Hindi niya hinabol si Selena katulad ng dati. Margaux blamed him for his pride at kung pwedeng ito na lang ang humabol at magpaliwanag ay ginawa niya na. Pagdating sa bahay ay nakahanda na ang maleta nito at ng anak. Umahon ang galit sa dibdib niya. "Kung dati ay hindi ako nagpaalam ng umalis, now I'm kind enough to say goodbye. Doon muna kami kina Mama hangga't hindi naaayos ang custody ni Jayzee." "Hindi kayo aalis." Matigas niyang sabi pero hindi nagpatinag si Selena. Her voice was as cold as the night. And dangerous too. "Have I known that you only wanted your child, abogado ko na lang sana ang pinakiusap ko sayo." Hindi pa siya nakakabawi sa sakit na lumukob sa kanya ay yumakap na ang anak sa kanya na tila alam nitong aalis sila sa bahay na iyon. He literally can't breathe, and h

