Chapter 3

1100 Words
Alas sais pa lang ay gising na si Zane.  It's unusual dahil madalas alas onse na siya nagigising dahil halos umaga na siya umaalis ng club. Lumabas siya ng balkonahe para magpaaraw.  To his dismay, mukhang nasa kabilang kwarto lang ang bisita at gising na rin.  At bago pa siya pumasok muli sa kwarto ay nakalabas na ang babae sa sliding door na patungo rin sa balkonahe. A young woman!  Naningkit ang mga mata niya pagkatingin sa babae.  Ito naman ay nabigla din sa presensya nya na lalong nanlaki ang mata sa pagkakatingin sa katawan niyang hubad bukod sa suot na boxer shorts.  Bumalik agad ito sa papasok ng kwarto at isinara ang sliding door. How did his father choose a young girl to be his wife?  He is thirty four for pete's sake!  He is far from being a DOM, of course.  Pero wala sa plano niya ang pumatol sa dise anyos! But he would admit, that girl has a beautiful face.  Makinis ang balat at maganda ang hugis ng katawan.  She also has an expressive eyes.  Pumasok siya sa kwarto at nagsuot ng roba.  Dagling bumaba at hinanap ang ama.  Nasa opisina ito na nasa dulo ng bahay.  Maaga pa'y nagtatrabaho na ito tulad din noong mga bata pa sila.  He never stopped working kahit pa isakripisyo ang oras sa pamilya.  Ang masama pa'y pati ang ina ay naging workaholic na rin. Kumatok muna siya bago pumasok.  Naputol ang paghigop nito ng kape ng makita siya. "Napuyat kami sa kahihintay sayo kagabi, Zane.  You should know the value of other people's time," seryosong wika ng ama. "Why did you choose a young girl to be my wife?  Wala na bang ibang babae, Pa?  I'm too old for her!" Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mesa nito. "She is twenty already, Zane.  At sa isang araw na ang kasal nyo.  Kausapin mo nang magkakila kayo." "There's no way I would marry a little girl, Papa,  find someone else or I will not marry at all." "Then don't marry her, Zane.  I will let Ezekeil marry her and to be the new CEO.  Binayaran ko na yan ng sampung milyon para atrasan mo.  Goddamn, napakatagal na panahon kitang pinaghanap ng mapapangasawa mo!" He sighed heavily, he knew his father very well.  Kapag galit ito'y hindi mo dapat sinasabayan.  Walang salitang umalis siya ng opisina nito at kumatok sa guest room na tinutuluyan ng babae.  Tatlong katok bago nito binuksan ang pinto at sumungaw ang mukha nito. "Can we talk?" Binuksan nito ng malaki ang pintuan at pumasok siya.  Sumuot kaagad sa ilong niya ang powdery scent na hindi niya alam kung sa dahil sa sabon dahil bagong paligo ito o sa pulbo nito sa katawan na hindi pa gaanong naayos. She was wearing khaki shorts and off-shoulder top.  Bente anyos na mukhang high school.  But she has nice pair of legs. "A-anong kailangan mo?" alanganing tanong nito ng hindi siya nagsasalita. "Do you know me?"  Umiling ito at nagyuko ng paningin.  Lumambot ang puso niya sa nakitang itsura nito na tila sisiw sa harap ng isang agila. "Well, I'm your husband to be."  Sumandal siya sa tokador at pinagtiklop ang mga braso.  "Are you really willing to marry me?" "W-wala naman akong choice," she answered.  May mumunting kislap sa mga mata nito na tila iiyak pero nagpipigil. "Wala ka bang boyfriend?"  Umiling ito.  "Never had one?"  Umiling itong muli.   "Have you kissed anyone before?"  Hindi na ito sumagot.  Umiwas siya ng tingin dahil sa pagkakatitig ng babae.  He cleared his throat and spoke again.  "You still have twenty four hours to think about it.  I don't want to drag you here because you are too young to decide.  I can find someone else to marry."  Akma na syang aalis nang muling magsalita ang babae. "Ang sabi ng Mama mo ay dadating ngayon ang mga wedding gowns na isusukat ko." Nilingon niya ito at tinitigan.  "So you've decided after all."  Tumango ito ng marahan na tila nasa ulap ang isip.   Nakaawang ang mga labi nito at napako doon ang tingin niya.  Hindi niya maintindihan kung bakit naapektuhan siya ng neneng ito. "Then goodluck.  Hindi ako magiging mabait na asawa sinasabi ko na sayo."  Tuluyan na siyang lumabas ng pinto at tumuloy sa kwarto. Naiwan si Selena na nanginginig ang tuhod.  Tila galit ang lalaki sa kanya.  Binigyan siya ng pagkakataong umatras pero wala siyang pupuntahan kapag ginawa nya iyon.  At  tiyak magagalit ang mga magulang sa kanya. Hindi niya inaasahan na ang lalaking nakita niya kanina sa balkonahe ay siya nang mapapangasawa niya.  He was like those men in magazines with perfect abs and sexy look.  Kung sa iba ay iisipin na napakaswerte niya.  Gorgeous and wealthy men are rare to find.  Pero sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya kanina ay labag sa kalooban nito ang pagpapakasal.  And he seemed like a powerful and a dangerous man. Tumingin siya sa salamin at sinipat ang sarili.  Kung sa itsura lang ang pag-uusapan ay nakakalamang din naman siya sa karamihan.  Matalino rin siya bagama't wala ng pagkakataon pang magtapos ng kolehiyo.  Muli niyang tinungo ang maleta at naghanap ng magandang damit.  Ngayong nakilala niya na ang mapapangasawa ay kailangan niyang ihanda ang sarili.  Wala nang dahilan para umatras sa kasal.  Ngunit kahit anong halukay niya sa maleta ay wala siyang mapili.  Lahat ng perang natatanggap niya sa ama ay para lang sa pag-aaral niya. Wala siyang pagkakataon man lang na magkaroon ng magagandang damit.  May kumatok muli sa kwarto niya.  Bumugad ang isang katulong at ipinatawag siya sa komedor ni Sir Zane.  Ang alam niya'y Julio ang pangalan ng matandang Albano.  Zane ba ang pangalan ng lalaki? Bumaba siya sa komedor at nadatnan nang kumakain si Zane at ni hindi siya nito tinignan.  Umupo siya sa silyang may pagitan nilang dalawa at kumuha ng pagkain.  Walang imik ang lalaki.  Tila wala ring lasa ang pagkain sa kanya dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya.  Sumusunod lang siya sa agos kung saan sya dalhin ng buhay. "Kumain kang mabuti dahil aalis tayo," wika ni Zane nang tila nilalaro lang niya ng kutsara ang pagkain.  Hindi siya sumagot bagama't dinalasan ang subo para matapos kaagad.  Si Zane ay tila nakonsensya sa inasal sa babae.  Wala itong muwang sa mundong ginagalawan niya.  Alam niyang biktima din ito ng pagkakataong binigay ng magulang nito.  Hindi tamang dito niya naibuhos ang inis niya sa ama. "Saan tayo pupunta?" "Mamimili ng gamit mo." "I can do that alone.  Hindi mo ako kailangang samahan ---" "I'm trying to get to know you," sala nito sa anumang sasabihin niya.  "We can't be husband and wife in it's true sense but I will make life easier for us.  It's the least I can do...f-for you," wika nito sa mababang tinig.  "Thank you.."  she smiled at Zane.  Pinilit naman nitong ngumiti pabalik.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD