Lumayo si Zane sa pagkakayakap ni Cathy nang makitang nakatingin si Selena. Kahit paano'y ayaw niyang mapahiya ito sa mga bisita bukod pa sa may mga reporter na nakaabang. Sinulyapan niya ito na kanina'y nasa bride's chair ngunit wala na ito doon. Napako ang tingin niya nang makitang kasayaw nito ang kapatid na si Zandro. He cursed silently. Selena is undoubtedly beautiful. Maraming kalalakihang humanga sa bride niya kanina habang naglalakad sa aisle. He himself was taken by her charm for today, lalo nang hagkan niya ito kanina after their marriage vows. It was supposed to be a quick kiss to finish the ceremony, pero hindi niya napigilan ang sariling hagkan itong muli ng mas malalim at mas matagal. Her lips were soft and inviting. Nilapitan niya ang asawa na kasayaw ni Zandro. Binulunga

