Nagulat si Jack nang bigla siyang sumulpot sa opisina nito. Agad siya niyong niyakap sa gulat niya ngunit bumitaw din naman ito kaagad. Sa gilid ng mesa ito umupo habang siya ay nanatiling nakatayo. "Where's Jayzee?" "Narito kanina pero nangyayang kumain ng french fries kasama si Zane." "It seems like you're getting along with your husband.." tila may hinanakit ang tinig nito ngunit hindi niya pinansin. "Ang sabi ni Papa'y hindi ikaw ang babalik ng Malaysia?" "Yes. I decided to stay here with you. Sa tingin ko'y hindi sapat ang dalawang linggo para itrain ka. Though dapat si Papa ang mag-train sayo dahil hindi na VP ang posisyong ibinigay sayo." "Oh Jack.. I can't accept it. Kaya ako nandito para pakiusapan kang maging CEO. That's a big responsibility." "Si Papa ang nag desisyon n’o

