Nagulat si Zane nang pagpasok ay kalaro ng anak ang Lolo nito. Sinalubong naman ni Jayzee ang ama nang makita itong pumasok sa silid. "He's so adorable, Zane, just like you when you were his age. Hiling ko lang sana'y hindi siya lumaking kasing arogante mo." He chuckled habang panay ang punas sa salamin ng maliit na tela. Alam nilang dinadaan nito sa biro ang pagiging emosyonal. "Selena made me the proudest grandfather nang isunod niya ang pangalan ng apo ko sa akin. Hindi ako magrereklamo kung ang susunod kong apo ay Julianne naman." Hindi mawala ang ngiti nito nang magpaalam. Hindi naman maalis ang tingin ni Zane sa kanya hanggang makaalis ang ama. "What does Papa mean na isinunod mo sa kanya ang pangalan ni Jayzee?" "Oh well, nahirapan akong maghanap ng ipapangalan sa kanya

