Kanina pa paikot-ikot sa salamin si Selena pero hindi siya makuntento sa suot. Isang faded jeans at tank top ang isinuot niya na pinaresan ng sandals na one inch ang heels. Naglagay ng mas makapal na lipstick at blush-on kaysa sa karaniwan. Hindi niya maintindihan ang sarili sa kagustuhang maging maganda sa harap ng mapapangasawa.
"We can't be husband and wife in it's true sense.."
Tila pabalik-balik sa isip niya ang sinabi nito kanina na ikinalungkot niya. Wala siyang kinalakihang totoong pamilya, ngayon ay nawalan na rin siya ng pag-asang makabuo ng sarili niyang pamilya.
"Can you at least give this marriage a try Selena?" bulong ng isip niya.
Pinahid niya ang luhang nasa gilid ng mata. Kinuha ang shoulder bag at bumaba sa driveway kung saan naghihintay si Zane.
"Put your seatbelts on," wika nito bago pinaandar ang sasakyan.
"What's your name again?" tanong nito habang nasa daan sila.
"Selena Wong."
"Anong pinagkakaabalahan mo sa buhay bago ka napasok sa sitwasyong ito?"
"I am a college student taking up Psychology."
"Bakit hindi mo tinutulan ang father mo nang ipagbili ka kay Papa? Sorry for the term," paumanhin nito na pasulyap-sulyap sa kanya habang nagmamaneho.
"Totoo naman ang sinabi mo, bagama't hindi ko alam kung sampung milyon lang ang halaga ko. Para sa akin kahit sino ay walang katapat na halaga. Pero alam kong sa inyo ay malaki ang perang iyon para sa isang tulad ko."
Zane didn't say a word. Hindi niya balak insultuhin ito. She doesn't deserve to be treated in any worse than a situation she is into right now. Hindi ito katulad ng mga babaeng nakakatalik niya na palaban at hindi magpapaapi. This one is innocent, naive, and helpless. Nababasa nito ang mga mata niya sa tuwing kakausapin niya ito. Madalas sa hindi ay tila ito iiyak dahil walang magawa sa sitwasyong kinasadlakan.
"Ikaw, bakit ka pumayag magpakasal sa akin?" lakas loob nitong tanong sa kanya.
"Because before I can be the CEO of my father's company, kailangan ko munang magkaroon ng asawa."
"Wala ka bang girlfriend?"
Umiling siya. Paano ba niya ipapaliwanag sa dalaga na nagagawa naman niya ang pakikipagtalik kahit wala siyang asawa? Ni hindi pa ito nakakaranas mahalikan o magkaroon ng kasintahan.
"Sa gwapo mong iyan?"
Tumingin siya kay Selena, tila may humaplos sa dibdib niya sa nakitang aliwalas sa mukha nito. Sa tingin niya'y napalagay ang loob nito sa kanya kahit papaano. At masarap sa pandinig na sinabing gwapo siya. That's odd. Kinalakihan niya na ang ganoong kaisipan bakit ngayon lang niya na-appreciate ang salitang iyon.
"Yes, wala akong girlfriend dahil wala naman akong balak mag-asawa," he said honestly.
Idinial niya ang telepono at tinawagan si Haley, ang personal assistant niya.
"Meet me up at Resorts World, may ipagagawa ako sayo."
Mahigit isang oras pa bago dumating ang tinawagan nito.
"Samahan mo siya sa parlor, at samahan mo siyang mamili ng mga damit. You have good taste, Haley, make my future wife the most beautiful on earth. Pagkatapos niyo'y ipapasundo ko kayo sa driver," bilin nito sa assisitant na ikinagulat ng babae.
Si Selena ay nagulat nang ibinigay nito ang isang debit card at pin number sa kanya bago umalis.
"Totoo? Future wife ka ni Sir Zane?" Hindi makapaniwala si Haley sa narinig. Ngumiti lang siya dito. "Batam-bata ha," nakangiting wika pa nito.
Dinala siya nito sa isang sikat na parlor at kinausap ang isang parlor attendant na i-make over siya. Mahigit apat na oras yata bago sila nakalabas. Nag-aya muna siyang kumain sila dahil lagpas nang tanghalian.
"Hindi ba nakakahiya sayo kailangan mo pa akong samahan? Kaya ko naman mag-isa," nahihiya niyang sabi.
"Okay lang sa kin. At least nakalabas ako ng opisina. So, saan kayo nagkakilala ni Sir Zane?"
"Okay lang ba kung hindi muna ako magkwento?" Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Nakaintindi namang tumango si Haley sa kanya.
"Actually, may usap-usapan naman sa opisina na arranged marriage ang kasal ni Sir Zane. Sorry ha mausisa ako. But don't worry your secret is safe with me. And you can trust me, I promise."
"Thank you," nahihiya niyang sabi sa tila pag amin sa sinabi nito.
"You're beautiful. Hindi nakapagtatakang ikaw ang napili nila para kay Sir Zane."
And helpless too, wika niya sa sarili.
"Wala bang girlfriend si Zane?" tanong niya kay Haley. Parang mahirap paniwalaan na wala itong girlfriend.
"Wala sa pagkakaalam ko. Pero marami kasing babaeng lumalapit dyan. You know, with his money and his looks."
"Ikaw, hindi ka ba nagkagusto sa kanya?" Kung tutuusin ay pwede itong mapangasaw ni Zane. Maganda si Haley at halatang edukado.
"Hmmm.. can I tell you a secret too? Si Ezekeil ang crush ko," bulong nito sa kanya. "Have you met him?"
"Hindi pa, sino ba yun?"
"His younger brother. Tatlo sila actually, then you can tell me kung sino ang gwapo sa kanila para sayo. For me Ezekeil is tamer among the three. Mas approachable pa."
"Wala sila sa bahay nung dumating kami."
"You will meet them soon. Baka sa wedding nyo."
Pagkatapos kumain ay sinamahan siya nitong mamili ng damit at mga personal na gamit. Nagugulat siya sa mga presyong nakikita nya kaya iilan lang ang binili niya.
"Your husband-to-be is famous and high profile. Dapat maganda ka sa paningin ng lahat lalo sa mga babaeng dati niyang nakarelasyon. Huwag mo silang bigyan ng pagkakataong maliitin ka."
"Marami ba siyang nakarelasyon?"
"Yes, sobrang dami. I'm warning you ngayon pa lang. Hindi madaling mapangasawa ang isang Albano."
Lalo siyang nanlumo sa narinig. Ito ang sinasabi ni Zane na hindi sila magiging magasawa sa totoong salita.
"Kahit sa opisina ay may umaaligid diyan. Kaya bakuran mong lagi yang si Sir Zane."
"Alam mo naman na na arranged marriage lang naman ang sa amin di ba."
"Kahit ano pa yan, ikakasal ka sa kanya kaya panghawakan mo yan. You have all the rights. Titimbrehan kita kapag may babae yang si Sir Zane sa office. Huwag kang pumayag na aapihin ka ng sinuman tandaan mo yan."
"Salamat," sinserong wika niya kay Haley. At least nadagdagan ang kaibigan niya sa araw na iyon.