Chapter 5

992 Words
Pagkatapos magshopping ay sinundo sila ng isang driver at inihatid siya sa bahay. Pagdating niya'y may mga wedding gown nang naghihintay sa kanya para isukat. Nag trial na rin sila ng magiging make up at hairdress niya. It would be a garden wedding dito sa mansion at iilang bisita lang ang dadalo. Kung meron man siyang kinasasabikan ay ang makitang muli ang kapatid bukas sa araw ng kasal niya. Sa gabi ay dumating naman ang dalawang kapatid ni Zane na nabanggit ni Haley. And she was right, all of them are good looking. Pero para sa kaya si Zane ang nakahihigit kahit pa lagi itong seryoso tila laging galit. Napalagay naman agad ang loob niya kay Ezekeil at Zandro na mas malapit ang edad sa kanya. "Hey, do you drink, Selena?" tanong ni Zandro. Nagyaya itong umupo sa mini bar na malapit sa dining room. Nakasubok naman siyang uminom kahit paano kapag umaattend ng mga birthday parties. Pero nang nilagok niya ang inabot na kopita ni Zandro ay ibang pait ang gumuhit sa lalamunan niya. Lumagok siya ulit, ngayon nama'y tila umikot ng sandali ang paligid niya. Bago pa niya maubos ang laman ng kopita at lumapit si Zane at kinuha iyon sa kamay niya. "Huwag mong pilitin kung hindi ka sanay uminom," wika ng baritonong boses nito. Kaagad nanulay ang init ng kamay nito sa katawan niya. Si Zane ay napa kunot noo naman nang makita agad ang pamumula ng pisngi ni Selena. Hinawakan niya ito sa siko dahil tila mabubuway ito nang tumayo mula sa bar stool. "Go to your room and rest," wika niya rito. Nagpumilit naman itong naglakad ng tuwid hanggang makarating ng kwarto. "Why did you let her drink?" baling niya kay Zandro. Kumuha sya ng rum at nilagok ng tuloy tuloy. Hindi niya gusto ang init na naramdaman kaninang mahawakan niya ang braso nito. She's soft and sweet. At dahil nakainom na rin siya'y bahagya siyang naapektuhan sa paglalapit nila ng katawan. She's a young girl dammit! He cursed himself. "I didn't know she doesn't drink. Sa club ay mas bata pa sa kanya ang mga umiinom," depensa ni Zandro. "She's different. She's naive at ----" "Beautiful," sala ni Zandro sa sasabihin niya. "Kaya siguro napili siya ni Papa para maging asawa mo. Kung ako sayo, iiwanan ko na si Ava at Cathy. Selena is far prettier." "She's not my type, Zandro, I don't ravish little girls," he lied. Kanina sa opisina sumasagi saglit ang mukha ni Selena sa isip niya. "Kung sa akin in-offer ni Papa na pakasalan siya'y I'd be more than willing. She's nice. Pero alam kong hindi ka papayag dahil kakambal ni Selena ang pagiging CEO ng kumpanya." Tumingin siya kay Zandro nang sinabi niyang willing siyang magpakasal kay Selena. Kung edad ang paguusapan ay magka-match ang dalawa. At kanina pa rin niya napapansin na madaling nagkagaanan ng loob ang mga ito. "Too bad, Zandro. Wait for your turn kung kelan mamanipulahin ng Papa ang buhay mo." Muli siyang nagsalin ng alak at nilagok ng tuloy tuloy. "Sa condo ko ako matutulog." Saka siya lumabas at nagtungo sa garahe. Sa condo niya itinuloy ang pag-inom. Bukas na ang kasal niya at wala na siyang magagawa. Tinawagan niya si Ava para pumunta sa unit niya. Hindi siya papayag na mabago ang buhay niya dahil lang sa pag aasawa. In thirty minutes ay dumating si Ava. Nasa ibang bansa ang DOM nito kaya malaya itong nakakapunta sa kanya sa club o dito man sa unit niya. Nang magtanggal ito ng kasuotan ay agad naginit ang pakiramdam niya dahil sa dami na ng nainom. Ava is wild as a beast. Sa kanya nito nagagawa ang hindi nagagawa sa kinakasamang matanda. Minutes later ay nagpapaligsahan na sila sa pagdama sa isa't-isa. Matapos ang mainit na sandali ay tumayo ito at nagsindi ng sigarilyo sa tapat ng bintana ng condo. "I heard you're getting married." Tumayo siyang walang saplot at kinuha ang basong may tira pang alak. "Nothing will change Ava, I can still live my life freely." "She's beautiful." "And?" Hindi nito matumbok kung ano ang ibig nitong sabihin. "You don't love your bride? Kapag kasal ka na'y hindi na ako pwedeng sumama sayo. Engaging myself with a married man isn't my cup of tea, Zane. Regardless of what you think of me, hindi ako tumatalo ng kabaro ko." Inarok niya ang katotohanan sa sinabi nito. Isa sa mga nagustuhan niya kay Ava ay ang pagiging straightforward nito. Wala siyang problema dahil openminded sa lahat ng bagay. Ang ibang nakakasex niya'y naghahanap ng commitment pagkatapos. "You don't love her?" muli nitong tanong sa kanya. "It was an arranged marriage by my father. You know I'm not capable of that emotion, Ava." Sumandal siya sa headboard ng kama habang hawak ang basong may bagong salin na alak. "You're still young, Zane. Why don't you give it a chance. Kung hindi lang ako nakatali kay Henry ay hahanap din ako ng seseryoso sa akin." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "If you told me that earlier I could've chosen you as my wife." "Oh, no. I love Henry, Zane, kaya hindi ko siya maiwan." Isa ring mayamang businessman ang kinakasama nito ngayon. "Love. My ass," he cursed. "Bakit pumapayag kang sumama sa akin?" "He is old, Zane. Hindi na kayang makipagsabayan sa init ko. At alam kong nasa puso pa niya ang dating asawa. Somehow I hate him. Kahit anong gawin ko'y hindi niya kayang idivorce ang asawa gayung may asawa na rin itong iba." Ngayon lang nakita ni Zane ang kalungkutan sa mga mata ng babae. Ava is twenty eight, still at the prime of her life, while Henry is fifty. "This will be out last night, Zane. Subukan mong iwork-out ang marriage nyo while I fix my own life too." Nagsimula itong ibalik ang kasuotan. Nang matapos magbihis ay nagpaalam na ito sa kanya. Ipinikit niya ang mata at sinikap matulog. Kahit ikakasal siya bukas ay pipilitin niyang maging normal pa rin ang takbo ng buhay niya. Kung ayaw ni Ava ay si Cathy, o si Grace, o si Michelle, o si Pamela. He can have any of them. Except Selena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD