Maaga palang ay nasa opisina na sila ng Rusco Corp. kung saan gaganapin ang meeting dalawang linggo matapos ang libing ni Fredrick. Margaux and his father were also there as a shareholder. Hindi maipaliwanag ni Zane ang kabang nararamdaman sa muling pagkikita nila ni Selena. Nang pumasok si Maria at Daniel ay hinanap ng mga mata niya ang asawa ngunit wala nang ibang pumasok sa conference room na iyon kundi ang dalawa. "Good morning everyone, in behalf of our family, nagpapasalamat kami sa pakikiramay na ipinahatid nyo sa aming pamilya," panimula ni Daniel. Maria was still mourming but has to be with his son at the meeting. Marami siyang gustong itanong kay Daniel pero makakapaghintay siya gaano man katagal. "As you all know, Selena was chosen by my father to be the CEO of Alba

