama niya si Kevin at si Ericson.
"Nasaan siya, Lawrence?" Iritang tanong ni Kevin.
"Nandiyan lang siya kanina, nakaupo mag-isa! Nakita mismo ng dalawa kong mga mata!"
Nakatalikod ako limang metro ang layo sa kinatatatuan nila kaya hindi nila ako makikita.
"Are you pranking us Lawrence?"
"Hindi ah! Maniwala ka sa'kin Kevin. Nakita ko si Ana!"
"Baka may third eye ka Lawrence kaya ka nakakakita ng patay na tao," pang-aasar ni Ericson.
"Putangína! Nagsasabi ako ng totoo! Nakita ko nga siya. Nagkasalubong pa nga kami"
"Tama na Lawrence. Namamalikmata ka lang. Bumalik na tayo, baka kulang ka lang sa tulog."
Umalis na sila Kevin kaya nagpaalam ako kina Madhel na aalis na ako kasi late na ako ng 5 minutes sa susunod kong klase.
Nagsisimula na 'yong discussion nang makarating ako sa classroom. Hindi bad mood si Mrs. Valdez kaya pinapasok niya ako kahit late ako sa klase.
"You're late, Miss Madrigal?" agad na bungad ni Zaldivar nang makaupo ako. Feeling prof. din ang isang 'to. Nilaro laro niya sa daliri ang ballpen niya habang nakatingin sa'kin.
"So?" Tinaasan ko siya ng kilay pero mas lalo pa siyang natuwa.
"Bagay sa'yo magtaray!"
I rolled my eyes. Kakairita siyang katabi. Kung ano anong nonsense ang lumalabas sa bibig.
Natapos ang buong klase na wala akong naintidihan dahil sa madaldal na si Zaldivar.
Hindi ako masusundo ni kuya Garry kaya naghintay ako sa may bus stop. At kung minamalas nga naman, dumating rin si Zaldivar.
Nagkunwari akong nagbabasa. Nakaupo ako sa dulo ng bench. Sana di niya ako mapansin. Kakainis siyang kausap.
"Wala pang bus?" tanong niya nang mapansin niya ako. Napamura ako kasi hindi effective ang pagkukunwari kong nagbabasa.
"Obvious ba?"
Humalukipkip siya at nagtaas ng tingin.
Inis ko siyang nilingon. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"Wala naman. Natatawa lang talaga ako sa mukha mong poker face."
At tinawanan pa talaga ang mukha ko.
May dumating na bus kaya nagmamadali akong sumakay. Kainis kasi muntikan pa akong madapa.
Nakita kong hindi sumakay ng bus si Zaldivar kaya nakahinga ako ng maluwag at nagpasalamat.
Walang tricycle papasok sa village kaya naglakad nalang ako.
Nahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong parang may sumusunod sa'kin. Lumingon ako, pero wala akong nakitang tao.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad saka ko nakita ang isang kaduda dudang anino. Nakasuot ng sombrero 'yong taong sumusunod sa'kin base sa anino niya.