Maagang ipinatawag ng matandang Albano si Selena kinabukasan sa opisina nito. Pagpasok niya'y naroon na si Zane na napakunot noo nang makita siya. Sa iilang araw niya sa mansion ay nasanay na siya sa tingin nitong mapanuri at kadalasan ay galit. This man will be her husband in few hours time. "Maupo ka, Selena," wika ng matanda sa kanya. "Ipinatawag ko kayong dalawa bago ang inyong kasal para sa ilang kundisyong kaakibat ng pagpapakasal ninyo. I know you very well, Zane." Tumigil ito sandali sa pagsasalita at tinitigan ang anak. "Kailangan nyong manatiling kasal sa loob ng isang taon. Kung sa loob ng panahong iyon ay hindi nagtagumpay ang inyong pagsasama, you will be taken out as a CEO and Selena will have the half of your inheritance." Hindi sumagot si Zane bagama't naglabas ito ng mal

